Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Karapatan Ng Pasahero Kung Ang Bagahe Ay Na Off-Load Sa Eroplano?


ANO ANG KARAPATAN NG ISANG AIR PASSENGER KUNG ANG BAGGAGE AY NA OFF-LOAD SA EROPLANO NA SINASAKYAN O HINDI NAKASAMA SA FLIGHT NG EROPLANONG SINASAKYAN?

ANG AIR PASSENGER AY MAY KARAPATAN NA MAISAKAY ANG KANYANG BAGGAGE AT MGA PERSONAL BELONGINGS SA KANYANG EROPLANONG SINASAKYAN. KUNG ANG KANYANG BAGGAE AY NA OFF-LOAD, ANG AIR PASSENGER AY MAY KARAPATAN NA MABIGYAN NG TAMANG INPORMASYON TUNGKOL SA OFF-LOADING NG KANYANG BAGGAGE AT BAYARAN SIYA NG P2,000 PER DAY OF DELAY SA PAGBABALIK NG KANYANG BAGGAGE AT IREFUND ANG BAGGAGE FEES NA KANYANG BINAYAD SA AIRLINE COMPANY.

Marami ang nakakaranas sa mga sumasakay sa eroplano na ang baggage ay naiiwan ng airline company at hindi naisasama sa flight ng eroplano kung saan nakasakay ang may-ari nito. Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, umuwi po ako galing Middle East at may 2 akong baggage. Pagdating po ng airplane sa Manila, hindi po lumabas sa baggage counter ang 2 kung baggage kung saan nandoon po ang mga papasko ko sa anak ko. Nagreklamo po ako ngunit wala sila masabi kung saan napunta ito. Sinabihan po ako na after 24 hours ay tatawagan ako. Nabalik po sa akin ang baggage after 5 days. may karapatan po ba akong magdemanda?”

May karapatan ang nasabing reader na magdemanda sa airline company at humingi ng compensation. Unang una ay hindi binigyan ng tamang inpormasyon ang air passenger tungkol sa nangyaring off-loading ng kanyang baggage at ikalawa ay hindi siya binayaran ng P2,000 per day of delay sa pagbabalik ng baggage or P10,000 for 5 days of delay. Ayon sa Passenger Bill of Rights o ang JOINT DOTC-DTI ADMINISTRATIVE ORDER NO. 01, Series of 2012, to wit:

Section 14. Right to Compensation for Delayed, Lost, and Damaged Baggage. A passenger shall have the right to have his/her baggage carried on the same flight that such passenger takes, subject to considerations of safety, security, or any other legal and valid cause.

14.1 In case a checked-in baggage has been off-loaded for operational, safety, or security reasons, the air carrier shall inform the passenger at the soonest practicable time and in such manner that the passenger will readily know of the off-loading (i.e. that his/her baggage has been off-loaded and the reason therefor). If the passenger’s baggage has been off-loaded, the air carrier should make the appropriate report and give the passenger a copy thereof, even if it had already announced that the baggage would be on the next flight.

The air carrier shall carry the off-loaded baggage in the next flight with available space, and deliver the same to the passenger either personally or at his/her residence. For every twenty-four (24) hours of delay in such delivery, the air carrier shall tender an amount of Two Thousand Pesos (Php2,000.00) to the passenger, as compensation for the inconvenience the latter experienced. A fraction of a day shall be considered as one day for purposes of calculating the compensation.

For the purposes of this section, the twenty four (24)-hour period shall commence one (1) hour from the arrival of the flight of the passenger carrying such baggage.

Ganun din, may karapatan din siya sa refund ng baggage fees dahil hindi nabalik ang kanyang baggage within 24 hours.

Section 18. Refund of OtherFees. Every air carrier must refund checked baggage fees and other optional service fees (i.e. insurance, donation to WWF, seat selector fee, etc.), if the passenger did not use his/her ticket provided, that the said ticket is refundable and that the passenger is not at fault. Provided, further, that refund of checked baggage fees will also apply, if the baggage was not delivered to the passenger within twenty-four (24) hours from the arrival of flight, on top of the compensation fee as mentioned in Section 14.1.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa karapatan ng air passenger sa batas at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang linkhttp://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply