Sponsored Links
Advertisement

Mas Madali Ba Ang Annulment Process Kapag Matagal Ng Hiwalay?


 

“ATTY., FIVE YEARS NA KAMING HIWALAY NG ASAWA KO, PWEDE NA BA AKONG MAGFILE NG ANNULMENT OF MARRIAGE?”

ANG MATAGAL NA PAGHIHIWALAY NG MAG-ASAWA AY HINDI REQUIREMENT SA ANNULMENT OF MARRIAGE O DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE. ANG REQUIREMENT SA ANNULMENT OF MARRIAGE O DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE AY ANG PAGKAKAROON NG GROUND NA NAAYON SA FAMILY CODE AT SAPAT NA EVIDENCE NA SUMUSUPORTA DITO PARA MAPAWALANG BISA NG KORTE ANG KASAL.

Marami pa rin ang nagtatanong kung ilang taon daw ba na pagkakahiwalay bago magsampa ng annulment of marriage sa korte. Meron bang ganitong requirement ang korte?

“Atty., sabi po mga kaibigan ko ay seven years na hiwalay ng asawa ay pwede nang mag-asawa uli, ako po ay 10 years na hiwalay, totoo po ba yon?”

“Question lang po atty, ilang taon ba ang required na hiwalay ng mag-asawa nago magsampa ng annulment of marriage sa korte?”

Ang marriage o kasal ay HINDI nawawala ang bisa sa tagal ng paghihiwalay o tagal ng walang komunikasyon ng mag-asawa. Kahit 1 month na hiwalay o 100 years nang hiwalay o walang komunikasyon ang mag-asawa ay hindi automatic na nawawala ang bisa nito.

Dalawang situwasyon lang ang nasa batas na automatic na nawawala ang bisa ng kasal (1) in case of death of kamatayan ng asawa; (2) in case of 2nd marriage by reason ng declaration ng presumptive death ng absent spouse, ay automatic na nawawala ang bisa ng 2nd marriage sa recording o pagtatala ng absent spouse ng kanyang affidavit of reappearance sa local civil registrar.

Pag namatay ang asawa, automatic na bumabalik ang legal capacity ng naiwang asawa na magpakasal muli dahil automatic na tinuturing siya ng batas na “single” muli. Ito ay nasa Article 37 at 42 ng New Civil Code.

Article 37. Juridical capacity, which is the fitness to be the subject of legal relations, is inherent in every natural person and is lost only through death. Capacity to act, which is the power to do acts with legal effect, is acquired and may be lost. (n)

Article 42. Civil personality is extinguished by death. The effect of death upon the rights and obligations of the deceased is determined by law, by contract and by will. (32a)

Napapawalang bisa lamang ang marriage o kasal sa pamamagitan ng pagsasampa ng “annulment of marriage” o “declaration of nullity of marriage” sa korte at pagkuha ng favorable decision ng korte based sa ground na naayon sa Family Code at sa ebidensiya na napresenta na naa-ayon sa Rules of Court.

Walang requirement sa Family Code ang matagal na hiwalay ng asawa bilang kundisyon sa pagsasampa ng “annulment of marriage” o “declaration of nullity of marriage”. Ang “annulment of marriage” o “declaration of nullity of marriage” ay pwedeng isampa sa korte kahit 1 month pa lang na hiwalay ang mag-asawa at pwede na itong umusad at i-process pagkasampa nito sa korte. Ito ay naiiba sa legal separation kung saan ay may 6 month cooling off period kung saan hindi uusad ang kaso during the said period para pagbigyan ang mag-asawa ng pagkakataon na mag-usap at magreconcile. Walang cooling off period sa “annulment of marriage” o “declaration of nullity of marriage”.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa annulment of marriage o legal separation at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com .

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Kung gusto niyo naman ng video-chat consultation, magregister sa www.lexmeet.com.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply