Sponsored Links
Advertisement

Maaari Bang Ibalik Ang Naihulog Na sa Biniling Lupa Kung Ayaw Ng Ituloy Ang Deal?


“MAY BINILI AKONG LUPA ATTY. NG HULUGAN PERO AFTER ONE YEAR, WALA NA AKO PAMBAYAD, PWEDE KO BA PILITIN NA IBALIK SA AKIN ANG BINAYAD KO NG SELLER?”

ANG TAONG PUMIRMA NG ISANG KONTRATA AY HINDI NIYA PWEDENG BAGUHIN ANG NAPAGKASUNDUAN DAHIL ANG NAKALAGAY SA LOOB NG KONTRATA AY ANG BATAS NA MAMAMAYANI SA KANILANG KASUNDUAN. ANG PARTIDOS SA KONTRATA NA LUMABAG SA KANYANG OBLIGASYON AY WALANG KARAPATAN NA KANSELAHIN ANG KONTRATA DAHIL ANG KARAPATAN NA ITO AY BINIBIGAY NG BATAS SA PARTIDOS NA TUMUTUPAD SA KANYANG OBLIGASYON SA KONTRATA. ANG PARTIDOS NA TUMUTUPAD SA KANYANG OBLIGASYON SA KONTRATA AY MAY REMEDYO SA BATAS NA PILITIN ANG KABILANG PARTIDOS NA HINDI TUMUPAD SA OBLIGASYON NA TUPARIN ITO O KANSELAHIN ANG KONTRATA, KASAMA ANG PAGBABAYAD NG DANYOS.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ang isang pumirma sa isang kontrata ay pwedeng mag back-out o umurong kahit wala siyang maayos na dahilan. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Businessman ako atty., may kontrata kami na pinirmahan na gagawin ko ang pinturahan ang bahay niya. Nagdownpayment na kausap ko pero noong nasa kalahati kami ay nagkamali pala ako sa presyo kaya tumigil ako, pwede ba ako umurong na lang sa kontrata?

Ang pagpirma sa isang kontrata ay dapat gawin pagkatapos pag-aralang mabuti ang mga terms and conditions nito at tingnan kung ang mga ito ay katangap-tangap sa taong pipirma nito at magpapasan ng mga obligasyon dito.Marami nang Supreme Court decision ang nagsasabi na ang kontrata ay obligasyon ng mga pumirma dito at pag ito ay napirmahan ay dapat irespeto dahil ito ang batas sa pagitan ng mga taong pumirma nito. Ito ang source ng batas sa pagitan ng pumirma ng kontrata at pinanggagalingan ng karapatan at obligasyon ng mga partidos (G.R. No. 183789, PSALM vs. Pozzolanic Phils, Inc. Aug. 24, 2011). Kung kaya dapat ay pag-aralang mabuti ang kontratang pipirmahan para hindi mapahamak at upang malaman kung anong obligasyon ang hinaharap dito.

“A contract is the law between the parties and, absent any showing that its provisions are wholly or in part contrary to law, morals, good customs, public order or public policy, it shall be enforced to the letter by the courts.” (Metropolitan Bank & Trust Co. vs. Wong, G.R. No. 120859, 26 June 2001, 150 SCAD 178; Salvatiera vs. Court of Appeals, 73 SCAD 586, 261 SCRA 45).

Kung may nagviolate ng kontrata, pwede ba umurong ang party na nagviolate nito?

Hindi. Ayon sa Article 1191 ng New Civil Code, ang may karapatan lamang na magkansela ng kontrata ay ang partidos na tumutupad sa kanyang obligasyon at walang karapatan ang partidos na magkansela kung siya ay hindi tumutupad sa kanyang obligasyon na nasa kontrata. Ang taong hindi tumutupad sa kanyang kontrata ay hindi pwedeng pumunta sa korte dahil siya ang nakasakit o nakadanyos. Ayon din sa batas, ang partidos na tumutupad sa kanyang kontrata ay pwedeng mamili na pilitin ang kabilang partidos na tuparin kung ano napagkasunduan o kaya ay kanselahin ang kontrata, sa parehong option, pwede siyang humingi ng damages o danyos.

“Art. 1191. The power to rescind obligations is implied in reciprocal ones, in case one of the obligors should not comply with what is incumbent upon him.

The injured party may choose between the fulfillment and the rescission of the obligation, with the payment of damages in either case. He may also seek rescission, even after he has chosen fulfillment, if the latter should become impossible.

The court shall decree the rescission claimed, unless there be just cause authorizing the fixing of a period.

This is understood to be without prejudice to the rights of third persons who have acquired the thing, in accordance with Articles 1385 and 1388 and the Mortgage Law.”

Bilang example, kung ang isang tao ay bumili ng subdivision house and lot sa developer at maayos naman nagampanan ng developer ang kanyang obligasyon sapamamagitan ng tamang pagdeliver ng constrcution ng house, pagdevelop ng subdivision project o pagkakaroon ng maayos na permit, ang buyer ay hindi pwedeng magback-out sa kanyang contract to sell dahil lamang wala na siyang pambayad. Hindi niya ito magagamit na reason sa korte para sa kanyang refund of payment. Ang developer, bilang injured party, ang may karapatan na magkansela at humingi ng danyos at hindi ang buyer dahil siya ay hindit tumupad sa kontrata.

Ngunit kung ang buyer ay nakabili ng house and lot sa developer kung saan walang license ang developer, hindi maayos ang construction, delayed ang development ng subdivision project at walang amenities, ang buyer ay may karapatan na magkansela ng kanyang contract to sell at humingi ng full refund plus damages.

Rescission can only be demanded only if the plaintiff is ready, willing, and able to comply with his own obligation. The guilty party cannot rescind. He who comes to equity must come with clean hands. [Civil Code of the Philippines Annotated, Edgardo L. Paras, 1994 edition, p. 212 citing Seva vs. Berwia, 48 Phil. 581]

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa tamang pag-aaral ng kontrata at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply