Sponsored Links
Advertisement

Legal Ba Ang Online Paluwagan?


“ATTY., LEGAL PO BA ANG “ONLINE PALUWAGAN” KUNG HINDI NA PO MAREFUND SA AMIN ANG NAHULOG NAMIN?”

ANG “ONLINE PALUWAGAN” KUNG SAAN ANG ISANG MIYEMBRO AY PINANGAKUAN NA KIKITA NG PERA MULA SA PERA NA KANYANG IHUHULOG AT PAGRERECRUIT NG IBA PANG TAO NA MAGHUHULOG NG PERA AY ISANG PYRAMIDING SCHEME NA PINAPARUSAHAN NG BATAS. ANG PYRAMIDING O TINATAWAG NA “PONZI SCHEME” AY ISANG URI NG ESTAFA NA MAY PARUSANG KULONG KUNG SAAN PINAPARUSAHAN ANG PANLOLOKO NA GINAWA NG AKUSADO SA PAGKUHA NG PERA SA MGA BIKTIMA SA PAMAMAGITAN NG PANGAKONG MALAKING TUBO O KITA SA PERANG BINIGAY NA HINDI NAMAN TOTOO O WALANG BASEHANG PANGAKO.

Marami ang natatanong sa E-Lawyers Online tungkol sa “online paluwagan” at ano ang remedyo ng isang biktima laban sa gumawa nito. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., sumali po ako sa isang “online paluwagan” kung saan ako ay nagbigay ng P5,000 at pangako nila na magiging P15,000 pagkatapos ng 30 days at kung makapagrecruit pa ako ng 2 na tao na magbibigay din ng P5,000 ang isa. After 30 days po ay nakarecruit na ako ng 2 pero hindi nabigay po ang P15,000 ko dahil naubos na daw pondo. Ano po ba maikakaso ko?”

Ang “paluwagan” noon ay isang samahan ng mga tao na nangangailangan ng malaking pera para sa negosyo o pansariling gastos ngunit wala silang mautangan. Kung kaya ang mga tao na ito ay magkasundo na araw-araw na maghulog at ang naipong mga pera galing sa nahulog ng mga miyembro ay pwedeng gamitin ng nangangailangan na miyembro based sa ginanap na palabunotan kung sino ang unang tatanggap at gagamit ng pera ngunit patuloy siyang maghuhulog dito hanggat magamit ng buong miyembro ang pera para sa kaluwagan ng kanilang pinansiyal na pangangailangan. Ito ang tunay at legal na paluwagan.

Ngayon, may tinatawag na “online paluwagan” kung saan hinihikayat ang tao na magmiyembro at maghulog ng pera na may pangakong ito ay kikita ng mas malaki sa kundisyon na siya ay magrerecruit o maghikayat ng panibagong miyembro na maghuhulog din ng pera. Ang “paluwagan” na ito ay illegal at isang uri ng pyramiding scheme na pinaparusahan ng batas. Ang “pyramiding” ay tinatawag din na “Ponzi scheme” [named after Charles Ponzi who promoted the scheme in the 1920s, the original scheme involved the issuance of bonds which offered 50% interest in 45 days or a 100% profit if held for 90 days]. Ito ay ang usual na transaksyon na hindi isang diskarte sa investment ngunit isang lokohan na scheme, kung saan ay gumagana lamang hangga’t mayroong pagtaas ng bilang ng mga bagong mamumuhunan sa pagsali sa scheme. Ito ay mahirap na tumagal sa loob ng mahabang panahon dahil ang mga pangangailangan ng isang kailanman mas malaking pool o susunod na namumuhunan sa operator upang patuloy na nagbabayad ang ipinangakong kita sa mga unang bahagi ng mga namumuhunan. Ang ideya sa likod ng ganitong uri ng panggagantso na nangongolekta ng mga con -man ang kanyang pera mula sa kanyang ikalawang o third round ng mga namumuhunan at pagkatapos saka siya tatakas at mawawala bago siya habulin ng mangongolekta.

Kung ang isang “online paluwagan” ay may requirement na kailangan mo muna na magrecruit ng tao na magbibigay ng pera bago ka o bilang kundisyon na makatanggap ng pera o iyong kita mula dito, ito ay isang pyramiding na pinagbabawal ng batas.

Ang karaniwan na remedy laban sa mga gumawa ng pyramiding ay ang pagsasampa ng “Estafa”. Kung iisa lamang ang pasimuno ng pyramiding scheme, ito ay pwedeng sampahan ng simple estafa na isang criminal case:

ART. 315. Swindling (estafa). – Any person who shall defraud another by any of the means mentioned hereinbelow shall be punished by:

x x x                             x x x                             x x x

2. By means of any of the following false pretenses or fraudulent acts executed prior to or simultaneously with the commission of the fraud: 

(a) By using fictitious name, or falsely pretending to possess power, influence, qualifications, property, credit, agency, business or imaginary transactions, or by means of other similar deceits.

x x x                             x x x                             x x x.

Kung ang nambiktima naman ay nasa isang corporation kung saan lima o marami pang tao ang may pasimuno nito, ito ang tinatawag na “syndicated estafa” na may parusang kamatayan o habang buhay na pagkakabilango. Section 1 of PD No. 1689, which states that:

SEC 1. Any person or persons who shall commit estafa or other forms of swindling as defined in Article 315 and 316 of the Revised Penal Code, as amended, shall be punished by life imprisonment to death if the swindling (estafa) is committed by a syndicate consisting of five or more persons formed with the intention of carrying out the unlawful or illegal act, transaction, enterprise or scheme, and the defraudation results in the misappropriation of moneys contributed by stockholders, or members of rural banks, cooperatives, “samahang nayon(s)”, or farmers associations, or of funds solicited by corporations/ associations from the general public.

Ayon sa Korte Suprema, ang Ponzi scheme ay isang form of estafa. “This is an investment swindle in which high profits are promised from fictitious sources and early investors are paid off with funds raised from later ones. It is sometimes called a pyramid scheme because a broader base of gullible investors must support the structure as time passes.

In the recent case of People vs. Priscilla Balasa, this Court held that a transaction similar to the case at hand is not an investment strategy but a gullibility scheme, which works only as long as there is an ever increasing number of new investors joining the scheme. It is difficult to sustain over a long period of time because the operator needs an ever larger pool of later investors to continue paying the promised profits to early investors. The idea behind this type of swindle is that the con-man collects his money from his second or third round of investors and then absconds before anyone else shows up to collect. [People vs. Martin Romero et. al. G. R. No. 112985. April 21, 1999]

Sa kasong estafa, dapat patunayan ng pinagkautangan na hindi totoo ang representasyon ng tumanggap ng pera at ang panloloko ay ginawa bago o habang binigay niya ang pera at siya ay umaasa sa nasabing representasyon kaya niya binigay ang pera sa nagpakana ng online paluwagan. Kung wala ang mga elemento na ito, ito ay simpleng utang lamang at hindi pwedeng ipakulong ang umutang ng pera. Pinaparusahan ang ganitong gawain dahil sa mali at panlolokong representasyon na ang pera na hinulog ay kikita ng mas malaking pera na wala namang katotohanan.

Kung merong katanungan o gustong magkonsulta ukol sa Paluwagan o Estafa, visit www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply