Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Police o Barangay Blotter?


“ANO BA ANG TINATAWAG NA POLICE O BARANGAY BLOTTER? MATATAWAG NA BA ITONG COMPLAINT PARA UMUSAD ANG KASO?”

ANG POLICE O BARANGAY BLOTTER AY HINDI ISANG COMPLAINT O PAGSASAMPA NG KASO SA KORTE. ANG POLICE O BARANGAY BLOTTER AY ISA LAMANG PAGREREPORT SA PULIS O PAGRERECORD SA PULIS NG ISANG GAWAIN O AKTIBIDADES NA MAY KINALAMAN SA ISANG KRIMEN UPANG MAGAMIT ITO SA PAGSASAMPA NG KASO SA KORTE.

Sa mga nagtatanong sa E-Lawyers Online tungkol sa pagsasampa ng kaso, ang karaniwan na tanong ay tungkol sa pangyayari na kanilang nablotter na sa pulis o kaya sa barangay at sila ay naghihintay ng pagusad ng kanilang reklamo na nablotter. Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, may nakaaway ako na kapitbahay at binantaan niya ang buhay na papatayin niya ako. Tinutukan niya ako ng baril at sinabi niya na “bang!”. Pinablotter ko po siya sa  barangay ngunit hindi po umuusad ang kaso. Naghihintay po kami na iakyat sa korte ang blotter namin pero walang nangyari. Ano po ba silbi ng blotter namin at tama po ba ang complaint namin?”

Marami ang nag-aakala na ang tinatawag na “police blotter” o kaya “barangay blotter” ay pagsasampa ng kaso o pagpafile ng complaint sa pulis at once na naka-blotter na ang nagawang krimen ay ito ay magtutuloy-tuloy na sa korte.

Ang “police blotter” ay hindi isang complaint o pagsasampa ng kaso sa korte. Ang police blotter ay ang pagrereport sa pulis o pagrerecord sa pulis ng anumang gawain na may kinalaman o may relasyon sa isang krimen upang magamit ito sa pagsasampa ng kaso sa korte. Ang police blotter ay pwedeng magamit na evidence upang patunayan na kaagad na isinumbong at narecord sa pulis ang mawitness na gawain na may kinalaman o relasyon sa krimen. Pwede itong gamitin bilang direct evidence na nagtuturo sa mga gumawa ng krimen at sa krimen mismo o kaya ay bilang circumstantial evidence bilang suporta sa iba pang evidence na nakalap ng pulis.

Kung kaya, ang police blotter ay hindi mismong complaint o sinampang kaso dahil ang pagsasampa ng kasong kriminal ay kakaiba sa police blotter.

Ayon sa Section 1, Rule 110 ng Revised Rules of Criminal Procedure of the Philippines, ang pagsasampa ng kasong kriminal ay maaring gawin sa pamamagitan ng pagsasampa ng complaint sa public prosecutor para sa preliminary investigation o diretso na sa korte kung hindi required ang preliminary investigation:

Section 1. Institution of criminal actions.– Criminal actions shall be instituted as follows:

(a) For offenses where a preliminary investigation is required pursuant to section 1 of Rule 112, by filing the complaint with the proper officer for the purpose of conducting the requisite preliminary investigation.

(b) For all other offenses, by filing the complaint or information directly with the Municipal Trial Courts and Municipal Circuit Trial Courts, or the complaint with the office of the prosecutor. In Manila and other chartered cities, the complaints shall be filed with the office of the prosecutor unless otherwise provided in their charters.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa filing ng criminal case at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply