Sponsored Links
Advertisement

Pwede Bang Pilitin Ng Korte Ang Isang Tao Na Makisama Sa Asawa?


“PWEDE BANG PILITIN NG KORTE ANG ISANG TAO NA MAKISAMA SA KANYANG ASAWA SA IISANG BUBONG KUNG AYAW NA NIYA DITO?”

ANG KORTE AY WALANG KARAPATAN NA PILITIN ANG ASAWA NA MAKISAMA O TUMIRA SA IISANG BUBONG ANG MAG-ASAWA. WALANG BATAS NA NAGPIPILIT SA MAG-ASAWA NA MAGSAMA SA IISANG BUBONG DAHIL ANG KAGUSTUHAN NG PAGSASAMA NG MAG-ASAWA AY PARTE NG MALAYANG PAGPILI NG ISANG TAO NA HINDI PWEDENG DIKTAHAN NG KORTE.

Karaniwan mga tanong sa E-Lawyers Online ay ang legal remedy para pilitin ang kanilang asawa na bumalik sa bahay pagkatapos nilang maghiwalay o umalis ang bahay sa asawa. Meron bang batas na pwedeng gamitin upang pilitin ang asawa na makisama sa kanyang asawa? Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, nagkagalit po kami ng asawa ko dahil sa pakikialam ng mga kamag-anak ko sa buhay namin at nauwi po ito sa hiwalayan namin. Ngayon po ay nasa kabilang bayan na siya at may kasama nang iba at ayaw na niya bumalik sa amin. Pwede po ba akong humiling sa korte ng orderan siya na bumalik sa amin? Nagkausap po kami at sabi niya ay ayaw na talaga niya dahil sa tinamo niyang sakit sa pamilya ko. Ano po batas dito?”

Ayon sa Art. 68 ng Family Code ay nagsasabi na “the husband and wife are obliged to live together, observe mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support. Ngunit walang batas sa Family Code na nagbibigay ng parusa sa sinumang asawa na hindi tumupad sa obligasyon na magsama ang asawa sa iisang bubong.

Kung ayaw na ng asawa na makisama o tumira sa isang bahay kasama ang kanyang asawa, siya ay hindi pwedeng pilitin ng kahit sinuman. Walang batas o korte na nagpwepwersa sa isang asawa, na labag sa kanyang kalooban, na patuloy na makisama o tumira sa isang bahay kasama ang kanyang asawa. Sa isang Supreme Court case na Ilusorio vs. Ilusorio-Bildner (G.R. No. 139789 July 19, 2001 and G.R. No. 139808 July 19, 2001), dito sinabi ng Supreme Court na ang decision ng asawa na ayaw makisama sa kanyang asawa ay hindi sakop ng batas at kapangyarihan ng korte dahil ito ay depende sa malayang pagpili ng tao sa kanyang buhay. Ayon sa Supreme Court:

“When the court ordered the grant of visitation rights, it also emphasized that the same shall be enforced under penalty of contempt in case of violation or refusal to comply. Such assertion of raw, naked power is unnecessary.

The Court of Appeals missed the fact that the case did not involve the right of a parent to visit a minor child but the right of a wife to visit a husband. In case the husband refuses to see his wife for private reasons, he is at liberty to do so without threat of any penalty attached to the exercise of his right.

No court is empowered as a judicial authority to compel a husband to live with his wife. Coverture cannot be enforced by compulsion of a writ of habeas corpus carried out by sheriffs or by any other mesne process. That is a matter beyond judicial authority and is best left to the man and woman’s free choice.”

Ngunit kung ang dahilan ng hindi pagsasama sa iisang bubong ay dahil sa pagkakaroon ng ibang karelasyon ng asawa, ang natatanging remedy dito ay ang pagsasampa ng criminal case na adultery, concubinage o psychological abuse due to marital infidelity under R.A. 9262 pero hindi pa rin pwede pilitin ang asawa na makisama sa kanya sa iisang bubong.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa mga rights and obligation sa marriage at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply