Sponsored Links
Advertisement

Adultery

  • 1.1K
    Shares

 

“ATTY., MAKUKULONG PA RIN BA AKO FOR ADULTERY O SA PAGKAKAROON KO NG ANAK SA IBANG LALAKI KAHIT SIYA NAMAN ANG NAG-ABANDONA SA AKIN AT MATAGAL NA KAMI HIWALAY?

ANG ABANDONMENT NG ASAWANG LALAKI O MATAGAL NA HIWALAY AY HINDI DEPENSA SA KASONG ADULTERY O PAKIKIAPID NG ISANG BABAENG KASAL NGUNIT ITO AY PWEDENG GAMITIN PARA MAPABABA ANG HATOL NA KULONG SA KANILA. ANG ADULTERY O  PAKIKIAPID NG BABAE NA MAY ASAWA AY ISANG KRIMEN NA MAY PARUSANG KULONG. 

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung ang pag-abandona ng asawang lalaki ay malakas na depensa laban sa kasong adultery na sinampa sa asawang babae at kalaguyo niya. Ganito ang tanong nila:

“Atty., ako po ay matagal nang hiwalay at inabandona na ng asawa ko for 5 years, pwede ba na makasuhan ako at makulong kung ako ay buntis ngayon sa ibang lalaki? Pwede ko bang depensa na siya naman ang nang-iwan sa akin noong una pa lang?”

Ang “adultery” o pakikiapid ng asawang babae sa lalaking hindi niya asawa, kung saan alam ng lalaki na kasal ang babae, kahit na ang kasal ay madeclare ng korte na null and void. Ang isang sexual intercourse ay considered na isang count ng adultery kung kaya kung ilang beses ang sexual intercourse ay ganun din kadami ang count ng nasabing krimen. Kahit napawalang bisa ang kasal nila later on, ang babae ay pwede pa rin na mahatulan ng adultery ayon sa batas. Kung ang babae naman ay inabandona ng kanyang mister ng walang dahilan, ang parusa sa kanya ay mababa ng isang baytang. Ang pag-abandona ng mister sa misis ay hindi pwedeng gawin na depensa sa adultery at ganun din ang matagal na hiwalay ng mag-asawa ay hindi rin valid na defense sa adultery. Pwede lamang magamit ang abandonment ng husband para mapababa ang parusang kulong kung mapapatunayan ng asawang babae na ang pag-alis ng lalaki ay walang basehan o maayos na batayan.

Ang parusa ng adultery ay prision correcional (6 months – 6 years). Ang pagkakaroon ng anak ng isang babaeng kasal sa kanyang kabit ay agad matatawag na adultery dahil ang pagkakaroon ng anak sa kabit ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng sexual intercourse at ito ang pinaparusahan ng batas. Ganun din, ang adultery ay hindi ground sa annulment dahil hindi ito nakalagay sa Family Code bilang ground. Ang adultery at concubinage ay private crimes na ibig sabihin na hindi ito maiisampa sa korte kung wala ang kooperasyon ng asawang biktima.

Ayon sa Article 333 ng Revised Penal Code: Adultery is committed by any married woman who shall have sexual intercourse with a man not her husband and by the man who has carnal knowledge of her knowing her to be married, even if the marriage be subsequently declared void. Adultery shall be punished by prision correccional in its medium and maximum periods.

If the person guilty of adultery committed this offense while being abandoned without justification by the offended spouse, the penalty next lower in degree than that provided in the next preceding paragraph shall be imposed.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa adultery o annulment ng marriage at kailangan na dokumento dito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online


  • 1.1K
    Shares

Leave a Reply