Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Mga Namimiss Mo Sa Pilipinas?


May kasabihan tayo na kailangan mong lumayo para maappreciate ang bagay na nakasanayan na tsaka lang mabibigyan ng halaga kung ito ay hindi mo na nakikita o madalas na maenjoy. Ano ang mga namimiss mo sa Pilipinas ngayong nasa abroad ka na at bakit?

Narito ang top 4 sa mga sagot nila:

1. Pamilya

Sobrang hirap ng malayo sa pamilya. Minsan nga kung nakatira ka sa probinsya at magbabakasyon ka lang sa Manila kung may maiiwanan kang mga anak nahihirapan ka na how much more kung sa ibang bansa at 2 taon ang bubunuin mo para makabalik sa Pilipinas. Kapag nasa ibang bansa ka na, homesickness ay hindi maiiwasan. Ang iba nagigi pa itong rason para hindi nila tapusin ang kontrata sahil sa pagkamiss sa kanilang pamilya ngunit ang iba naman ito ang ginagawa nilang rason para magpalakas ng loob sa kanila upang magtiis at magtyaga hanggang matupad ang kanilang mga pangarap.

Max Mercado: bagamat kasama ko dito ang aking Asawa at 2 Anak ay na mi miss ko ang buhay sa piling ng aking mga magulang at mga kapatid.bagamat sa loob ng nakaraan 2 taon ay magkasunod kaming inulila ng aming mahal na mga magulang ay mas lalo ko na miss ang buhay kung saan kami nahubog at naging matatag sa hamon ng buhay.. sabi nga theres no place like home and i wish na konteng panahon na lang ay magbabalik kami sa ating bansa kung saan ang masaya at kalayaan ay patuloy nawa tamasahin ng sambayanang Pilipino.

Victoria Soriano: Namimiss ko ang walang katapusang kwentuhan at bonding naming ng aking pamilya.

Virgie Detablan: Ang na mi miss ko po ay ang aking buong pamilya.iba pala ang feelings pag malayo kana sa kanila..lalo na sa aking anak tuwing makareceive ako ng text nya tumutulo agad luha ko sa loob ng tatlong bwan.pero ngayon okay na araw araw na kami nag uusap through messenger…at sobrang missed ko na rin po mag ulam ng crab,shrimp,tilapia at bangus.

Sheia Legazpi: Dto ako sa jeddah saudi i miss so much my baby kate and denis magaral kau mabuti at asawa ko nakakamis ang mga lambingan namin at pagkain pinoy.

Vilma Alonzo: Namimiss ko ang aking pamilya lalong lalo na aking anak, sila ang lakas ng loob ko. namimiss ko rin ang aking mga magulang pati ang aking mga kapatid. Lumaki kaming very close kaya sobrang namimiss ko na sila.

Boboy Eugenio: Namimiss ko ang aking mga magulang. barkada at mga kamag anak dito kasi sa abroad puro ka trabaho, magday off man mas nanaisin ko na lang na matulog pagkatapos ko maglaba.

Lita Lagarde: Mga anak, dumarating sa puntong gusto mo na silang makita at makasama pero iniisip mo pa rin ang kontrata at ano ang mangyayari sa kanila kapag nagstop ako magtrabaho.

Pinky Sales: Si Mister at mga pagkaing Pinoy.

Gener Ortega: Ang aking asawa at mga anak. Gusto ko na silang mayakap.

Rosemary Matias: Namimiss ko ang mamuhay ng simple. Magbonding kami ng mga anak ko bago matulog, magharutan sa kama  na parang bata. Hindi ko na nagagawa iyon, pag uwi ko na malalaki na sila.

Chique Morada Mga anak ko po😢!ayaw nila akong kausapin pag tumatawag ako hindi lang naman sila ang nangangailang ng atensyon kahit din naman po kaming nasa malayo nangangailangan ng atensyon ng lalong lalo na kapag pagod na pagod kami sa maghapong trabaho kahit man lang sana boses ng mga anak ko ang marinig ko mapawi lang ang pagod ko sa trabaho😭.(Singapore)

Carlita Salgado: Ako whole family at siyempre ung mga beach at mga pagkain tulad ng mga prutas,kakanin at ung mga bonding ng mga kakilala, kaibigan, at kapitbahay un ung d best na mahirap kaligtaan sa bansa ntin sbi nga nla theres no place like home.

Teresa Ang: ang unang una k0 tlgang n mmiss s pinas ay ang nanay at mga anak k0.at mga kptid k0,isdang inihaw ung fresh

2. Pagkain

Kapag nasa abroad, kailangan mong mag-adjust sa mga pagkain nila. Pag-aaralan ang mga putaheng gusto ng amo, o kaya  paborito ng alaga, request ng mga bisita. Ito ay naiibang experience na kailangan malampasan ng OFW, kaya lagi nating sinasabi sa mga magiging OFW pag-aralan nilang lutuin ang pagkain sa bansang pupuntahan nila. Sa Pilipinas mahilig tayo sa rice at pork pero may bansang hindi ito kinakain madalas o kaya talagang bawal lalo na sa relihiyong Islam.

Rex Bathan: Namiss ko syempre ang Batangas at ang Sinaing na tulingan ni nanay at nilagang puso ng saging with bagoong/patis na may sili on the side.

Nora Lozano: from HK. Namiss ko mga anak at apo ko, Mama at mga kapatid ko, and mga relatives syempre, yung mga kwentuhan, namiss ko din mag ulam ng ginataang langka at puso ng saging, inihaw na isda, kilawin at papaitan na kambing, huh natatakam na tuloy ako.

Rhea De Lumin:  Namimiss ko ang pagkaing pinoy. Mahilig ako magluto, iyon ang hindi ko nagagawa dito sa abroad, sa probinsya mahilig ako magluto ng laing na maraming sili at sahog na baboy. Hays, nakakagutom at nakakatakam naman.

 

3. Lugar

Maninibago ka sa lugar lalo na kung mapunta ka sa very strict na bansa like Middle East. May mga instances kasi na hindi sila nakakapagday off. Maraming rules na dapat sundin na ibang iba sa nakalakhan sa Pilipinas. Maraming bawal gawin, sa pananamit, sa transportasyon, may limitasyo kung saan lang maaaring pumunta hindi kagaya dito sa sariling bansa magagawa ang gustong gawin. May karapatan ka na gawin ang gusto mo.

Lloyd Dilag: Preskong tanawin sa paligid ng aming munting tahanan sa kabukiran ng Agusan del Sur.

Grace Locsin: Namimiss ko ang buhay sa probinsya, ang berdeng tanawin sa likod bahay namin. Dito kasi sa Middle East puro buhangin ang nakikita ko.

4. Okasyon

Naneth De Leon: Ang nami mis cu yung pasko at bagong taon Na kasama ang pamilya ko.

Victoria Beguras: Mga okasyon na hindi ko nakakasama ang aking mga anak, birthdays, school activities at pasko na dapat magkakasama kami pero hindi maaaring sumuko para sa kinabukasan nila. Kapag nagbakasyon naman hindi natataon na may mga event dahil ang sinusunod ng aking amo ay pagkatapos ng kontrata.

Imee Duman: Pasko. 15 years na akong hindi nagpapasko sa atin kaya sobrang namimiss ko na ang moment na iyon.


Leave a Reply