Sponsored Links
Advertisement

Bilang OFW, Ano Ang Nagpapasaya Saiyo?


Kailanman ay hindi matatawaran ang sagsasakripisyong ginagawa ng isang OFW. Sa kanyang balikat nakapatong ang iba’t ibang klaseng responsibilidad mula sa kanyang anak, magulang, pamilya, idagdag pa ang hirap sa trabaho, pag-adjust sa ugali ng mga amo, at sa ibang kultura sa bansang kanyang napuntahan.

Bilang OFW mas nakakaligtaan natin tanungin sa ating sarili kung ano ba talaga ang nagpapasaya sa atin. Madalas mabalewala natin ang sarili sa kagustuhan natin maibigay ang lahat para sa pamilya. 

Narito ang ilan sa mga sagot ng ating Kababayan kung ano ang nagpapasaya sa kanila at bakit?

Vanessa Mendez: Iyong nakapagpasaya sa akin una iyong kinukumusta ka ng family mo, pangalawa ang tinitext ka or tinatawagan at sabihin nila na mahal nila ako, at naappreciate nila ang kong anong hirap ang dinanas ko dito, next iyong kahit malayo man kayo sa isat isa pero tapat sila sayo at walang tinatagong sekreto, tapos masaya na ako kahit barya barya nalang ang naiwan sa sahod basta ang importante talaga nakapagpadala sa pamilya.

Cathy Obiedo: Malaman na ang mga anak ay nag pupursige pag aaral at hindi nawawala ang turo sa mo kanila noon hangang ngayon maging mapagpakumbaba sa lahat at marunong gumalang sa nakakatanda at may takot sa Diyos.

Terie Suico: I’m happy when I know my family are alright. That they are in good health. That they have good food
To see them happy.

Siony Belmonte: Bilang isang ofw ang nag papasaya sa akin,,kahit papano nabigyan ko ng konting kaginhawahan ang aking nanay na bagaman hindi na niya makikita ang pag tatapos ng isa nyang apo,  napag aral ko ang aking 3 anak, kahit papano nabibigyan ko ng konting tulong ang aking kapatid at mga pamangkin at higit sa lahat na nagpapasaya sa akin naipag patayo ko ng masisilungan ang ang aking pamilya,bagamat nandito parin ako sa saudi,napapasaya ako ng aking 2 apo.

Chloe Pacifico: Makatangap ng tawag galing pamilya at makita ko lng anak kong nakangiti sakin parang lahat na pagod ko sa boung buwan biglng nawawala! Iba kapag may pamilya ka, iba pa rin sa pakiramdam na makita mo ang pinagpapaguran mo.

Rosemary Matias: Ung mga anak ko….khit anung dami ng trabaho dto o pagud man…pro pag nnkausap ko s videocall ung mga anak ko masaya n ako….cla lang ang ng ppawala ng pgud pag nkanusap kna o nka chat.

Rex Bathan: Marami sa atin isasagot pamilya. Kaya minsan sa sobrang pagmamahal at pagkamissed sa kanila naghahanap ang ibang OFW ng makakasama kahit na alam nilang mali at di tama.   

Michael Juanio: WiFi na may malakas na signal dahil makakausap ko ng maayos ang aking pamilya.

Vic Oton: Dahil malayo sa pamilya kahit picture lng ng mga aming anak ang aming makita sa facebook o kaya makausap sila. Sa day off makasama ang mga kaibigan…mga gift ng amo…sahod na maipadala sa pamilya.

 


Leave a Reply