Sponsored Links
Advertisement

Sampung Kautusan Upang Makaiwas Sa Illegal Recruitment


Sampung Kautusan Upang Makaiwas Sa Illegal Recruitment

1. Huwag mag-apply sa ahensiya na hindi lisensiyado ng POEA, gaya ng Consultancy Firms, Training Centers, Travel Agencies and Foundations na nag-aalok ng trabaho para sa ibang bansa.

2. Huwag makipag-ugnayan sa mga lisensiyadong ahensiya na walang approved job order.

3. Huwag makipag-transaksyon sa kanino man na hindi awtorisado ng lisensiyadong ahensiya.

4. Huwag makipag-transaksyon sa labas ng rehistradong address o opisina ng ahensiya. Kung ang pagrerecruit ay gagawin sa probinsiya o jobs fair, alamin kung may Special Recruitment Authority (SRA) o Jobs Fair Authority na ibinigay ng POEA, o magtanong sa Public. Employment Service Office (PESO)

5. Huwag magbayad ng placement fee na higit sa katumbas ng isang buwang sahod. Wala ring placement fee ang household service workers, seafarers at mga workers na papunta sa mga bansang ipinagbabawal ang paniningil nito.

6. Huwag magbayad ng placement fee kung hindi pa nakakapirma ng employment contract. Dapat humingi ng Official Receipt na nagsasaad ng aktuwal na halagang binayaran.

7. Huwag magpaloko sa mga nag-aalok ng magandang trabaho sa pamamagitan ng internet at nagsasabi sa mga aplikante na kaagad. magpadala ng pambayad para sa visa, airfare at gastos sa proseso na dapat ay sagot ng employer

8. Huwag agad maniwala sa mga anunsiyo o babasahin na nagsasabi na ipadala ang inyong sagot sa P.O. Box, na may kasamang pambayad sa pagpo-proseso ng mga papeles.

9. Huwag tatanggap ng trabaho sa ibang bansa na ang gamit ay tourist o visit visa

 

10.  Huwag makipag transakyon sa mga fixers.

 

POEA Hotlines:

722-11-44 / 722-11-55

E-mail:
info@poea.gov.ph

Official Website:
www.poea.gov.ph

Location:
Blas F. Ople Building
Ortigas Avenue corner EDSA
Mandaluyong City


Leave a Reply