Sponsored Links
Advertisement

Para Sa Nanunungkulan


Bihira na ako magpost ng bumabatikos sa kahit na knino pero hayaan ninyong ngayong araw “pupuna ako at pipilantik” sa mga nanunungkulan.

February 2, 2011 fourteen Taiwanese national pinadeport ng Pilipinas sa China. (kahit itong alaga ko naiinis kasi parang commonsense daw taga taiwan iyong mga tao dapat sa Taiwan din ang turn over) Dito sa Taiwan kapag ang issue involve ang China madali silang magalit, magbigay ng sentimiento sa kadahilanang bukas na katotohanan ang China at Taiwan untill now may issue about sovereignty.

February 8, 2011 Taiwan recalls envoy to Philippines.

February 9, 2011 Deportation row to affect Filipino workers

““Starting today, we are implementing a stricter screening of applications for hiring new Filipino workers,” said Council of Labor Affairs Minister Wang Ju-hsuan.

She said it would now take four months to screen applications for importing Filipino workers, compared with the maximum of 12 days previously required”

“But Wang warned that if Manila fails to formally apologize for its mistake and does not take corrective action, the labor council will not rule out the possibility of imposing a formal freeze on bringing in Filipino workers or adopting even harsher sanctions”

“In addition to tightening the screening of Filipino workers, Taiwan has also decided to recall its envoy in Manila and cancel visa waiver privileges for some visitors from the Philippines to protest the Philippine government’s handling of the issue.”


Nakakainis dahil wala pa akong naririnig from the Philippine government. Naiintindihan ko hindi ito kasing big deal ng mga cases around the world ng mga OFW’s pero hindi rin nangangahulugan na walang apektado. Simpleng official/formal letter of apology lang ang hinihingi ng Taiwan Government tutal inako naman na nila na may miscommunication sa nangyari. Ang ikinaiirita pa ng mga tao dito prior to the deportation nakiusap na ang gobyerno ng Taiwan pero mas pinili ng Pilipinas na ipadala sa China kasama ng mga tsinong nahuli sa parehas na kaso.

Ngayon kaming OFW ang maghihirap sa di maayos na pagmanaged ng mga opisyal. Kami lang naman ang papasan ng kruz ng kanilang pagiging incompetent. Pamilya din lang namin ang maapektuhan sa sinasabi nilang simpleng miscommunication. Takte! Naisip ba nila ang simple para sa kanila ay kabuuan ng pangarap ng isang OFW, ng kanilang pamilya? Sa March 8, papunta na ang kapatid ko dito sa Taiwan as early yesterday tinawagan na ng agency, hindi na daw matutuloy. Maibabalik pa ba ang lahat ng nagastos? Iyong time na nawala para lang mag-antay sa wala. Nararamdaman ba nila ang abot kamay na pangarap tapos biglang manlulumo dahil sa sitwasyon na pwede naman sanang maavoid?? Pabigat ng husto sa OFW, ang dating 7 to 12 days na processing period ngayon mag-aantay na ng 4 months.


10 Comments

  1. Bino February 9, 2011
  2. LordCM February 9, 2011
  3. Coffeeveggie addict. February 10, 2011
  4. Bhing February 10, 2011
  5. Bhing February 10, 2011
  6. Bhing February 10, 2011
  7. The Psalmist February 10, 2011
  8. =supergulaman= February 11, 2011
  9. Bhing February 11, 2011
  10. ISTAMBAY February 11, 2011

Leave a Reply