Sponsored Links
Advertisement

Pwede Bang Kasuhan Ang Umutang Kahit Na Siya Ay Nasa Abroad?


“PWEDE MO BANG KASUHAN ANG UMUTANG SA IYO KAHIT SIYA AY NASA ABROAD O PAREHO KAYONG NASA ABROAD?

ANG PANININGIL NG UTANG SA PAMAMAGITAN NG PAGSAMPA NG KASO SA KORTE AY PWEDENG GAWIN AT ISAMPA KAHIT ANG UMUTANG O NAGPAUTANG AY NASA IBANG BANSA. DAHIL ANG PANININGIL NG UTANG AY ISANG UTANG, ITO AY PWEDENG ISAMPA SA KORTE KUNG SAAN RESIDENTE ANG NAGPAUTANG O KAYA KUNG SAAN RESIDENTE ANG UMUTANG AYON SA SECTION 2, RULE 4 NG RULES OF COURT.

ANG SIMPLENG UTANG NA HINDI LALAGPAS SA P100,000 AY PWEDE NANG SINGILIN SA MUNICIPAL TRIAL COURT O METROPOLITAN TRIAL COURT NA KUNG TAWAGIN AY “COURT OF SMALL CLAIMS” KUNG SAAN HINDI NA KAILANGAN NG ABOGADO O LAWYER UNDER SUPREME COURT ADMINISTRATIVE MATTER No. 08-8-7-SC OTHERWISE KNOWN AS “RULE OF PROCEDURE FOR SMALL CLAIMS CASES”.

Maraming kababayan na nasa abroad ang nagpapautang sa kaibigan, kamag-anak o kakilala. Kalimitan sa ganitong transaksyon ay nauuwi sa kasuhan sa korte. Marami ang nagtatanong kung pwede ba silang magsampa ng kaso kahit sila ay nasa abroad o kaya ang taong umutang ay nasa abroad. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, ako po ay OFW sa Hongkong at may kaunting naipon na pera. May friend po ako na nakasama sa trabaho at umutang sa akin ng P200,000.00 ngunit pagkatapos po niyang makuha ito at magbayad ng interest ng 2 buwan ay umuwi na po siya sa Pilipinas. Pwede ko po ba siya kasuhan at singilin sa korte sa Pilipinas?”

“Hello po. Matanong lang po, pwede po ba akong magsampa ng kaso sa humiram sa akin ng P30,000.00 kahit siya ay nasa abroad na?

Ang pagsasampa ng civil cases sa korte ay depende sa klase ng kaso na isasampa. Kung ang isasampa ay tungkol sa lupa o anumang interest dito (real actions), ang kaso ay dapat isampa sa korte kung saan ang lokasyon ng lupa ay matatagpuan. Bilang example, kung ang lupa na pinagtatalunan ay nasa Quezon City, ang anumang kaso dito ay dapat isampa sa korte sa Quezon City at wala nang iba pa.

Kung ang kaso naman ay tungkol sa mga personal na property katulad ng pera o sasakyan at iba pa (personal actions), ang kaso ay dapat isampa sa residente ng magsasampa o kaya ng sasampahan ng kaso at ang magsasampa ay pwedeng mamili kung saan niya gusto ito. Ngunit ang rule na ito ay depende pa rin kung may kasunduan na nakasulat ang partidos kung saan tinatalaga nila ang venue ng kasuhan nila.

Rule 4 of the Rules of Court of the Philippines provides:

Section 1. Venue of real actions.

Actions affecting title to or possession of real property, or interest therein, shall be commenced and tried in the proper court which has jurisdiction over the area wherein the real property involved, or a portion thereof, is situated.

Forcible entry and detainer actions shall be commenced and tried in the municipal trial court of the municipality or city wherein the real property involved, or a portion thereof, is situated.

Sec. 2. Venue of personal actions.

All other actions may be commenced and tried where the plaintiff or any of the principal plaintiffs resides, or where the defendant or any of the principal defendants resides, or in the case of a non-resident defendant where he may be found, at the election of the plaintiff.

Sec. 3. Venue of actions against non-residents.

If any of the defendants does not reside and is not found in the Philippines, and the action affects the personal status of the plaintiff, or any property of said defendant located in the Philippines, the action may be commenced and tried in the court of the place where the plaintiff resides, or where the property or any portion thereof is situated or found.

Kagaya ng reader ng E-Lawyers Online na nagtanong kung pwede siya magsampa ng collection for sum of money kahit siya ay nasa abroad o kaya ay ang umutang ay nasa abroad, pwede niya ito isampa sa Pilipinas kung saan matatagpuan ang residente niya o ng umutang.

Mayroon bang may utang sa iyo na hindi lalagpas sa halagang P100,000.00 na gusto mo singilin?

Hindi ka na ngayon gagastos ng malaki sa abogado para lamang masingil ang pautang mo na hindi lalagpas sa halagang P100,000.00 dahil meron na tayong “COURT OF SMALL CLAIMS.”

Ang Small Claims Court ay tinatag ng Supreme Court upang maging mabilis at matipid ang paniningil ng utang na hindi lalagpas sa ONE HUNDRED THOUSAND PESOS (P100,000.00). Under S.C. Administrative Matter No. 08-8-7 otherwise known as “Rule of Procedure for Small Claims Cases”, ang isang utang galing sa pagpapaupa, pagpapahiram ng pera, serbisyo na ginawa, bentahan, sanglaan, kapabayaan o kontrata na ang sinisingil ay hindi lalagpas sa P100,000.00 ay pwedeng isampa sa Metropolitan Trial Court – Court of Small Claims kung saan gagawa lang ng complaint ang naniningil at agad na pasasagutin ang umutang. Pagkatapos ng isang hearing ay magdedesisyon na agad ang korte sa kaso.

Nasa Section 17 din ng rules na ito na bawal ang mga lawyer sa ganitong kaso except kung ang lawyer mismo ang nagsampa o sinampahan ng kaso.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa utang o court of small claims, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


One Response

  1. Migz November 30, 2017

Leave a Reply