Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Remedy Kung Ang Tagapagmana Ay Hindi Nakatanggap Ng Mana Sa Hatian?


“ANO ANG REMEDY KUNG ANG ISANG TAGAPAGMANA AY HINDI NAKATANGGAP NG MANA SA HATIAN?

ANG PARTITION O PAGHAHATI HATI NG MGA  ARI-ARIAN NG ISANG NAMATAY NA GINAWA NG MGA TAGAPAGMANA AY DAPAT EQUALLY O PAREHAS ANG HATIAN SA NATURE, QUALITY AT KIND. ANG PARTITION NA GINAWA NG MGA TAGAPAGMANA NA HINDI NABIGYAN ANG ISANG TAGAPAGMANA AY HINDI PWEDENG IPAKANSELA NGUNIT DAPAT NA PAGHATIAN AT BAYARAN ANG HALAGA NG NARARAPAT SA TAGAPAGMANA NA HINDI NAISAMA SA HATIAN O PARTITION. ANG TAGAPAGMANA NA HINDI NABIGYAN NG KANYANG SHARE AY PWEDENG PUMUNTA SA KORTE UPANG SINGILIN ANG HALAGA NG KANYANG MANA O IPAKANSELA ANG PARTITION KUNG MAY FRAUD O BAD FAITH.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online tungkol sa isyu ng manahan at tungkol sa karapatan ng isang tagapagmana na hindi nabigyan ng mana. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, isang mapagpalang pagbati po. Itatanong ko lang po kung ano gagawin ko dahil ang mga kapatid ko sa Pilipinas ay hinati-hati na po ang 5 na sakahan na lupa sa amin na mana namin sa parents namin. 3 po kami magkakapatid at ako po ay nasa abroad. Silang 2 po na nasa Pilipinas ay hinati nila ang lupa na tig 2 and half at wala po binigay sa akin at pinaalam po ito sa akin ng mahati na nila sa tax declaration at titulo. Ano po dapat gawin ko?”

Ang partition ay isang paraan ng paghahati-hati ng ari-arian ng isang namatay upang ipamahagi sa mga tagapagmana. Ito ay pwedeng gawing extrajudicial partition kung saan ay pumipirma ang mga tagapagmana sa “extrajudicial settlement of estate” o kaya ay “judicial partition”. Ayon sa Article 1079 ng New Civil Code:

Art. 1079. Partition, in general, is the separation, division and assignment of a thing held in common among those to whom it may belong. The thing itself may be divided, or its value.

Ayon sa Article 1085 ng New Civil Code, ang partition o paghahati-hati ng ari-arian ng namatay para ibigay sa mga tagapagmana ay dapat parehas o equally as to nature, quality and kind. Walang batas na nagsasabi na ang panganay o bunso ay mas malaki o maliit ang kanyang share o ang lalaki ay mas marami at ang babae ay kokonti dahil malinaw ang batas na ang partition ay dapat equal o parehas.

Art. 1085. In the partition of the estate, equality shall be observed as far as possible, dividing the property into lots, or assigning to each of the co-heirs things of the same nature, quality and kind.Kung

Kung ang isang tagapagmana ay hindi binigyan ng kanyang parte, pwede siyang pumunta sa korte upang singilin ang kanyang parte ng naayon sa halaga nito sa mga tagapagmana na tumanggap ng mana at hindi ikakansela ang partition. Ngunit kung ang partition ay ginagawa ng mya fraud o panloloko o in bad faith, ang tagapagmana na hindi isinama sa hatian ay pwedeng ipakansela sa korte ang partition.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa maayos na partition ng estate o pagbawi ng share ng tagapagmana at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply