Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Balak Mong Gawin Kapag Umuwi Ka Na Nang Pilipinas?


Ano ang balak mong gawin kapag umuwi ka na ng Pilipinas?

Ang pangingibang bayan ay pansamantala lang, ito ay isang pagkakataon upang matupad natin ang ating mga pangarap para sa ating pamilya maging personal na hangarin sa buhay. Maraming tayong pinagdaan na hirap sa umpisa ng paghahanap ng licensed agency, pagkuha ng passport at iba pang mga dokumento, medical examination at paghanap ng pambayad ng placement fee.

Narito ang mga sagot ng ating kababayan kung ano ang balak nilang gawin once na umuwi na sila sa Pilipinas:

Cheriz R Tanaid: Kakauwi ko lang po 2 weeks ago, As of now nag aaral po ako ulit sa TESDA. Baking and pastry para pag mag abroad ulit medyo malaki laki na ang sasahurin. I am doing this for my family.

Carmina Sahaji Abdulajid Mag papahinga na at mag negosyo kahit maliit lng atleast may pagkikitaan kaysa nakatambay lang sa bahay. Nakakapagod na rin sa kakaabroad sa loob ng 4 na taon.

Mamsie Oyie Magdagdag ako ng ibang mga paninda sa bakery ko at magbubukas ako ng mliit na karinderia.  Installah, baka pwedeng hindi na ako bumalik sa abroad.

Soletaire Mind Tulungan ang partner ko para sa business namin at ipagpatuloy ang masayang bonding namin ng family ko😊😊😊😊miss ko na talaga sila, di ko nakakalimutan na pera lang ang kulang samin dahil masaya kaming magkakasama.

Cris Unabia Longcob Maganda habang nasa ibang bansa, maghanap ng extra pagkitaan para hindi habambuhay malayo sa pamilya hirap ang nasa malayo hindi rin habang buhay tayo sa companyang pinapasukan natin kaya habang maaga pa humanap ng extra pagkitaan para maaga makauwi.

Audrey A. Lepais Matulog ng matulog gigising lang pag gutom at mag facebook din tulog ulit,dahil dito kulang lagi tulog dahil may trabaho at nakakahiya sa amo kahit wala nang ginagawa. Babawe talaga ako pag uwi ko nang Pilipinas, tulog kain,kain tulog.

Khellie Cross Ignacio Sa pag uwi ko at natapos ko na ang save@investment ko aalagaan ko na lang anak ko,  babawi ako ng todo dahil sa natutunan ko kung paano magkaroon ng financial independence.

Gelannie Alcantara I just hug my loves one and love my friends even nagtatampuhan kami ng mga kaibigan ko alam kong totoo sila sakin dito hindi ka na ata makakahanap ng kaibigan kagaya ng tiwala meron ka sa kaibigan mo sa ibang bansa.

Honorio Castro Guzman III First thing na gagawin ko ipapasyal ko family ko pambawe ko lang sa kanila at para makabonding ko sila ulit then next ko dyan ay kukuha ako ng short course para magamit ko sa susunod at isasabay ko na din ang pag open ng another acct. Para makapag invest ako tapos tatayo ako ng maliit na negosyo after nyan alis ako ulit. Ganun ulit gagawin ko hanggang sa lumago negosyo ko

 


Leave a Reply