Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Ibig Sabihin Ng “Indigency” Test?


“ATTY., PAANO PO BA MAKAKAKUHA NG LIBRENG SERBISYO SA PAO O PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE? KAHIT PO BA MAY TRABAHO AKO AY PWEDE AKO SA PAO? ANO DAW BA YONG “INDIGENCY TEST”?” 

ANG PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE (PAO) AY PWEDE LAMANG MAGBIGAY NG LIBRENG SERBISYONG LEGAL PARA SA MGA MAHIHIRAP NA MAY KASO O “INDIGENT LITIGANT” NGUNIT KAILANGAN PATUNAYAN NA MAY LABAN ANG KANYANG KASO AT SIYA AY TOTOONG MAHIRAP NA WALANG PAMBAYAD AT SIYA AY PUMASA SA SINASABING “INDIGENCY TEST”. ANG INDIGENCY TEST AY ANG QUALIFICATION NG ISANG TAO NA ANG SWELDO O KITA NIYA KASAMA NG KANYANG ASAWA O MGA ANAK O MAGULANG AY HINDI LALAMPAS SA MGA MONTHLY INCOME BRACKET NA TINAKDA NG BATAS.

Kahit sino ba ay pwedeng makakuha ng libreng aboagdo sa Public Attorney’s Office (PAO)? Ito ang laging question ng mga reader ng E-Lawyers Online at mga tanong tungkol sa mga requirement para dito. Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Ako po atty ay may sarili bahay, maliit na negosyo at ang asawa ko ay simpleng empleyado lamang. May nagsampa po ng kaso sa akin sa utang sa credit card, pwede ba ako sa PAO?”

“Hello po atty. Isa po ako OFW sa Qatar at single parent na po ako at gusto ko na magpa-annul ng kasal. Tatangapin po ba ako ng PAO?”

Ang Republic Act No. 9406 otherwise known as the Public Attorney’s Office Law ang batas na nagbibigay ng mandato sa Public Attorney’s Office (PAO) na magbigay ng libreng serbisyong legal sa mahihirap na tao. Ito ay isang ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng libreng serbisyo ng abogado sa mahihirap na may kaso sa korte at iba pang administratibong kaso. Ang kanilang libreng serbisyo ay pwede lamang ibigay sa mga Filipinong mahirap. Kung kaya ang sinuman na mag-apply o humingi ng kanilang libreng serbisyo ay kailangan magpaqualify muna sa PAO office kung saan sila ay residente. Ang free legal service ng PAO ay para lamang sa mga qualified na mga tao na tinatawag na “indigent litigant”. Hindi lahat ng gustong mag-avail ng PAO services ay mabibigyan ng free legal service. Kailangan po na siya ay makapasa sa “indigency test”. Ayon sa Rule VI ng Implementing Rules and Regulation ng R.A. 9406 (PAO Law), kailangan ay makapasa ang taong nag-apply para sa free legal service ng PAO sa INDIGENCY TEST.

Nasa Section 23 ng Rule VI ang INDIGENCY TEST, kung saan ang isang aplikante sa PAO ay matatawag na “indigent” o “mahirap” kung ang family net income does not exceed (P14,000.00) Fourteen Thousand Pesos a month kung nakatira sa Metro Manila o ang family net income does not exceed (P13,000.00) Thirteen Thousand Pesos a month sa ibang siyudad/cities; o ang family net income does not exceed (P12,000.00) Twelve Thousand Pesos a month sa iba pang lugar.

Paano mo macocompute ang family net income mo?

Kunin mo ang lahat ng income na natatanggap ng immediate family sa trabaho at negosyo kung meron man, which means, ang iyong asawa o anak na kasama mo sa bahay, kung saan bawas na ito ng mga deductions na taxes, SSS/GSIS, Philhealth at Pag-Ibig. Ang matitira na income pagkatapos na bawasan na ito ng mga taxes, SSS/GSIS, Philhealth at Pag-Ibig ang tinatawag na “family net income”.

Ang pag-aari ng lupa at bahay ay hindi magdidisqualify sa aplikante para sa free legal services ng PAO. Pero kung may lupa at bahay ang tao na mas malaki ang halaga sa P300,000.00 hindi siya pwedeng maging exempted sa filing fees Ayon sa Section 19 of Rule 141 ng Rules of Court, to wit:

SEC. 19. Indigent litigants exempt from payment of legal fees.INDIGENT LITIGANTS (A) WHOSE GROSS INCOME AND THAT OF THEIR IMMEDIATE FAMILY DO NOT EXCEED AN AMOUNT DOUBLE THE MONTHLY MINIMUM WAGE OF AN EMPLOYEE AND (B) WHO DO NOT OWN REAL PROPERTY WITH A FAIR MARKET VALUE AS STATED IN THE CURRENT TAX DECLARATION OF MORE THAN THREE HUNDRED THOUSAND (P300,000.00) PESOS SHALL BE EXEMPT FROM PAYMENT OF LEGAL FEES.

The legal fees shall be a lien on any judgment rendered in the case favorable to the indigent litigant unless the court otherwise provides.

To be entitled to the exemption herein provided, the litigant shall execute an affidavit that he and his immediate family do not earn a gross income abovementioned, and they do not own any real property with the fair value aforementioned, supported by an affidavit of a disinterested person attesting to the truth of the litigants affidavit. The current tax declaration, if any, shall be attached to the litigants affidavit.

Any falsity in the affidavit of litigant or disinterested person shall be sufficient cause to dismiss the complaint or action or to strike out the pleading of that party, without prejudice to whatever criminal liability may have been incurred.”

Ang aplikante ay kailangan mag-submit ng Affidavit of Indigency at magsubmit ng latest Income Tax Return, or pay slip, or other proofs of income; or Certificate of Indigency from the Department of Social Welfare and Development, its local District Office, or the Municipal Social Welfare and Development Office kung saan ka nakatira at Certificate of Indigency from the Chairman of the barangay kung saan ka nakatira.

Kung nakapasa ang aplikante sa dalawang test na “indigency test” at “merit test”, sila ay bibigyan ng free legal service ng PAO at sila din ay exempted from payment of filing/docket and other fees incidental to instituting an action in court and other quasi-judicial bodies. Kung hindi nakapasa sa indigency test ang applicant, hindi siya pwedeng i-represent ng PAO. Ito ang mga hindi pwedeng i-represent ng PAO sa korte:

  1. Juridical persons; except those juridical entities which are non-stock, non-profit organization whose individual members will pass the indigency test of the office, provided their cases involve land disputes and that they are not the lessor thereof;
  2. Parties who do not pass the Merit and Indigency Tests, unless appointed as counsel de oficio in criminal cases only under existing laws, rules and regulations;
  3. Parties represented by de parte counsel; and
  4. Landlords of residential lands and building with respect to the filing of collection or unlawful detainer suits against their tenants.
  5. Those cases with conflic of interest where the other party was already represented by PAO.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa PAO Law at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply