Sponsored Links
Advertisement

Tagumpay


Tagumpay

(Ms. Lorna Miralpis)

Simula pa noon ako’y laging nangangarap,
Buhay maaliwalas sanay aking malasap,
Kaya’t pangingibang bansa naging sagot sa lahat,
Kahit kapalit man nito ay ibayong paghihirap.

Agam-agam sa puso’t isip laging kong kayakap,
Siniil ang matinding sakit pangungulila sa anak,
Nasa isip ko pangarap ay akatatak,
Ako’y magtitiis para sa tagumpay na aking pangarap.

Dito sa ibang bansa buhay ay di puro sarap,
Nagtitiis na lamang kinakaya ang lahat,
Umaasa sa himala buhay ay mababago ng ganap,
Subalit buhay na inaasam nanatiling pangarap.

Ngunit ako’y di tumigil at patuloy sa pagsisikap,
Nagsisilbing gabay Dios Amang Dakila,
Bagamat maraming pagsubok ito’y aking kinakaya,
Sapagkat aking pangarap ay abot kamay ko na.

Salamat sa Dios Amang Dakila ako’y kanyang iginiya,
Sa matuwid na landas na simula ay pinangarap ko na,
Bagamat mahirap ito’y aking kinaya,
Kaya’t TAGUMPAY na inaasam ay nakamit ko na!

 


One Response

  1. Lorna Miralpis November 9, 2017

Leave a Reply