Sponsored Links
Advertisement

Maibabalik Pa Ba Ang Kahapon?


Maibabalik Pa Ba Ang Kahapon
by: Charie Blando

Maibabalik mo pa ba ang kahapon?
Pagmamahal na binalewala at itinapon
Nanaiisin mo bang balikan ang noon?
Kung sakit at luha, ang alaalang mayroon
Mas nanaisin pang ito’y tuluyan ng ibaon
Magsisilbing aral at gabay, saan man paroroon.

Di kailanman magsisisi, tawagin mang tanga at bingi
Di kailanman susumbatan, sabihan man nilang bobo at pipi
Tanging puso ang saksi, kung ano ang tama at mali
Nagmahal lang ng tunay, ni walang halong pagkukunwari..

Mula nang ibigay, iyong kalayaan
Tumatak sa puso, ika’y wala ng babalikan
Hinding hindi kailanman pagsisihan
Dahil aking napatunayan
Ang isang tulad mo, di karapat dapat iyakan.

Ngayon, ikaw na naghahabol at nagmamakaawa
Pinagsisihan mo, kasalanang nagawa
Dapat bang matuwa? Ikaw na ngayon ang lumuluha…
Mundo ay naiba, ikaw na ngayon ang nasa ibaba

Kahapon, maibabalik mo pa ba?
Palagay mo, nanaisin kopa kayang ika’y makasama?
Gusto mo mang pagkamali noon ay itama
Sorry mo’y wala ng magagawa
Huli na, wala ka ng babalikan pa.

Salamat sa Diyos, tinuro paano bumangon
Paggabay sa landas, saan man paroroon
Pahihilumin ang sugat sa tamang panahon
Dasal at pananampalataya lang, manalig sa Panginoon

Payo ko lang sayo, nang dina maulit pa ito
Kung ika’y iibig pa, sana naman ay seryoso
Magmahal ng tapat at walang halong biro o laro
Damdamin ay ingatan, Diyos ang ilagay sa sentro
Magsama ng matiwasay, pag-ibigan laging isapuso.

 


Leave a Reply