Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Public Attorney’s Office (PAO)?


“ATTORNEY, ANO PO BA ANG PAO O PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE? PWEDE PO BA AKO MAKA-AVAIL NG FREE LEGAL SERVICE SA KANILA?” 

ANG PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE (PAO) AY ISANG GOVERNMENT OFFICE NA NAGBIBIGAY NG LIBRENG SERBISYONG LEGAL PARA SA MGA MAHIHIRAP NA MAY KASO O “INDIGENT LITIGANT” NGUNIT KAILANGAN PATUNAYAN NA MAY LABAN ANG KANYANG KASO AT SIYA AY TOTOONG MAHIRAP NA WALANG PAMBAYAD. ANG PAO ANG TUMATAYONG ABOGADO SA KORTE NG MGA TAONG NAG-QUALIFY BILANG “INDIGENT LITIGANT”. 

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung bakit nag-apply sila sa Public Attorney’s Office (PAO) para sa libreng lawyer o legal service ngunit hindi sila tinanggap. Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, ano po ba ang PAO o Public Attorney’s Office? Pwede po ba ako maka-avail ng free legal service sa kanila? Isa po akong OFW sa Middle East. Nag-try po ako mag-apply sa PAO para po maprocess ang annulment of marriage ko pero sabi po ay hindi daw ako qualified, tama po ba yon?”

Ang sagot dito ay ang free legal service ng PAO ay para lamang sa mga qualified na mga tao na tinatawag na “indigent litigant”. Hindi lahat ng gustong mag-avail ng PAO services ay mabibigyan ng free legal service. Ang Republic Act No. 9406 otherwise known as the Public Attorney’s Office Law ay isang ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng libreng serbisyo ng abogado sa mahihirap na may kaso sa korte at iba pang administratibong kaso. Ang kanilang libreng serbisyo ay pwede lamang ibigay sa mga Filipinong mahirap. Kung kaya ang sinuman na mag-apply o humingi ng kanilang libreng serbisyo ay kailangan magpaqualify muna sa PAO office kung saan sila ay residente.

Ayon sa Rule VI ng Implementing Rules and Regulation ng R.A. 9406 (PAO Law), kailangan ay makapasa ang taong nag-apply para sa free legal service ng PAO sa INDIGENCY TEST at MERIT TEST.

Nasa Section 23 ng Rule VI ang INDIGENCY TEST, kung saan ang isang aplikante sa PAO ay matatawag na “indigent” o “mahirap” kung ang family income does not exceed (P14,000.00) Fourteen Thousand Pesos a month kung nakatira sa Metro Manila o ang family income does not exceed (P13,000.00) Thirteen Thousand Pesos a month sa ibang siyudad/cities; o ang family income does not exceed (P12,000.00) Twelve Thousand Pesos a month sa iba pang lugar. Ang pag-aari ng lupa at bahay ay hindi magdidisqualify sa aplikante para sa free legal services.

Ang aplikante ay kailangan mag-submit ng Affidavit of Indigency at magsubmit ng latest Income Tax Return, or pay slip, or other proofs of income; or Certificate of Indigency from the Department of Social Welfare and Development, its local District Office, or the Municipal Social Welfare and Development Office kung saan ka nakatira at Certificate of Indigency from the Chairman of the barangay kung saan ka nakatira.

Nasa Section 25 ng Rule VI ang MERIT TEST, kung saan ang isang aplikante sa PAO ay evaluate muna ang kanyang kaso ay nararapat nilang hawakan dahil ito ay may laban at hindi upang mang-api ng kapwa. Ang criminal cases ng isang mahirap ay considered na meritorious o makakapasa sa Merit Test dahil meron siya presumption of innocence at ito ay kaagad hahawakan ng PAO. Hindi hahawakan ng PAO ang isang kaso kung wala itong pag-asa na manalo sa korte o kaya ito ay pangharass or para maka-injure the opposite party, o ito ay para lamang sa pang-aapi o it will cause oppression or wrong.

Kung nakapasa ang aplikante sa dalawang test na ito, sila ay bibigyan ng free legal service ng PAO at sila din ay exempted from payment of filing/docket and other fees incidental to instituting an action in court and other quasi-judicial bodies.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa PAO Law at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply