Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Epekto Kung Naparehistro Sa Birth Certificate Ng Bata Sa Hindi Niya Tunay Na Ama?


“ATTORNEY, ANO PO BA ANG EPEKTO KUNG IREHISTRO KO ANG BIRTH CERTIFICATE NG ANAK KO SA IBANG LALAKI AT NALAMAN ITO NG AKING ASAWA?”

ANG ADULTERY O PAGKAKAROON NG SEKSWAL NA RELASYON NG ISANG KASAL NA BABAE SA LALAKI NA HINDI NIYA ASAWA AY ISANG KRIMEN NA MAY PARUSANG KULONG KAHIT NA SA KALAUNAN AY MADECLARE NA NULL AND VOID ANG KASAL SA ISANG PROSESO NG ANNULMENT OF MARRIAGE. ANG PAGKAKAROON NG ANAK NG ISANG KASAL NA BABAE SA IBANG LALAKI O BIRTH CERTIFICATE NG ANAK SA IBANG LALAKI HABANG KASAL SIYA AY MALAKAS NA EVIDENCE NG KASONG ADULTERY.

ANG BIRTH CERTIFICATE NG ISANG BATA AY CONFIDENTIAL AT HINDI PWEDE BASTANG KUNIN NG WALANG UTOS NG KORTE NGUNIT KUNG ITO AY NAKUHA NG ISANG PRIBADONG TAO, ITO AY PWEDENG TANGGAPIN NG KORTE BILANG EBIDENSIYA.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ano ba ang maikakaso sa isang kasal na babae na nagkarelasyong sekswal sa isang lalaki na hindi niya asawa o nagkaanak siya sa isang lalaki na hindi niya asawa. Meron din nagtatanong kung ano ba ang malakas na evidence para kasuhan ang babaeing nakiapid. Meron din nagtanong kung pwede bang irehistro ang birth certificate ng anak sa ibang lalaki:

“Attorney, ano po ba ang epekto kung irehistro ko ang birth certificate ng anak ko sa ibang lalaki at nalaman ito ng aking asawa? Makakuha ba siya ng kopya nito? Magagamit niya ba ito sa korte laban sa akin?”

Ayon sa Article 333 ng Revised Penal Code, isang krimen kung ang isang kasal na babae ay nagkarelasyong sekswal sa isang lalaki na hindi niya asawa o nagkaanak siya sa isang lalaki na hindi niya asawa at ang tawag dito ay “adultery.” Ang “adultery” o pakikiapid ng asawang babae sa lalaking hindi niya asawa, kung saan alam ng lalaki na kasal ang babae, kahit na ang kasal ay madeclare ng korte na null and void. Ang isang sexual intercourse ay considered na isang count ng adultery kung kaya kung ilang beses ang sexual intercourse ay ganun din kadami ang count ng nasabing krimen.

Ang parusa ng adultery ay prision correcional o pagkakakulong ng 6 months and 1 day to 6 years. Ang pagkakaroon ng anak ng isang babae sa kanyang kabit ay agad matatawag na adultery dahil ang pagkakaroon ng anak sa kabit ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng sexual intercourse at ito ang pinaparusahan ng batas. Ang NSO birth certificate ng bata na pinanganak ng kasal na babae sa hindi niya asawa ay malakas na evidence ng kasong adultery dahil ito ay public record ng kanyang pag-anak sa isang bata galing sa hindi niya asawa. Ayon sa Art. 410 ng New Civil Code: “The books making up the civil register and all documents relating thereto shall be considered public documents and shall be prima facie evidence of the facts therein contained.” Ibig sabihin, ang mga nakalagay sa isang birth certificate ay mga primerang ebidensiya ng mga bagay na nakasulat doon. Kung nakasulat sa birth certificate na iba ang tatay ng bata at hindi ang tunay na asawa, ito ay sapat na ebidensiya ng adultery.

Ganun din, ang adultery ay hindi ground sa annulment dahil hindi ito nakalagay sa Family Code bilang ground. Ang adultery at concubinage ay private crimes na ibig sabihin na hindi ito maiisampa sa korte kung wala ang kooperasyon ng asawang biktima.

Pwede bang kumuha ng birth certificate ng bata ang mister at gamitin ito sa korte bilang evidence?

Sa Supreme Court case na Tolentino vs. Mendoza [A.C. No. 5151.  October 19, 2004], sinabi dito na pwedeng gamitin ang birth certificate na evidence kahit ito ay confidential in nature:

Rule 24, Administrative Order No. 1, series of 1993, which provides as follows:

Rule 24.  Non-Disclosure of Birth Records. –

(1)  The records of a person’s birth shall be kept strictly confidential and no information relating thereto shall be issued except on the request of any of the following:

a. the concerned person himself, or any person authorized by him;

b. the court or proper public official whenever absolutely necessary in administrative, judicial or other official proceedings to determine the identity of the child’s parents or other circumstances surrounding his birth; and

c. in case of the person’s death, the nearest of kin.

(2)  Any person violating the prohibition shall suffer the penalty of imprisonment of at least two months or a fine in an amount not exceeding five hundred pesos, or both in the discretion of the court. (Article 7, P.D. 603)

Section 3, Rule 128 of the Revised Rules on Evidence provides that “evidence is admissible when it is relevant to the issue and is not excluded by the law or these rules.”  There could be no dispute that the subject birth certificates are relevant to the issue.  The only question, therefore, is whether the law or the rules provide for the inadmissibility of said birth certificates allegedly for having been obtained in violation of Rule 24, Administrative Order No. 1, series of 1993.

Note that Rule 24, Administrative Order No. 1, series of 1993 only provides for sanctions against persons violating the rule on confidentiality of birth records, but nowhere does it state that procurement of birth records in violation of said rule would render said records inadmissible in evidence.  On the other hand, the Revised Rules of Evidence only provides for the exclusion of evidence if it is obtained as a result of illegal searches and seizures.  It should be emphasized, however, that said rule against unreasonable searches and seizures is meant only to protect a person from interference by the government or the state.In People vs. Hipol, we explained that:

The Constitutional proscription enshrined in the Bill of Rights does not concern itself with the relation between a private individual and another individual. It governs the relationship between the individual and the State and its agents. The Bill of Rights only tempers governmental power and protects the individual against any aggression and unwarranted interference by any department of government and its agencies.  Accordingly, it cannot be extended to the acts complained of in this case. The alleged “warrantless search” made by Roque, a co-employee of appellant at the treasurer’s office, can hardly fall within the ambit of the constitutional proscription on unwarranted searches and seizures.

Consequently, in this case where complainants, as private individuals, obtained the subject birth records as evidence against respondent, the protection against unreasonable searches and seizures does not apply.”

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa adultery o annulment ng marriage at kailangan na dokumento dito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply