Sponsored Links
Advertisement

Sa Dako Pa Roon


Landas pinagtagpo sa ‘di inaasahang pagkakataon,
Mundo ko’y malungkot sa pagsubok ‘di makabangon,
Puso’y nangungulila, tunay na damdamin ang tugon,
Sa munti mong ngiti, pait tuluyang naibaon.

Salamat at ako’y iyong napansin,
Araw-araw nag aabang na sana ikaw ay dumating,
Pag-ibig na pinapangarap nawa’y danasin,
Saiyong kamay, doon mahihimlay, pag uusig lulupigin.

Ngayong nandito ka na buhay ko’y naging makulay,
Isip naging kampante saiyo nakasalalay,
Daang binabagtas kasama ka sa paglalakbay,
Pangarap pilit aabutin, saiyo iaalay.

Huwag mong isipin na ako’y magbabago,
Huwag mong isipin na ako’y magloloko,
Sapagkat sa puso ko’y isa kang sagrado,
Pakaiingatan hanggang sa katapusan ng mundo.

Tukso sa paligid, magkahawak kamay nating aabutin,
Hindi tayo susuko patitibag o kayang pabubuwal,
Dumating man ang panahon tuluyan kang panghinaan,
Ika’y aking aabutin,pag-ibig ko saiyo gagabay.

Sa dako roon patuloy akong mag-aantay,
Kahit pa umabot sa dapithapon, ‘di ako mapapagal,
Pag-ibig mong dalisay doon ako mahihimlay,
Sa dako roon, sa pag ibig mo ako sasandal.


Leave a Reply