Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Pagkakaiba Ng Divorce sa Annulment?


ATTY! MAY DIVORCE BA PARA SA MGA FILIPINO?

ANG DIVORCE AY ISANG PROSESO NG PAGPAPAWALA NG BISA NG KASAL NG MAG-ASAWA NA INAAPROBAHAN NG KORTE KASAMA ANG KASUNDUAN O DESISYON SA SUPORTA SA ASAWA AT ANAK, CUSTODY NG BATA AT HATIIAN NG CONJUGAL PROPERTY. WALA PANG DIVORCE SA PILIPINAS NGUNIT HALOS MAY PAGKAKAHAWIG DIN ITO SA ANNULMENT OF MARRIAGE.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ano ba ang “divorce” at ang pagkakaiba nito sa “annulment of marriage” o “declaration of nullity of marriage.” Ganito ang tanong ng isang reader sa E-Lawyers Online:

“May nabasa po ako na meron na daw divorce sa Phils at ito ay basta pirmahan lang ay ok na. Totoo po ba ito? Kung hindi po, ano po ba paraan para mapawalang bisa ang kasal?”

Akala ng marami na ang divorce ay proseso na hindi na dumadaan sa korte at mabilis na ito. Ang proseso ng divorce ay isa ring proseso sa korte kung saan ang pag-aproba nito ay kailangan na dumaan sa korte.

Karamihan ng mga bansa na may divorce law, ang divorce decree ng mag-asawa ay kailangan na dumaan sa korte o aprobahan ng korte bago maging epektibo. Dahil may maaapektuhan na mga bata, property at suporta, kailangan siguraduhin ng Gobyerno through courts na maayos ang terms ng divorce decree in favor sa mga bata. Pwedeng aprobahan ng korte ang divorce terms na napagkasunduan ng mag-asawa ngunit kung hindi sila magkasundo, kailangan dumaan sa proseso ng pagprepresenta ng ebidensiya ang mag-asawa upang patunayan ang position nila sa isat-isa at kailangan nila dito ang mga lawyer dahil isa na itong full-blown trial.

Maraming mga bansa na sinusunod ang AT-FAULT DIVORCE kung saan kailangan patunayan ng nagsampa ng ebidensiya na may kasalanan ang asawa sa korte at meron namang bansa na NO-FAULT DIVORCE na sistema kung saan ang simpleng bintang ay pwedeng gamitin sa divorce at sabihin sa korte ang nasabing bintang.

Meron ding tinatawag na COLLABORATIVE DIVORCE kung saan ang mag-asawa ay nagkakasundo sa terms ng divorce nila sa tulong ng isang neutral na attorney upang i-guide sila ngunit meron din naman na MEDIATED DIVORCE kung saan ang isang neutral lawyer ay pinagkakasundo ang mag-asawa kasama ang kanilang mga lawyer for a possible settlement ng divorce upang hindi ito maging contested.

Ngunit walang divorce sa Pilipinas dahil ang depinisyon ng kasal o marriage sa batas ng Pilipinas ay hindi pwedeng pagkasunduan ng mga mag-asawa ang bisa, mga epekto, insidente ng kasal. Dahil sa depinisyon ito ng batas sa kasal, ipinagbabawal ang anumang kasunduan ng mag-asawa sa pagpapawala ng bisa ng kasal kasama na ang divorce. Ang kinikilalang divorce langsa batas ng Pilipinas ay ang divorce na kinuha ng isang foreigner na naaayon sa Article 26 ng Family Code.

Wala pang divorce sa Pilipinas except under Philippine Muslim Marriage Law at sa Article 26 ng Family Code sa pagitan ng isang foreigner at Filipino. Kung kaya ang divorce na kinuha ng isang Filipino o parehong Filipino sa abroad o sa ibang bansa ay hindi epektibo at invalid at hindi nito mapapawalang bisa ang kanyang kasal sa Pilipinas. Ito ay nasasaad sa Art. 15 ng New Civil Code “Laws relating to family rights and duties, or to the status, condition and legal capacity of persons are binding upon citizens of the Philippines, even though living abroad.” Ang ibig sabihin nito ay ang civil status ng isang Filipino na nasa abroad ay hindi mababago hanggat hindi mo ito binabago ng naayon sa batas ng Pilipinas, hindi sa batas ng ibang bansa. Ang annulment of marriage lang ang allowed ng batas ng Pilipinas sa pagpapawalang bisa ng kasal at hindi ang divorce.

Ito ay pinagbabawal din sa Article 17 ng New Civil Code kung saan sinasabi na “prohibitive laws concerning persons, their acts or property, and those which have, for their object, public order, public policy and good customs shall not be rendered ineffective by laws or judgments promulgated, or by determinations or conventions agreed upon in a foreign country.” Ang annulment of marriage lang ang proseso na pwede na nasa batas ng Pilipinas.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa tamang pagpapakasal at kailangan na mga dokumento nito o sa tamang proseso ng annulment, register at my website at www.e-lawyersonline.com

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Kung gusto niyo naman ng video-chat consultation, magregister sa www.lexmeet.com.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply