Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Karapatang Sa Batas Ng Buyer ng Residential House?


“ANO ANG KARAPATAN MO SA BATAS BILANG BUYER NG RESIDENTIAL HOUSE AND LOT OR CONDOMINIUM UNIT NG INSTALLMENT? PWEDE BANG IKANSELA AGAD ITO NG DEVELOPER KUNG HINDI KA NAKABAYAD NG ILANG BUWAN NA INSTALLMENT?

ANG BUYER NG RESIDENTIAL HOUSE AND LOT OR CONDOMINIUM UNIT NG INSTALLMENT AY PWEDENG MAG REFUND NG AT LEAST 50% AT HINDI TATAAS PA SA 90% NA BINAYAD NIYA AYON SA MACEDA LAW. ANG TAWAG DITO AY CASH SURRENDER VALUE. HANGGAT WALANG BINABAYAD ANG DEVELOPER NA CASH SURRENDER VALUE, ANG BUYER AY PWEDE PA NIYA ITULOY ANG CONTRACT TO SELL.

KUNG ANG BUYER AY NAHULI O HINDI NAKAPAGBAYAD NG HULOG O MONTHLY AMORTIZATION, ANG KANYANG CONTRACT TO SELL AY HINDI BASTA BASTA PWEDENG KANSELAHIN AT I-FORFEIT ANG NABAYAD KUNG WALANG NOTARIAL NOTICE OF CANCELLATION NA PINADALA SA BUYER AT BINIGYAN NG PALUGIT O GRACE PERIOD AT IBIGAY ANG CASH SURRENDER VALUE AYON SA REPUBLIC ACT NO. 6552 O MACEDA LAW.

Nakabili ka ba ng house and lot o condominium unit sa mga developers ng installment under a Contract to Sell arrangement at hindi mo na ito natuloy bayaran? Ang tanong ng marami ay kung pwede bang i-refund sa kanya ang mga nabayad niya. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, 2 years po akong naghulog sa condo unit na binili ko at in-house financing po ito. Kaso po ay medyo nahirapan na ako magbayad ng ilang buwan kaya nagstop po ako. Pumunta po ako sa developer para bayaran ko po ang unpaid installment ko kaso sabi nila ay kanselado na daw ang contract ko sa kanila at nabenta na ang unit ko sa iba. Ano po ba rights ko bilang buyer?”

Ang Contract to Sell ay mananatiling may bisa hanggat hindi sumusunod ang developer sa dalawang requirement ng Maceda Law. Hindi kaagad nakakansela ang Contract to Sell hanggat hindi napapadalhan ng Notarial Notice of Cancellation ang buyer under Republic Act No. 6552 otherwise known as the Maceda Law at binibigay sa buyer ang kanyang cash surrender value.

Nasa Section 3 ng Republic Act No. 6552 otherwise known as the Maceda Law, ang sinumang tao na nakabili ng house and lot o condominium unit ng hulugan or by installment sa developer, kung saan nakapagbayad na siya o naghulog na ng at least two years of installments, ang buyer na hindi nakapaghulog o hindi nakapagbayad ng kanyang installment ay may karapatan:

(a) Magbayad ng walang karagdagang interest, ang unpaid installments due within the total grace period earned by him which is hereby fixed at the rate of one month grace period for every one year of installment payments made: Provided, na ang right na ito ay pwedeng gamitin lang ng isang beses every five years of the life of the contract and its extensions, if any.

(b) Kung kanselado na ang contract, ang buyer ay may karapatan na marefund ang cash surrender value of the payments on the property equivalent to 50% ng kabuuan ng lahat ng nabayad, at kung, after five years ng paghuhulog ay may additional na 5% every year but not to exceed 90%.

Ang pagkasela ng kontrata ng bilihan ay mangyayari lamang after 30 days pagkatanggap ng buyer ng notarial notice of cancellation at pagbayad ng cash surrender value ng seller/developer. Ayon sa Supreme Court case ng Communities Cagayan, Inc. vs. Spouses Arsenio Nanol, [G.R. No. 176791, November 14, 2012], under the Maceda Law, the actual cancellation of a contract to sell takes place after 30 days from receipt by the buyer of the notarized notice of cancellation, and upon full payment of the cash surrender value to the buyer. In other words, before a contract to sell can be validly and effectively cancelled, the seller has (1) to send a notarized notice of cancellation to the buyer and (2) to refund the cash surrender value. Until and unless the seller complies with these twin mandatory requirements, the contract to sell between the parties remains valid and
subsisting. Thus, the buyer has the right to continue occupying the property subject of the contract to sell, and may “still reinstate the contract by updating the account during the grace period and before the actual cancellation”

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa pagbili ng subdivision lots or condominium units o pagrereview ng mga documents dito at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply