Sponsored Links
Advertisement

Pwede Bang Hindi Suportahan Ang Bata Based Sa Suspetsa Na Ito Ay Hindi Mo Anak?


“PWEDE MO BANG HINDI SUPORTAHAN ANG ISANG BATA BASED SA SUSPETSA NA ITO AY HINDI MO ANAK?”

ANG PATERNITY CASE AY ISANG PETITION SA KORTE KUNG SAAN ANG ASAWANG LALAKI O TAGAPAGMANA NITO AY HUMIHILING NA IDEKLARA NA ANG ISANG BATA AY HINDI NIYA ANAK AT IPAWALANG BISA ANG BIRTH CERTIFICATE KUNG SAAN SIYA ANG NILAGAY NA AMA NITO.

ANG PATERNITY CASE AY KAILANGAN MAISAMPA AGAD SA LOOB NG ONE YEAR MULA SA PAGKADISKUBRE NG KAPANGANAKAN O REHISTRO NG BATA KUNG ANG REHISTRO AY GINAWA SA CITY O MUNICIPALITY NAKATIRA ANG ASAWANG LALAKI, O TWO YEARS, KUNG HINDI NAKATIRA ANG ASAWANG LALAKI SA PINAGREHISTROHAN AT THREE YEARS NAMAN KUNG NASA ABROAD ANG LALAKI. KUNG HINDI NAGSAMPA NG PATERNITY CASE, ANG BATA AY MAGKAKAROON NG PANTAY NA KARAPATAN NG MGA TUNAY NA ANAK NG ASAWANG LALAKI.

Kalimitan nang problema ang pagtataksil at pagkakaroon ng anak sa iba. Makikita rin itong problem na ito sa mga kababayan nating OFW na napahiwalay ng matagal sa pamilya. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, pabalik balik po ako sa abroad at may narinig po ako na tsismis na may kalaguyo ang misis ko. Tumawag po siya sa akin na siya ay buntis pagkatapos kung makaalis pabalik ng Middle East. Nagkalabuan na po kami ngunit tinatakot niya ako na suportahan ko daw ang pinagbubuntis ko pero malinaw po sa biling ng buwan na hindi sa akin ito. Sapat na po ba na sa bilang ng buwan ay hindi ko siya anak ay hindi ko suportahan ang bata? Makakasuhan po ba ako.”

Ang suspetsa na hindi anak ang isang bata ng alleged na tatay ay hindi sapat na dahilan upang itigil ang suporta sa bata. Kailangan ay madeklara ng korte na ang bata ay hindi anak ng isang tao bago mawala ang obligasyon sa suporta dito. Ano ba ang remedyo ng asawang lalaki kung nadiscover niya na nagka-anak ang asawa niya sa ibang lalaki ngunit ang birth certificate ay nirehistro sa pangalan ng asawang lalaki bilang ama nito? Pwedeng kasuhan ng asawang lalaki ang asawang babae ng kasong kriminal na “adultery” dahil ang pagkakaroon ng anak sa ibang lalaki ay malakas na ebidensiya ng adultery. Ngunit bukod pa dito ay kailangan din niya ipawalang bisa ang rehistro ng bata dahil ito ay malaking epekto sa kanya at sa mga tagapagmana niya.

Ang birth certificate ay isang public record at ang mga nakalagay na information dito katulad ng name ng father ay prima facie o unang pagtingin na ebidensiya ng nasusulat dito. Ang pangalan ng tatay na nakalagay sa birth certificate ay presumed na totoong tatay ng bata hanggat hindi ito napapatunayan sa korte na hindi siya ang ama. Kung kaya, ang pagkakaroon ng birth certificate na kung saan ang tatay ay hindi ang totoong tatay nito ay nakakapekto sa nasabing lalaki dahil magkakaroon siya ng obligasyon ng suporta sa isang bata na hindi niya tunay na anak. Ganun din, ang mga tunay na anak ng asawang lalaki ay magkakaroon ng kahati sa mana ng ari-arian dahil makikihati ang isang bata na hindi naman tunay na anak ng kanilang ama.

Kung kaya ang Family Code ay nagbibigay ng karapatan sa asawang lalaki na magsampa ng paternity case sa korte upang ideklara na ang isang bata ay hindi niya tunay na anak at ipawalang bisa ang birth certificate na nirehistro na siya ang nakalagay na ama nito. Ayon sa Article 170 ng Family Code, ang asawang lalaki o tagapagmana nito ay pwedeng magsampa sa korte ng petition o complaint upang upang ideklara na ang isang bata ay hindi niya tunay na anak at ipawalang bisa ang birth certificate na nirehistro na siya ang nakalagay na ama nito sa loob ng one year mula sa pagkakaalam o knowledge of the birth o kapanganakan ng bata or ng pagrehistro nito sa local civil register, kung ang husband or, in a proper case, any of his heirs, ay nakatira sa city or municipality kung saan pinanganak o nirehistro ang bata. Kung hindi naman at nasa ibang lugar sila sa Philippines, meron silang two years na magsampa at kung nasa abroad naman, meron silang three years. Kung ang kapanganakan o rehistro ng bata ay tinago sa asawang lalaki o tagapagmana nito, ang period na nasabi sa itaas ay magsisimula sa pagkakaalam ng kapanganakan o pagkadiskubre rehistro ng bata, anuman ang mauna sa kanila. Kung ang asawang lalaki o tagapagmana nito ay hindi nagsampa ng paternity case ng naayon sa nasabing mga period, ang bata na nakarehistro ay may right na kapantay ng mga tunay na anak ng asawang lalaki sa suporta at mana.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa paternity case at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply