Sponsored Links
Advertisement

Anong Maaaring Ikaso Sa Nagpapakalat Ng Nude Photos?


“ATTY., PUMAYAG PO AKO NA MAGKAROON NG NUDE PICTURE WITH MY BOYFRIEND NA AKALA KO AY SA AMIN LANG DALAWA. NOONG NAG BREAK NA KAMI AY PINOST PO NIYA SA FACEBOOK. MAY KASO PO BA SIYA KAHIT PUMAYAG AKO NA KUNAN NG NUDE PICTURE? PWEDE KO BA KASUHAN DIN ANG MGA FRIEND NIYA NA NAGSHARE SA FACEBOOK?”

ANG CONSENT O PAGPAYAG NG TAONG NA KUNAN NG NUDE PICTURE O VIDEO AY HINDI ISANG DEPENSA SA KRIMEN NG PAGPAPUBLISH O PAGPOST NITO SA FACEBOOK DAHIL ITO AY ISA PA RIN NA VIOLATION NG REPUBLIC ACT NO. 9995 OTHERWISE KNOWN AS ANTI-PHOTO AND VIDEO VOYEURISM LAW”. ANG PAGSHARE SA FACEBOOK, TWITTER O YOU TUBE NG NASABING NUDE PICTURE O VIDEO AY ISANG KRIMEN FOR VIOLATION NG REPUBLIC ACT NO. 9995 OTHERWISE KNOWN AS ANTI-PHOTO AND VIDEO VOYEURISM LAW.  

 

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung depensa ba sa korte ang pagpayag niya na kunan siya nude picture ng boyfriend na ito naman ay ina-upload sa Facebook at nashare sa mga friends ng boyfriend niya. Ganito ang question niya:

“Atty., may college boyfriend po ako at naglive-in kami. Pumayaga po ako magkaroon ng nude picture with my boyfriend na akala ko ay sa amin lang dalawa. Noong nag break na kami ay pinost po niya sa Facebook. May kaso po ba siya kahit pumayag ako na kunan ng nude picture? Pwede ko ba kasuhan din ang mga friend niya na nagshare sa Facebook?

Ang Anti-Photo and Video Voyeurism Law otherwise known as Republic Act No. 9995 ay may apat na klase ng violation. Ang unang kalse ay ang pag-kuha ng picture o video nang isang sexual act o act na may sexual context o ang private parts ng isang tao tulad ng puwet, suso o pubic area, kahit may panty o iba pang undergarments, ng walang pahintulot o walang consent ng nasabing tao na nasa sirkumstansiya kung saan inaakala niya na siya ay nasa pribadong lugar, ito ay isang krimen na pinaparusahan sa Anti-Photo and Video Voyeurism Law o Republic Act No. 9995.

Section 4. Prohibited Acts. – It is hereby prohibited and declared unlawful for any person:

(a) To take photo or video coverage of a person or group of persons performing sexual act or any similar activity or to capture an image of the private area of a person/s such as the naked or undergarment clad genitals, public area, buttocks or female breast without the consent of the person/s involved and under circumstances in which the person/s has/have a reasonable expectation of privacy;

Sa kasong ito, mahalaga na patunayan na walang consent ang pagkuha ng nude picture sa biktima at kung malinaw na may consent ay pwede itong depensa ng akusado.

Paano naman kung na-share sa Facebook ang nude photo o video? May pananagutan ba sa batas ang nag share nito kahit may consent naman ang biktima na kuna siya ng nude picture?

Marami ang nag-aakala na walang karampatang parusa sa pagpopost o pagpublish sa internet ng mga sex video scandal or mga picture ng sex scandal. Ang pag-broadcast nito sa You Tube, pag-post nito sa Face book o pag-tweet ng picture sa Twitter ay pinagbabawal ng batas regardless kung kanino ang origin nito.

Ang pag-post sa Facebook, Twitter, Youtube o iba pang social networking sites o sa internet ng picture o video kung saan pinapakita ang isang sexual act o act na may sexual context o ang private parts ng isang tao ay isang krimen na pinaparusahan sa Anti-Photo and Video Voyeurism Law otherwise known as Republic Act No. 9995. Hindi mahalaga dito kung ang nasabing tao na nasa photo o video ay pumayag na mapicture-an o makuhanan ng video o picture dahil ang mere broadcast or publication ng photo o video sa internet ay pinaparusahan na ng batas. Hindi rin mahalaga kung ang picture o video ay binigay ng kusang loob o hindi, ang mere broadcast o publication nito sa internet ay pinagbabawal ng batas.

Ayon sa Section 4 ng Anti-Photo and Video Voyeurism Law otherwise known as Republic Act No. 9995:

Section 4. Prohibited Acts. – It is hereby prohibited and declared unlawful for any person:

(b) To copy or reproduce, or to cause to be copied or reproduced, such photo or video or recording of sexual act or any similar activity with or without consideration;

(c) To sell or distribute, or cause to be sold or distributed, such photo or video or recording of sexual act, whether it be the original copy or reproduction thereof; or

(d) To publish or broadcast, or cause to be published or broadcast, whether in print or broadcast media, or show or exhibit the photo or video coverage or recordings of such sexual act or any similar activity through VCD/DVD, internet, cellular phones and other similar means or device.

The prohibition under paragraphs (b), (c) and (d) shall apply notwithstanding that consent to record or take photo or video coverage of the same was given by such person/s. Any person who violates this provision shall be liable for photo or video voyeurism as defined herein.

Malinaw sa batas na kahit may consent ang biktima na kinunan ng nude picture o video, ang pagcopy, publish o reproduce ng kopya nito ay siang krimen na pinaparusahan ng R.A. 9995. Ang parusa dito ay imprisonment of not less that three (3) years but not more than seven (7) years, or a fine of not less than P100,000 but not more than P500,000, or both.

Section 5. Penalties. – The penalty of imprisonment of not less that three (3) years but not more than seven (7) years and a fine of not less than One hundred thousand pesos (P100,000.00) but not more than Five hundred thousand pesos (P500,000.00), or both, at the discretion of the court shall be imposed upon any person found guilty of violating Section 4 of this Act.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa Anti-Photo and Video Voyeurism Law o Republic Act No. 9995, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply