Sponsored Links
Advertisement

Pwede Bang Gawin Ang Compromise Agreement Ng Magkakapatid?


“ATTY., PWEDE NA BA KAMI MAGPIRMAHAN NG COMPROMISE AGREEMENT NG MGA KAPATID KO PARA MAHATI NA NAMIN ANG MAMANAHIN NAMIN SA MGA MAGULANG NAMIN HABANG BUHAY PA SILA?”

ANG MGA TAGAPAGMANA AY HINDI PWEDENG MAG COMPROMISE AGREEMENT O MAGPIRMAHAN AT MAGKASUNDO SA ISANG KOMPROMISO PARA SA PAG-HAHATI, PAG-ASSIGNMENT O PAG-DISTRIBUTE NG MGA TATANGAPIN NA MANA MULA SA KANILANG MGA MAGULANG NA NABUBUHAY PA. ANG ANUMANG COMPROMISE AGREEMENT NG TAGAPAGMANA SA FUTURE INHERITANCE O FUTURE LEGITIME AY NULL AND VOID AT HINDI PWEDENG IPATUPAD SA KORTE. 

Marami ang nagtanong sa E-Lawyers Online tungkol sa compromise agreement ng mga magkakapatid tungkol sa hatian ng tatangapin nilang mana kahit buhay pa ang magulang nila. Ganito ang question ng reader sa E-Lawyers Online:

“Atty., marami po kami magkakapatid at ngayon pa lang ay kanya-kanya na silang pwesto at kuha sa property ng magulang namin. Dahil nag-aaway na po sila, gusto ng panganay namin na magpirmahan na kami ng compromise agreement para nakatuka o nahati na namin ang parte namin at nagpirmahan po kami pero mas malaki sa panganay. Valid po ba yon?”

Karaniwan na itong nangyayari sa pamilya kung saan nagkakasundo ang magkakapatid sa hatian ng tatangapin na mana mula sa magulang habang buhay pa. usually ay ito ay verbal agreement pero ang iba ay sinusulat sa isang compromise agreement. Valid ba ang nasabing compromise agreement para sa hatian ng tatangapin na mana mula sa magulang habang buhay pa? Hindi po.

Nasa Article 2035 ng New Civil Code na hindi valid at hindi pwede magkasundo ang mag-asawa o mag compromise o magpirmahan para tatangapin mana o inheritance sa darating na panahon. Sinasabi sa Article 2035 ng New Civil Code na: “No compromise upon the following questions shall be valid:

(1) The civil status of persons;
(2) The validity of a marriage or a legal separation;
(3) Any ground for legal separation;
(4) Future support;
(5) The jurisdiction of courts;
(6) Future legitime.

Ang tawag sa “FUTURE LEGITIME” ay tatangaping mana o inheritance sa darating na panahon. Kung kaya hindi pwedeng magkasundo ang magkakapatid na sila ay maghahati ng future inheritance o hindi sila magbibigay ng mana o inheritance sa ibang anak/kapatid nila for whatever reason. Bawal din ang mga tagapagmana na magcompromise sila sa value o size of inheritance o kaya ay i-waive o iwaksi ang kanilang karapatan na tumanggap ng mana katulad ng pagtanggap ng malaking halaga kapalit nito. Hindi rin pwede mag-compromise ang mga mag-asawa at mga anak upang ibenta, i-assign o i-waive ang mamanahin na ari-arian.

Ang LEGITIME ay ang karapatan ng tagapagmana o heir na magmana sa ari-arian ng kanyang magulang na nakareserba ng batas para sa kanya. Pwede lamang itong i-waive ng tagapagmana kung patay na ang magulang niya. Dahil ang compromise agreement sa future inheritance ay void, ang kasulatan na ito ay hindi pwedeng ipatupad sa korte later on kahit mamamatay na ang magulang nila dahil ito ay pinirmahan habang buhay pa ang parents nila.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa pagmamana o inheritance at ang tamang proseso nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply