Sponsored Links
Advertisement

Pwede Bang Gamitin Sa Passport Na Single Kahit Kasal Pa?


“PWEDE KO BA ATTY. NA IDEKLARA SA RENEWAL NG PASSPORT KO NA SINGLE AKO KAHIT KASAL AKO PERO HIWALAY NA? MAY KASO PO BA AKO?”

ANG PAGGAMIT NG MALING CIVIL STATUS SA MGA DOKUMENTONG PUBLIKO KATULAD NG PAGKUHA NG PASSPORT, TITULO AT IBA PA UPANG AY ISANG KRIMEN NA KUNG TAWAGIN AY PERJURY O USURPATION OF STATUS NA MAY PARUSANG KULONG.

Usual na tanong ng mga kababayan natin ay tungkol sa kanilang civil status kung sila ay kumukuha ng passport. Marami ang nagtatanong kung pwede pa rin na palabasin na single sila kahit kasal na sila. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Meron po ako asawa pero hiwalay na po. Hindi ko po nabago mga govt papers ko atty at single pa rin tulad ng passport. Ngayon ay magrerenew ako, pwede ko po ilagay na single pa rin ako?

“Atty., may kaso ba ako kung sa deed of sale na binili ko ay ilagay na single ako pero sa totoo ay kasal ako, para lamang makaiwas na habulin ng mister ko dahil hiwalay na kami, pwede po ba?”

Ang civil status ng isang tao ay nakukuha o nababago sa oras ng ikasal o mamatay ang tao. Kung ikinasal ang isang tao, ang civil status na “married” ay automatic na kumakabit sa mag-asawa ng sila ay magsabi sa solemnizing officer ng “I do”. Ang civil status na “single” ay automatic naman na bumabalik kung ang taong kasal ay namatay ang kanyang asawa sa oras ng pagkamatay ng asawa o pagkadeklara ng final and executory na decision ng korte na walang bisa ang kanilang kasal. Kahit hindi nabago ang mga government papers ng isang tao at nanatiling single ang civil status na nakalagay doon, siya ay may obligasyon na baguhin sa batas at palitan at ideklara na ang civil status ay “married”. Maraming mga government applications katulad ng passport, POEA applications, SSS, OWWA, Pag-ibig at iba pa at ang mga ito ay may pinafill-up na space about “civil status”.

Ano ang liability o parusa ng isang tao na nagsinungaling sa kanyang civil status sa mga pinirmahan niyang government papers kung saan pinalabas niya na siya ay “single” pero ang totoo ay siya ay “married”?

Ayon sa Article 183 ng Revised Penal Code, ang sinumang tao na magsinungaling sa loob ng korte, o sa isang affidavit sa isang materyal na bagay na sinumpaan niya sa harap ng taong may kapangyarihan ay may parusang kulong na hindi mababa sa 6 months at hindi tataas ng 6 years.

Art. 183. False testimony in other cases and perjury in solemn affirmation. — The penalty of arresto mayor in its maximum period to prision correccional in its minimum period shall be imposed upon any person, who knowingly makes untruthful statements and not being included in the provisions of the next preceding articles, shall testify under oath, or make an affidavit, upon any material matter before a competent person authorized to administer an oath in cases in which the law so requires.

Any person who, in case of a solemn affirmation made in lieu of an oath, shall commit any of the falsehoods mentioned in this and the three preceding articles of this section, shall suffer the respective penalties provided therein.

Paano naman kung ang nilagay sa application ng tao na siya ay kasal pero sa totoo ay hindi naman siya kasal?

Kung ang isang babae ay hindi kasal sa isang lalaki, ang babae ay hindi pinapayagan na ideklara na siya ay kasal sa isang tao. Alam nyo ba na isang krimen ang panggamit ng isang katauhan ng ibang tao, katulad ng pagdeklara ng babae na siya ay kasal o asawa ng isang lalaki kung saan ay hindi sila kasal o wala silang legal na relasyon.

Nasa Article 348 ng Revised Penal Code ay nagsasaad na “any person who shall usurp the civil status of another. It is the act of pretending to be another person so as to enjoy the latter’s rights, filiations, paternity or conjugal rights, including his profession or public status.” Ang paggamit ng babae sa apelyido ng isang lalaki kung saan ay hindi sila kasal o wala silang legal na relasyon ay pagnanakaw ng isang status kung saan pinapalabas ng isang babae na siya ay kasal sa nasabing lalaki. Kung ang intensiyon ng gumawa nito ay lokohin ang offended party o kanyang taga-pagmana, ang parusa ay kulong na prision mayor (6 years and 1 day to 12 years imprisonment) at kung hindi naman ay prision correcional (6 months and 1 day to 6 years imprisonment).

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa perjury o usurpation of civil status, register at my website at www.e-lawyersonline.com.


Leave a Reply