Sponsored Links
Advertisement

Makakasuhan Ba ng Cyber Libel Kung Totoo Naman Ang Post Sa Facebook?


“MAKAKASUHAN KA BA NG CYBER LIBEL O PANINIRANG PURI KUNG TOTOO NAMAN ANG NAPOST MO SA FACEBOOK LABAN SA KAAWAY MO?”

 “MAKAKASUHAN KA BA NG CYBER LIBEL O PANINIRANG PURI KUNG PATAY NA ANG NASABIHAN NG MASAMA AT NAPOST MO SA FACEBOOK?”

ANG KATOTOHANAN NG PARATANG O AKUSASYON AY HINDI DEPENSA SA LIBEL O CYBERLIBEL. ANG DEPENSA SA LIBEL O CYBER LIBEL AY KUNG MASAMANG PARATANG AY GINAWA SA ISANG PRIBADONG KUMONIKASYON GAWA NG ISANG MORAL O LEGAL NA OBLIGASYON O ITO AY ISANG PATAS NA KOMENTO LABAN SA ISANG PUBLIC OFFICIAL.

ANG “LIBEL” O “PAGMUMURA” O “PANINIRANG PURI” SA ISANG TAO SA FACEBOOK, TWITTER O IBA PANG SOCIAL NETWORKING SITES O SA INTERNET AY ISA NANG “CYBERCRIME” NA TINATAWAG NA “CYBERLIBEL” AT PINAPARUSAHAN NG KULONG UNDER REPUBLIC ACT NO. 10175 OTHERWISE KNOWN AS “CYBERCRIME PREVENTION ACT OF 2012.” ANG ANUMANG GINAWANG PANINIRA SA INTERNET AY MAY PRESUMPTION ANG BATAS NA ITO AY MALISYOSO KAHIT ITO AY TOTOO AT OBLIGASYON NG GUMAWA NITO NA PATUNAYAN SA KORTE NA GINAWA ITO IN GOOD FAITH AT MAY JUSTIFIABLE MOTIVE.

Pwede mo bang gawin na depensa na ang post mo sa Facebook ay ang katotohanan kahit ito ay paninirang puri at nakakasakit sa reputasyon, dignidad at karangalan ng taong pinaratangan mo? Ito ay isa sa mga sinasabing depensa ng mga tao na nag-aaway sa Internet dahil sa mga napost na paninirang puri o pagpost ng libelous remarks, comments at shouts. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., totoo naman na kabit siya at pinost ko lang sa Facebook kung ano talaga siya. Kung totoo po sinabi ko sa post ko, makukulong din po ba ako? Libel pa rin po ba yon?”

“Pwede po ba atty ako malibel kahit ang nasabihan ko na manyakis ang tatay niya ay matagal nang patay?”

Ayon sa isang kaso ng Supreme Court: “The freedom of speech and of the press is not absolute. The freedom of speech and press and assembly, first laid down by President McKinley in the Instruction to the Second Philippine Commission of 07 April 1900, is an almost verbatimrestatement of the first amendment of the Constitution of the United States. Enshrined in Section 4, Article III of the Bill of Rights of the 1987 Constitution, it states, No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.

But not all speech is protected. The right of free speech is not absolute at all times and under all circumstances. There are certain well-defined and narrowly limited classes of speech, the prevention and punishment of which has never been thought to raise any Constitutional problem. These include the lewd and obscene, the profane, the libelous, and the insulting or fighting words – those which by their very utterance inflict injury or tend to incite an immediate breach of the peace. It has been well observed that such utterances are no essential part of any exposition of ideas, and are of such slight social value as a step to truth that any benefit that may be derived from them is clearly outweighed by the social interest in order and morality.” [Peoples Journal vs. Thoenen, G.R. No. 143372, Dec. 13, 2005]

Ang pagkakaroon ng Facebook account ay hindi nagbibigay ng lisensiya sa may-ari nito na gamitin ito na makakasira sa buhay at reputasyon ng ibang tao. Ang post, comment o twit na may pagmumura o paninirang puri sa isang tao sa Facebook, Twitter o iba pang social networking sites o internet ay isang krimen na libelo o “libel”. Ang nasabing post, comment o twit ay isang electronic evidence na tinatanggap na sa korte bilang ebidensiya ng libel at pwede na itong magamit laban sa taong nagpost nito sa internet. Ayon sa Revised Penal Code, Article 353 ang Libel ay isang isinapubliko at malisyosong pagbibintang ng isang krimen, bisyo o depekto o isang aksiyon o hindi pag-aksiyon ng isang tao, kundisyon, status o circumstances kung saan ito ay nadishonor, pagkapahiya at paghamak ng isang tao o korporasyon. Ang libel ay pwedeng macommitt by means of writing, printing, lithography, engraving, radio, phonograph, painting, theatrical exhibition, cinematographic exhibition, or any similar means, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods or a fine ranging from 200 to 6,000 pesos, or both, in addition to the civil action which may be brought by the offended party. Noong July 25, 2011 ay pinasa ng Kongreso ang “Cybercrime Prevention Act of 2012″ kung saan ang “Libel” ay isinama bilang isang uri ng “Cybercrime” kung ang libelous comment or post ay ginawa sa Internet.

Malinaw sa definition ng Libel: Article 353 of the Revised Penal Code defines libel as a public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status, or circumstance tending to cause the dishonor, discredit, or contempt of a natural or juridical person, or to blacken the memory of one who is dead.”

Kahit patay na ang sinabihan ng paninirang puri, pwede pa rin na kasuhan ang akusado ng libel. Ang mga elemento ng libel ay:

For an imputation to be libelous, the following requisites must be met: (a) the allegation of a discreditable act or condition concerning another; (b) publication of the charge; (c) identity of the person defamed; and (d) existence of malice.

Pwede bang maging depensa ang katotohanan? Under Article 354 of the RPC, which states that;

Every defamatory imputation is presumed to be malicious, even if it be true, if no good intention and justifiable motive for making it is shown, except in the following cases:

1. A private communication made by any person to another in the performance of any legal, moral or social duty; and

2. A fair and true report, made in good faith, without any comments or remarks, of any judicial, legislative or other official proceedings which are of confidential nature, or of any statement, report or speech delivered in said proceedings, or of any other act performed by public officers in the exercise of their functions.” (emphasize ours)

Malinaw sa batas na presumed o sinasapantaha ng batas na ang taong gumawa ng paninirang puri ay may malisya sa paggawa nito kahit na ito ay totoo at ang taong gumawa nito ay meron siyang obligasyon sa korte na patunayan na siya ay in good faith at may justifiable motive. Dalawa lamang ang exception na binibigay ng batas (1) kung ang paninirang puri ay ginawa sa private communication o pribadong pagpapalitan ng sulat o text o message at (2) tunay at patas na pagpapahayag sa mga official actions ng public officials. Ang katotohanan ay hindi isang depensa sa libel dahil kailangan patunayan ng akusado na may magandang intensyon siya o justified ang ginawa niya dahil ang sapantaha ng batas na ang ginawa niya ay malisyoso.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa CYBERCRIME, libel or electronic evidence register at my website at www.e-lawyersonline.com. 

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply