Sponsored Links
Advertisement

Legal Ba Ang Paniningil Ng Mataas Na Interest Sa Pautang?


“ATTY., LEGAL BA ANG PAGSINGIL NG TUBO SA MGA TUBO NA HINDI KO PA NABABAYARAN KASAMA ANG PRINCIPAL NA UTANG KO? PWEDE BA YON NA PATONG PATONG NA TUBO?”

ANG INTEREST RATE O TINATAWAG NA “TUBO” AY KABAYARAN SA PAGGAMIT NG PERA NG NAGPAUTANG. UNDER CIRCULAR NO. 905 NG BANKO SENTRAL, BINIGYAN NA NG KALAYAAN ANG MGA TAO NA MAGKASUNDO SA ISANG WRITTEN LOAN AGREEMENT NA GUSTO NILANG IPATAW NA INTEREST RATE O TINATAWAG NA “TUBO” SA ISANG UTANG. ANG HINDI NABAYARAN NA TUBO AY HINDI PWEDENG SINGILAN NG PANIBAGONG TUBO EXCEPT KUNG MAY WRITTEN AGREEMENT PARA DITO ANG MGA PARTIDOS O NAGSAMPA NG KASO SA KORTE UPANG MANINGIL NG UTANG.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung legal ba ang patong-patong na tubo. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Help po atty. Umutang kami sa kapitbahay namin na nag 5-6 at hindi kami nakabayad ng 5 months dahil sa emergency po. Ngayon sinisingil kami ng malaki dahil yong hindi namin nabayaran na tubo ay pinatubuan pa kaya lumaki. Legal po ba yon atty? Legal ba ang mataas na patubo ng mga 5-6?”

Nasa mga kaso ng Supreme Court, sa Florendo vs. Court of Appeals, 333 Phil. 535 [1996], wala nang epekto ang Usury Law o ang batas na naglilimit sa taas ng interest rate o tubo.

“By virtue of Central Bank Circular No. 905, the Usury Law has been rendered ineffective”. “Usury has been legally non-existent in our jurisdiction. Interest can now be charged as lender and borrower may agree upon.”

Ibig sabihin, ang tao ay binigyan na ngayon ng kalayaan na magkasundo sa taas ng interest rate na walang limitasyon. Ngunit ang korte ay may karapatan pa din na bawasan ito kung ito ay “unconscionable” or “contrary to morals” dahil sa grabeng taas nito. Ito ay case-to-case basis na binabawasan ng korte.

Ang tubo o interest sa utang ay hindi masisingil kung wala ito sa kasulatan o hindi nakalagay sa agreement. Ang Article 1956 of the New Civil Code ay nagsasaad na “hindi pwedeng sumingil ng tubo o interest sa perang pinautang kung ito ay hindi napagkasunduan sa isang kasulatan” (No interest shall be due unless it has been expressly stipulated in writing).

Paano kung walang kasulatan ng utang o ng tubo?

Ayon sa bagong kaso ng Supreme Court Dario na Nacar v. Gallery Frames and/or Felipe Bordey, Jr., G.R. No. 189871, August 13, 2013, ang tubo sa isang utang na walang kasulatan ay 6% per annum lamang ang interest rate.

Paano naman kung may nakasulat na kasunduan sa interest, pwede bang magpatong ng interest o tubo sa hindi nabayaran na tubo sa utang?

Ayon sa Article 1959 of the New Civil Code, it is stated that “interest due and unpaid shall not earn interest”. May dalawang exception o sitwasyon kung saan pinapayagan ng batas na magpatong ng interest o tubo sa hindi nabayaran na tubo sa utang.

Ang unang exception ay kung may written agreement sa compounding of interest ayon sa Article 1959 ng New Civil Code:

Art. 1959. Without prejudice to the provisions of Article 2212, interest due and unpaid shall not earn interest. However, the contracting parties may by stipulation capitalize the interest due and unpaid, which as added principal, shall earn new interest. (n)

Ang ikalawang exception ay nasa Article 2212 of the New Civil Code which states that “Interest due shall earn legal interest from the time it is judicially demanded, although the obligation may be silent upon this point”. Kung nagsampa ng kaso sa korte para maningil ng pautang, pwedeng magpatong ng tubo sa hindi nabayaran na tubo ang inutangan o kaya ang korte depende sa kaso. Kung nagdemand letter lamang, hindi pwede sumingil ng compounded interest dahil required ng batas na nakasampa ang kaso.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa problema sa utang o tamang pagbibigay ng tubo sa pautang, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply