Sponsored Links
Advertisement

Blog Mo, Ipasuot Mo


 Blog Mo, Ipasuot Mo
 Registration with Senyor
 Name Tag
 Storytelling
 count me IN
 school bags
 school supplies
 Jollibee spag and burger
 Munting Pangarap
 seryoso sa pagsusulat ng kanyang pangarap
 Gusto ko maging Guro

Ang mga bata suot ang BMIM shirt

 Blog Mo, Ipasuot Mo teamPhoto credit: Axl Powerhouse Production
 one, two, three… Smile!Photo credit: Power House Production Inc.
 BloggersPhoto credit: Power House Production Inc.
 with the kids
Lunch time

Si Bino ng Damuhan  ay nagtag sa akin sa FB about the event, asking me to join the Blog Mo, Ipasuot Mo (Back to School Sabak). Aaminin ko hindi ko masyadong kilala ang mga bloggers na kasama, at first hesitant ako dahil inisip ko baka nakakahiya pero nun nalaman ko na kasama si Madz at Axl, sumama ako at least may kakilala naman pala ako.

Ang pagkikita kita ay naganap sa MRT Taft Station (Mc Donald) at 8am pero around 9am na nakapunta sa venue dahil nag almusal muna at may hinintay pang ibang bloggers. I am thankful kasi andun si Madz, hindi niya ako hinayaan na maOP sa grupo.

80 kids ang nabigyan ng bags, shirts, mga school supplies at napakain. May mga parlor games din at storytelling. Naamazed ako sa volunteer na nagkwento sa mga bata, she was “excellent” story teller. Nakuha niya ang attention ng mga bata at talagang andun ang puso niya sa pagshare ng kwento. May buhay ang bawat eksena, kaya ang mga bata ay attentive sa pakikinig.

  Sa bawat bata masasalamin ang ganap na kasiyahan. Makikita mo sa kanilang mukha ang tuwa’t saya, may mga magulang din na nanonood. Ang sarap sa pakiramdam na sa simpleng bagay makikita mong tuwang tuwa na sila. Isang realization na rin sa akin ang nakita ko sa event, na may “kasiyahan” sa simpleng bagay. The kids were thankful enough for the simple things that they’ve got.

After the event napagkasunduan na maglunch sa SM Bicutan (first time ko nakapunta dun) @Savory. Nagkaron na rin ng meeting para sa susunod na event. Sana makapunta pa rin ako.

Masasabi kung matagumpay na naidaos ang event. I’m glad namet ko sila. To BMIM family, thank you so much. I wish you more luck and more events to share with the kids. Continue to share the blessings!


9 Comments

  1. Eagleman July 24, 2013
  2. Bino July 24, 2013
  3. KampayMaster July 24, 2013
  4. Senyor Iskwater July 24, 2013
  5. eMPi July 25, 2013
  6. jhengpot July 25, 2013
  7. Bhing July 25, 2013
  8. JH Alms July 27, 2013
  9. Bhing July 27, 2013

Leave a Reply