Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Ibig Sabihin Ng “No Return, No Exchange” Policy?


 

“ATTY., TAMA BA YONG ONLINE SELLER NA HINDI AKO PAYAGAN NA I-REFUND ANG BINILI KO DAHIL AYAW KO SA KULAY AT DESIGN NG BINILI KO, DI BA BAWAL PO ANG “NO RETURN, NO EXCHANGE POLICY?”

“HELLO, ATTY, IF NAGBAGO AKO NG ISIP SA BINILI KO, PWEDE KO BA IBALIK AT IREFUND ANG BAYAD KO?”

ANG PAGBABAGO NG ISIP O PAGKAKAMALI SA PAGPILI NG KULAY O DESIGN SA PRODUKTONG NABILI AY HINDI SAPAT NA DAHILAN SA BATAS UPANG IBALIK O I-REFUND ANG BINAYAD SA PRODUKTO KUNG WALA ITONG DEPEKTO. ANG “NO RETURN, NO EXCHANGE POLICY” SA PAGBILI NG PRODUKTO SA TINDAHAN AY PINAGBABAWAL NG CONSUMER ACT OF THE PHILIPPINES NGUNIT ANG KARAPATAN O RIGHT NG CONSUMER NA IBALIK (RETURN) O IPALIT (EXCHANGE) ANG PRODUKTO NA NABILI SA TINDAHAN AY APPLICABLE LAMANG KUNG MAY DEPEKTO ITO AT HINDI ITO APPLICABLE KUNG NAGBAGO LAMANG ANG ISIP NG BUMILI.

Marami ang nagtatanong kung may karapatan ba ang isang consumer na i-refund ang payment niya dahil nagbago na ang isip niya at ayaw na niya sa produkto. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., may binili po ako damit pero yong kaibigan ko bumili din at pareho kami, nagbago na isip ko na suotin, pwede ko ba ibalik o iparefund?”

Ang pagbabawal sa “No Return, No Exchange Policy” sa mga tindahan ay applicable lamang sa mga depektibong produkto at hindi applicable sa sitwasyon na nagbago lamang ang isip ng consumer. Alam nyo ba na sa Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 7394, or the Consumer Act of the Philippines, specifically Title III, Chapter I, Rule 2, Section 7 of Department Administrative Order (DAO) No. 2, series 1993, ang mga salitang “No Return, No Exchange” ay pinagbabawal na ilagay sa mga kontrata, resibo at bilihan o anumang dokumento sa anumang tindahan o establisyemento pangkalakal. Ang pagbabawal na ito ay upang ipaalam sa mga consumer na meron tayong right o karapatan sa batas na ibalik ang depektibong produkto o sub-standard na produkto laban sa nagtitinda nito. Ang karapatan na ibalik o ipalit a


Leave a Reply