Sponsored Links
Advertisement

Hanggang Kailan Ang Legal Na Obligasyon ng Suporta Nang Magulang Sa Anak?


“HANGGANG KAILAN ANG LEGAL NA OBLIGASYON NG SUPORTA NG ISANG MAGULANG SA KANYANG ANAK? NAWAWALA BA ITO SA PAGHIHIWALAY NG MGA MAGULANG?”

ANG OBLIGASYON NG MAGULANG PARA SA SUPORTA NG ANAK AY HINDI NAWAWALA DAHIL LAMANG SA PAGHIHIWALAY NG MAGULANG. NAWAWALA LANG OBLIGASYON NG MAGULANG PARA SA SUPORTA NG ANAK KUNG NAGING 18 YEARS OLD NA ANG ANAK OR NAG-ASAWA NA OR NAKATAPOS NA NG KOLEHIYO.

Hanggang kailan nga ba ang legal na obligasyon ng isang magulang para suportahan ang kanyang mga anak? Marami ang nagtatanong kung nararapat ba na suportahan ang anak na maagang nag-asawa kung ito ay nag-aaral pa sa kolehiyo. Meron nagtanong sa E-Lawyers Online ng ganito:

“Atty., ayaw magbigay ng asawa ko ng suporta sa anak namin dahil hiwalay na kami, wala na daw siya obligasyon sa amin, tama po ba ito?

“Attorney, gud pm po. Hindi na daw po required ang asawa ko na magsustento sa pamilya namin dahil naghiwalay na daw kami. Ano po ba dapat namin gawin?”

Mali ang pananaw na ito. Ano ba ang “SUPPORT” na tinatawag. Ayon sa Article 194 ng Family Code, ang “support” ay binubuo ng food, dwelling/bahay, clothing, medical attendance, education and transportation ng naayon sa kakayahang pinansiyal ng pamilya kasama na ang schooling or training for some profession, trade or vocation, even beyond the age of majority. Transportation shall include expenses in going to and from school, or to and from place of work. Ibig sabihin, ang support ay depende sa kakayahang pinansiyal ng pamilya kung kaya ang luho ng isang asawa o anak ay hindi pwedeng isama sa paghingi ng suporta.

Ayon sa Article 201 ng Family Code ang suporta o sustento ng magulang sa anak ay depende sa capacity o kakayahan ng magulang at depende sa pangangailangan o necessity ng anak. Nasa Article 202 na ang sustento o suporta sa anak ay pwedeng taasan oh babaan depende sa pag-taas o pag-baba ng kakayahan ng magulang o pangangailangan ng anak.

Ayon sa Article 100 ng Family Code, ang separation de facto o paghihiwalay ng mag-asawa at hindi na nagsasama sa iisang bubong pero walang legal separation o annulment galing sa korte, ang asawa na umalis sa bahay o ayaw tumira dito ng walang sapat na dahilan ay walang karapatan sa support. Ngunit ang mga anak ay dapat suportahan ng mga magulang regardless kung sino ang may kasalanan o sino ang humiwalay.

Nasa Article 228 ng Family Code na permanenteng nawawala ang karapatan ng magulang sa anak kung namatay na ang magulang o ang anak, o naging emancipated na ang anak. Ang emancipation ng anak ay nagaganap kung siya ay umabot na sa edad na 21 years old kung saan ay may karapatan na siyang mabuhay ng independent sa kanyang magulang.

Ang obligasyon ng suporta sa anak ay nawawala kung naging 18 years old na ito o na-emancipate na ito, o nag-asawa na o nakatapos na ng kolehiyo. Ang obligasyon ng magulang sa anak ay hindi natatapos sa pagiging 18 years old ng anak kung ito ay nag-aaral pa ng kolehiyo o nagtatapos ng schooling or training for some profession, trade or vocation.

Under Article 234 of the Family Code “emancipation takes place by the attainment of majority. Unless otherwise provided, majority commences at the age of eighteen (18) years (as amended by R.A. 6809)” and under Article 236 of the Family Code “emancipation for any cause shall terminate parental authority over the person and property of the child who shall then be qualified and responsible for all acts of civil life.”

Kung kaya hindi reason sa pagtanggi ng suporta ang paghihiwalay ng magulang. Ang ganitong pagdeprive ng suporta ay isang uri ng “economic abuse” under R.A. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act. Ito ay nagpaparusa ng kulong sa hindi pagbibigay ng lalaki ng suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak at ito ay tinatawag na “economic abuse”. Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ito ay isang uri ng “economic abuse” kung saan nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae at anak nila dahil sa mga ginagawa ng lalaki. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (e) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “economic abuse” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng prision correcional (6 months – 6 years imprisonment).

Kung gusto nyo magtanong ukol sa suporta at paternity case, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.

 


Leave a Reply