Sponsored Links
Advertisement

Single Ka Ba Kung Hindi Naregister Sa NSO Ang Kasal Sa Abroad?


“SINGLE KA BA KUNG HINDI NAREHISTRO SA NSO ANG KASAL MO ABROAD? SINGLE KA BA KUNG HINDI MO BINAGO ANG STATUS MO SA GOVT. PAPERS KAHIT KASAL KA NA?”

ANG KASAL SA ABROAD NG ISANG FILIPINO AY VALID EXCEPT KUNG ITO INCESTOUS, BIGAMOUS O AGAINST PUBLIC POLICY AT ANG CIVIL STATUS NG ISANG TAO AY NABABAGO BILANG “MARRIED” AUTOMATICALLY SA MISMONG ARAW NG KANYANG KASAL AT HINDI ITO NAKADEPENDE SA PAGREREHISTRO SA NSO O PHILIPPINE STATISTICAL AUTHORITY O PAGPAPALIT NG STATUS SA MGA GOVERNMENT RECORDS. ANG KAWALAN NG MARRIAGE CONTRACT O MARRIAGE CERTIFICATE AY HINDI NAKAKAWALA NG BISA NG KASAL O GROUND SA ANNULMENT.

May nagtanong sa E-Lawyers Online tungkol sa naganap niyang kasal sa abroad na hindi narehistro sa NSO kung ito ba ay valid at kung pwede siyang magpkasal muli dahil wala namang record sa NSO. Ganito ang tanong niya:

“Attorney, nagpakasal po ako sa abroad and after 3 months po ay naghiwalay na kami pero hindi po narehistro sa NSO ang marriage contract namin. Valid po ba ang kasal namin at pwede po ba akong magpakasal muli?

Ang kasal ng isang Filipino sa abroad na hindi narehistro sa Philippine Consular Office o Embassy ay valid at ito ay ginagalang ng Pilipinas at ang civil status ng Filipino nagpakasal ay automatically na nababago bilang “married status” kahit hindi narehistro ang kasal sa NSO o PSA. Nasa Article 26, paragraph (1) of the Family Code of the Philippines which states: All marriages solemnized outside the Philippines, in accordance with the laws in force in the country where they were solemnized, and valid there as such, shall also be valid in this country, except those prohibited under Articles 35 (1), (4), (5) and (6), 36, 37 and 38. Sinasabi dito na kung ang kasal ay ginanap sa abroad o ibang bansa at valid yon sa ibang bansa, ang nasabing kasal ay valid din sa Pilipinas at ito ay may bisa sa batas ng Pilipinas. Ngunit kung ang kasal ay incestuous (pagitan ng magkamag-anak), bigamous (pangalawang kasal habang meron pang unang kasal), or void for reasons of morality or public policy (pagitan ng malapit na magkamag-anak).

Kahit sa abroad ikinasal ang isang Filipino, ang pagbabago ng kanyang civil status ay automatic dahil sa sinasabing “Nationality Doctrine”.┬áIto ay nasasaad sa Art. 15 ng New Civil Code “Laws relating to family rights and duties, or to the status, condition and legal capacity of persons are binding upon citizens of the Philippines, even though living abroad.” Ang ibig sabihin nito ay ang civil status ng isang Filipino na nasa abroad ay hindi mababago hanggat hindi mo ito binabago ng naayon sa batas ng Pilipinas, hindi sa batas ng ibang bansa. Ang pagbabago ng civil status ng isang Filipino ay automatic sa oras ng kanyang kasal at hindi niya kailangan na irehistro sa NSO o baguhin ang government records niya para lamang mabago ito.

Ang marriage contract o marriage certificate ay hindi mahalagang requirement para sa bisa ng isang kasal dahil hindi ito isang essential o formal requirement ng Family Code para maging mabisa ang isang kasal. Ganun din, ang pagbabago sa passport at iba pang government records ng civil status o ng surname ng babae ay hindi rin mahalaga dahil considered na married siya sa oras ng kasal niya. Kung kaya, ang kasal ng isang Filipino sa Pilipinas na hindi narehistro sa National Statistics Office (NSO) ay hindi maapektuhan ang bisa ng isang kasal. Ang marriage certificate ay isa lamang na ebidensiya ng isang kasal at marami pang ibang ebidensiya ng isang kasal tulad ng wedding pictures, video at mga testimoniya ng mga dumalo at mga witnesses.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa kasal at civil status, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply