Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Anti-Bouncing Checks Law?


OFW PO AKO NA NAGPAUTANG AT BAYAD SA AKIN AY TSEKE KASO HINDI KO PO NAHULOG AT NGAYON AFTER 8 MONTHS SAKA KO LANG NADEPOSIT AT TUMALBOG, PWEDE KO BA SIYA KASUHAN NG BOUNCING CHECKS LAW?”

ANG BINAYAD SA IYONG TSEKE AY KAILANGAN MO NA IDEPOSIT SA LOOB NG ANIM (6) BUWAN MULA SA PETSA NA NASA TSEKE. KUNG HINDI MO NADEPOSIT O NA-ENCASH ANG TSEKE SA BANKO SA LOOB NG 6 MONTHS AT ITO AY TUMALBOG, HINDI MO NA MASASAMPAHAN NG VIOLATION NG ANTI-BOUNCING CHECKS LAW O BATAS PAMBANSA BILANG 22 ANG NAGBIGAY NITO. 

Marami ngayon ang gumagamit na ng tseke bilang pambayad sa binibiling produkto o pambayad ng utang. Ngunit ang paggamit ng tseke o pagtanggap ng tseke bilang kabayaran ay dapat maingat. Ganito ang question ng isang reader:

“Atty., may umutang po sa akin kapalit ay tseke nya. After 1 month na dapat deposit ko na, tumawag siya na huwag muna at wala pondo, paulit-ulit na pakiusap na huwag muna hanggang umabot ng 1 year. Pwede ko pa rin ba ideposit at kasuhan ng BP 22?”

Alam nyo ba na ang binayad na tseke ay kailangan mo na ideposit sa loob ng anim (6) na buwan mula sa petsa na nasa tseke. Kung hindi nadeposito ang tseke sa loob ng anim (6) na buwan mula sa petsa na nasa tseke, ang tawag dito ay “stale check”.

Ano ba ang Stale Check? Ang Stale check ayon sa Act No. 2031 otherwise known as Negotiable Instrument Law ay ang hindi pagdeposit ng isang cheke ng mahigit na 180 days or o mahigit na six montns.

Under Section 186 of the Negotiable Instruments Law, a check must be presented for payment within a reasonable time after its issue or the drawer will be discharged from liability thereon to the extent of the loss caused by the delay.

Ang current banking practice, ang check ay nagiging stale after more than six (6) months, or 180 days. Ang tsekeng ito ay magiging walang halaga dahil sa hindi pagdeposit ng nakahawak nito ng matagal na panahon ayon sa Section 53 ng Act No. 2031. By current banking practice, a check becomes stale after more than six (6) months, or 180 days [Nagrampa vs. People, G.R. No. 146211. August 6, 2002 at G.R. No. 117857. February 2, 2001, LUIS S. WONG, Petitioner, v. COURT OF APPEALS and PEOPLE OF THE PHILIPPINES, Respondents]

Kung naging stale ang tseke at hindi ito nadeposit within 6 months mula sa petsa ng tseke, ang taong angbigay nito ay hindi na pwedeng sampahan ng kasong violation of Anti-Bouncing Checks Law o Batas Pambansa Bilang 22 kung sakaling tumalbog ito. Pero ang remedyo ng nakahawak ng cheke ay singilin ung taong gumawa ng cheke dahil ang utang nito ay hindi mawawala o mabubura dahil sa kapabayaan ng nakahawak nito. Pwede lang singilin ang tseke sa isang simpleng civil case for collection of sum of money.

Kung merong katanungan o gustong magkonsulta ukol sa kasong B.P. 22 o Stale check, visit www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

 


Leave a Reply