Sponsored Links
Advertisement

Isang Minutong Smile (Alay Pag-asa Christian Foundation)


What: Isang Minutong Smile ProjectWhere: Alay Pag-asa Christian FoundationWhen: March 23, 2013

 Isang Minutong Smile 
 Ang mga ngiting hindi tunay

 The Volunteers
 Larong Bata
 Mga Anghel
 The Giver

Sand Art









Isa na namang makabuluhang araw ang nangyari noong Sabado (Marso 23,2013) Ang Isang Minutong Smile ay gumawa ng outreach program sa Alay Pag-asa Christian Foundation Mandaluyong City. Ito na ang pangalawang beses na nakasama ako sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga bata sa pamamagitan ng organisasyon na ito.

Bawat minuto na aming binahagi ay hindi matutumbasan ng salapi dahil sa tunay na ngiting aming nakita at ipinadama ng mga bata. Ang kanilang munting saya ay babaunin namin sa aming pakikibaka sa buhay na sa kabila ng aming mga personal na pinagdadaanan mas mapalad pa rin kami dahil hindi namin pinagdaanan ang kanilang sitwasyon noong kami ay bata pa.

Salamat sa lahat ng volunteers na dumating. Ang iba ay talagang doon lang namin nakilala. Hindi man namin lubusang kilala ang bawat isa ngunit ang aming mga puso ay iisa ang layunin magbahagi ng ngiti at panahon sa araw na iyon. Higit sa lahat salamat sa walang sawang suporta ng mga sponsors at kay Master CM, salamat sa patuloy na pagpapalago ng Isang Minutong Smile. We make a living by what we get. We make a life by what we give.(Winston Churchill)

Ngiting Busilak(Ni: Bhing Comiso)
NakatanghodNakasimangotNag-aabangSa palasyong bahay.
PinagsisilbihanInaalagaanBinubusogSa kinang ng material na bagay.
Sa kabilang dako
Ang ingayMadungisMaguloSa kanilang pamayanan.
 NaghihikahosMahirapMaralitaSalat sa lahat ng bagay.
Dalawang mukha ng karalitaan,Ito ang maskarang di ko makakalimutan,Ang isa yakap at tinatamasa ang maalwang buhay,Ngunit  busilak na ngiti, sino ang nagtataglay?

Naranasan mo na bang tumingin sa dalawang maskara ng lipunan? Ang isa ay naghihikahos at ang isa ay mayaman. Pinagmamasdan mo na ba sila? Kanino mo nakita ang busilak na ngiti? Tayo mismo ay makakagawa ng kanilang ikasasaya sa simpleng bagay. Simpleng pakikipag-usap, simpleng pagkakapitkamay para maipadama ang ating pagmamahal. Hindi awa ang kanilang kailangan kundi ang ating bukal sa pusong pagtulong. 
Oras! Panahon, iyan ang pinakaimportanteng regalo na ating maibibigay.


One Response

  1. Bino March 30, 2013

Leave a Reply