Sponsored Links
Advertisement

Pangaral Ng Magulang Na Hindi Ko Nakakalimutan


Sa aking  musmus na kaisipan nakakintal ang mga pangaral ng magulang na hanggang ngayon na matanda na ako dala-dala ko pa rin. Kung paano tayo pinalaki ng magulang, malaking porsiento dito nakasalalay ang kung ano ang kinakaharap natin kinabukasan.

1.Mag-aral ng mabuti

Lahat ng magulang naghahangad ng magandang buhay para sa kanilang mga anak. Ang edukasyon ang pamanang hindi makukuha o maaagaw ninuman, ito ang magiging hagdan sa pag abot ng mga pangarap sa buhay. Ang mga magulang gaano man kahirap ng buhay, magsasakripisyo para magkaroon ng makapa-aral sa magandang eskwelahan ang kanilang mga anak.

2. Maging mabuting tao

Paano ituring ang  kapwa ay ganoon din ang pagturing natin sa ating mga sarili. Ang magulang  ang nagguguide ng tamang pakikipagkapwa tao dahil kung ano ang nakikita sa matatanda sa mata ng bata ay siyang tama.

3. Mahalin ang pamilya

Mahalin ang pamilya dahil kahit na anumang mangyari ang pamilya ng totoong dadamay saiyo. Walang perpektong pamilya, may mga hindi napapagkasunduan ngunit at the end of the day ang pamilya pa rin ang totoong tutulong at maaari sandalan sa oras ng kagipitan.

4. Magkaroon ng takot sa Diyos

Maging maka Diyos. Huwag kakalimutan na ang buhay ay galing sa Kanya kaya dapat ialay ang lahat ng  ginagawa para sa kanya.

5. Maging mabuting mamamayan ng bansa

Ang ikakaganda ng bansa ay nasa mamamayan na nagmamahal sa bayan. Iisa lamang ang bansa natin, ang bansang Pilipinas. Kailangan nating mahalin ito dahil parte tayo ng demokrasyang ating tinatama sa ngayon. Hindi lamang sa namumuno ang ikasisira at ikauunlad ng bansa nating kundi nasa ating mga tao. Tayo ang bumubuo ng kumunidad.

6. Huwag magbisyo

Iwasang magbisyo. Huwag magsusugal, maninigarilyo o malulong sa alak. Iwasan ang mga masamang impluwensya na barkada.

7. Paghandaan ang pag-aasawa

Paghandaan ang pag-aasawa. Ang pag-aasawa ay hindi kagaya ng pagsubo ng kanin na kapag napasa iluluwa lang. Ito ay pangmatagalang commitment ng bawat isa. Kung mag aasawa na, siguraduhin na kaya ng buhayin ang pamilya. May sapat na ipon at handa na lumagay sa mas masalimuot ng buhay.

 


Leave a Reply