Sponsored Links
Advertisement

Diploma

  • 50
    Shares

“DIPLOMA”
By:Marivel San Pedro


Ang diploma ay mahirap abutin
madaling punitin,
Ang kaalaman ay pwedeng pag-aral,
kahit dika pumasok sa paaralan.


Aanhin mo ang diploma gayong
diskarte ang labanan,
Oo importante ang pagtatapos sa
pag-aaral,pero kung hindi na talaga
kaya wag mo ng ipilit pa.


Huwag kang maniwala sa
kasabihang “kapit sa patalim”
Sapagkat masusugatan ka lamang at
ikaw bibitaw rin.


Ang pag-aaral ay mahalaga
Ngunit huwag mong gamitin
upang magmalaki.


Bagkus maging Ehemplo sa mga
taong nangangarap makapgtapos.
At laging tandaan,ang tagumpay ng
buhay ay sa marangal na
pamumuhay.


Ipagmalaki mo ang diploma sa
iyong pagtatapos pero wag mong
ipagmalaki na may pingaralan ka,
Dahil di lahat ng may narating sa
buhay ay nakapag tapos sa
pag-aaral.


Wag mong laitin iyong mga walang
natapos at iangat ang iyong
pinag aralan .


Hayaan mong makita sayo ng mga
tao na may karapatan kang
irespeto kung anong meron ka.


  • 50
    Shares

Leave a Reply