Sponsored Links
Advertisement

Pwede Bang Idemanda Sa Korte Ang Hindi Tumupad Sa Pangakong Magpakasal?


“PWEDE BANG IDEMANDA SA KORTE ANG TAO NA HINDI TUMUPAD SA PANGAKONG MAGPAKASAL?”

ANG TAO NA HINDI TUMUPAD O HINDI NIYA PAGTUPAD SA PANGAKONG MAGPAKASAL AY HINDI PWEDENG IDEMANDA SA KORTE AT HINDI PWEDENG PILITIN SIYA NA MAGPAKASAL NGUNIT PWEDE SIYA IDEMANDA PARA SA NATAMONG DANYOS O DAMAGES NG TAONG KANYANG PINANGAKUAN NG KASAL. KUNG MAY KAAKIBAT NA CRIMINAL ACT, PWEDE SIYA IDEMANDA NG KASONG KRIMINAL BASE SA NAGAWA NIYA AT HINDI DAHIL SA HINDI PAGTUPAD NG PANGAKO.

Meron nagtatanong sa E-Lawyers Online kung pwede daw ba niyang idemanda ang lalaking nangako na pakasalan siya ngunit pagkatapos niya magpadala ng maraming pera ay hindi na siya pinakasalan at iba na ang pinakasalan. Pwede ba niyang mapilit ang tao na nangakong magpakasal sa pamamagitan ng korte? Ganito ang problem ng isang readerng E-Lawyers Online:

“Attorney, may naging Bf po ako sa abroad at nagkasundo kami magpakasal 2 years from now. Nag-ipon po kami at binigya ko sa kanya ang kalahati ng sweldo para sa aming kasal. Kaso po ng una siyang umuwi ng Pilipinas ay hindi na siya nagparamdam. Nalaman ko na lang na nagpakasal siya sa isang babae. Kinausap ko siya sa phone at binawi ko ang pera ko ngunit hindi na niya ito binalik dahil bigay ko daw po yon. Pwede ko po ba siya idemanda sa korte?

Kung ang pagdedemanda ay dahil sa hindi sa pagtupad sa pangakong pagpapakasal, ang sagot ay hindi po. Kung ang pagdedemanda ay gawa sa hindi pagbabalik ng pera, pwede itong isampa dahil isa itong estafa.

Walang batas ang nagsasabi na pwede mong idemanda ang isang tao na hindi tumupad sa kanyang pangakong magpakasal. Marami nang Supreme Court decision ay nagsabi na “mere breach of promise to marry is not actionable.” (Hermosisima v. CA, 109 Phil. 629; Estopa v. Piansang Jr., 109 Phil. 640; Galang v. CA, 4SCRA 55; Tanjanco v. CA, 18 SCRA 994.) Ibig sabihin nito, kung nangako lamang ang tao na magpakasal sa isang tao at hindi niya ito tinupad, hindi siya pwedeng idemanda sa korte.

Ngunit kung tao ay nangako na magpakasal sa isang tao at hindi niya ito tinupad, at bukod sa kanyang hindi pagtupad ay may ginawa siya na hindi kanais-nais, pwede pa rin siyang idemanda. Kung bukod sa hindi pagtupad ng pangako ay may nagawa siyang sekswal na relasyon o carnal knowledge na considered as seduction as defined in Article 338 of Revised Penal Code, pwede siya magdemanda ng criminal case at makarecover ng moral damages under Art. 2219, No. 3, Civil Code. Article 338 states that the seduction of a woman who is single or a widow of good reputation, over twelve but under eighteen years of age, committed by means of deceit, shall be punished by arresto mayor.

Kung ang ginawa niya sa hindi pagtupad ng pangakong magpakasal ay may kasamang abuse of rights that it is willful and that it is contrary to morals, good customs or public policy, pwede rin siya mademanda for moral damages under Arts. 21, 2219, No. 10, Civil Code; Kung nabuntis ang babae at nagsilang ng anak, pwede rin siya sumingil ng compensatory damages for medical and hospitalization expenses as well as attorney’s fees; at kung ang pinangakuan ng kasal ay nag-advanced money or property sa taong nagpromise na magpakasal dahil pangako niya na magpakasal, pwedeng marecover ang money or property on the ground that no person can enrich himself unjustly at the expense of another.

Kasama rin sa mga pwedeng masingil sa isang taong nangako na magpakasal ngunit hindi tumupad dito ay ang mga nagastos sa pagprepare ng kasal at moral damages sa kahihiyan na natamo. Kung may pera naman na binigay at entrusted sa taong nangakong magpakasal at ito ay hindi binalik at ginastos para sa sarili niya, pwede siya makasuhan ng estafa by abuse of confidence.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa pagkuha ng danyos dahil sa pagabuso sa karapatan at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply