Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Mga Natutunan mo sa Buhay Bilang OFW?


Ang pagiging OFW ay pansamantala lamang na pakikipagsapalaran sa ibang bayan ngunit nakakalungkot isipin ang iba nating kababayan ay umabot ng dalawang dekada at ninanais pa rin magtrabaho abroad dahil na rin sa unemployment at kawalan ng opportunidad sa sarili nating bansa.
Tinanong natin sila kung ano ang mga natutunan nila sa kanilang pagtatrabaho sa abroad. Narito ang ilan sa kanilang tugon.
Cherryl Torrejos: Almost 12 years na ako dito sa Taiwan same employer lang. Ang natutunan ko bilang isang OFW ay pagkakaroon ng mataas na pasensiya at pagtitiis kakayanin para sa pamilya. Pagbutihin ang trabaho para magustuhan ng amo ang serbisyo, sa awa ng diyos walang problema dahil magkasundo kami ng amo ko at parang family na trato nila sa akin, kaya ayaw ko masira yon. Ginagawa ko trabaho ko ng maayos. Financially naman mahirap makaipon lalo na pag ikaw ang inaasahan ng pamilya, kaya dapat maging wise maglaan din para sa sarili at mag-ipon para pag-uwi ng pinas makapagsimula ng kahit maliit na business. Hindi habang buhay na magtrabaho abroad.
Nans Hotter Aguila 8 years ako sa UAE. Bilang OFW kailangan malakas loob mo tiwala sa sarili at sa Dios,dahil sa lahat ng dinanas ko sa company na pinasukan ko wala akong ibang dasal sana mabigyan ako ng chance na baguhin at ayusin ko buhay ng pamilya ko, nakapagtapos ang pamangkin ko ng college ng dahil sa akin, pero ang hindi ko makalimutan na lukohin ako ng pamilya ko, ang inasahan ko tapos na bahay kong pinagawa at mga gamit sa bahay, ang halos 300k plus na pinadala ko para matapos na bahay at yong mga canvases sa mga gamit ko ay nauwi sa wala, kaya mahirap magtiwala kahit pamilya mo.
Marites Palomo Mag 5 years na po ako dito sa KSA. Bilang isang OFW dapat matapang ang loob mo na kayanin ang lungkot na malayo ka sa pmilya mo, homesickness tlga ang kalaban mo dito pero sulit naman po ang paglayo ko at pagsakripisyo dahil nakabili ako ng sarili lote ko po nakapagpatayo ako ng sarili kung bahay pra sa pamilya ko. Walang imposible basta manalangin lang po palagi kay Lord. Lahat ay makakaya.
Buscayno Pascua Alma Nasa Qatar po ako ngayon at 6 yrs na po ako sa company natutunan ko po tumayo sa sarili kong paa maging matatag at maging palaban din minsan kung kinakailangan. Huwag umasa at wag magtiwala kahit kanino man lalong lalo na sa kapwa mo pilipino minsan sila pa magpapahamak sayo. Kailangan maging determinado pagtitiis at sakripisyo ang kailangan para sa kinabukasan ng pamilya.
Ric Jr Binalla 25yrs na akong OFW. Ang natutunan ko sa buhay ay magtipid. Bawat centavo kinita ko ay katumbas ng bawat patak ng pawis ko. Ang natutunan ko pa ay ang mabuhay ng solo. Trabaho sa plantsa, luto sa gabi kasama na ang almusal at tanghalian sa sunod na araw, maglaba ng sariling damit tuwing rest day. Natutunan kong magbudget para sa isang buwan na consomo. Nandyan na iyong lahat na kailanganin sa 1 buwan. Pero ang mga ito ay dati ko ng alam kasi elem pa lng ako dati na akong nagtitinda ng mga chichiria sa mga buses at barko sa pier. Dahil sa aking pagpursigi sa trabho at pagpacencya sa sobrang init sa Middle East. Napagtapos ko sa Maynila ang 2 anak. Mahaba ang kwento ng buhay abroad. Maluluha ka habang nagkukwento. Hangang dito na lang baka mapuno ng luha ang basong nasa harap ko. God bless all.
Melhfa Peñaflor Mag 4 years dito sa Hong Kong. Ang natutunan ko ay pahabain ng milya milya ang pasensya. Gusto ko pa sanang manatili sa pag abroad pero iniisip ko ano ba ang mas higit  mahalaga. pera o pamilya. Maaring ang sagot ay pera para mabigyan ng magandang kinabukasan Ang anak pero napag isip isip ko na Di ko maibabalik Ang pagkabata ng anak ko Di ko magabayan SA paglaki. Ang pera makikita magsipag Lang at wag maluho. Makuntento Kung ano Ang Kaya. Dahil lumaki din ako SA hirap pero masaya. Minsan ng nasira Ang binu o Kung pamilya dahil SA pag abroad ayaw ko nang maulit Lalo na may anak na ako.
Lexter Puzon Sequijor Pagtitipid, iwasan makipag barkada gumastos ng tama matutung magpakumbaba,iwasan ang puro gala, mag-ipon ng pera yung pera ipon ibili agad ng materyalis para sa pagppalano mgpgwa ng bhay makikita mo pag uwe mo may bahay kn nakikita..gawin mo insperasyon pamilya mo.uae po ako 8years na po.
Dexmie J Balabat 1st time ko Kuwait ako ng work. 2yrs and 7months ako ng trabaho sa amo ko hirap doon ng tiis nalng kasi, 1st time ko kaya takot din ako mapunta sa iba, 2nd time dito rin ako sa Qatar ngaun 1yr and 6moths na ako mas mahirap pa trabaho ko dito kaysa dun sa Kuwait minsan natutulog kami ng limang oras lang kaya tiis nalng kami para sa pamilya nmin.
Juliet Chan Ang natutunan ko sa abroad ay mahirap magtiwala sa kapwa mo kabayan kailangan ka lang pag may gusto at pagkatapos siya pa ang may ganang magalit pag hindi muna mabigay ang gusto ng kaibigan needs nila. Kaya huwag basta magtiwala sa tao at natuto din mamuhay mag isa mas masarap mamuhay pag sariling mong pera ang gagamitin at masarap sa pakiramdam.  For more answers, please visit our official facebook page @ Radyo OFW.


Leave a Reply