Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Karapatan Habang Nasa Police o Military Checkpoint?


“ANO ANG IYONG KARAPATAN HABANG NASA POLICE O MILITARY CHECKPOINT?”

ANG SINUMANG TAO AY MAY KARAPATAN SA ATING 1987 KONTITUSYON LABAN SA HINDI MAKATWIRANG PAGSASALIKSIK AT PAGKUMPISKA SA ATIN AT SA ATING MGA KAGAMITAN (UNREASONABLE SEARCH AND SEIZURE) DAHIL ANG POLICE O MILITARY AY REQUIRED SILA NA KUMUHA MUNA SILA NG SEARCH WARRANT.

ANG MILITARY O POLICE CHECKPOINT AY ISA SA EXCEPTION KUNG SAAN PWEDE SILANG MAGSALIKSIK (SEARCH) AT MAGKUMPISKA (SEIZURE) KAHIT WALANG SEARCH WARRANT KUNG MAY NAKITA SILANG LABAG SA BATAS DITO NGUNIT KAILANGAN NILANG GAWIN ITO NG NAAYON SA BATAS. ANG POLICE O MILITARY CHECKPOINT AY LIMITADO LAMANG SA “VISUAL SEARCH” AT HINDI PWEDE SA “EXTENSIVE SEARCH” O “MALAWAKANG PAGSASALIKSIK NG SASAKYAN”. 

Tuwing nalalapit ang election at tuwing may report ng carnapping o pagnanakaw ng motor, marami ang nakakaranas na dumaan sa kalye na merong police o military checkpoint. Dapat natin na alamin ang ating karapatan at maging vigilant upang hindi ito ma-abuso ng police o militar. Ganito ang naranasan ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., legal ba pagkumpiska sa swiss army knife ko na nakita sa trunk ng kotse ko habang nasa checkpoint?”

“Atty., nakamotor po ako at kumpleto naman sa gear ngunit after na ako ay pinatigil sa checkpoint at binigay ko ang papeles ng motor ko, pinilit na bulatlatin ng pulis ang aking back pack ng wala akong permiso at nalaglag ang laptop ko dahil dito. May right ba ako na hindi pumayag sa pagbulatlat ng bag ko?”

Bilang mamamayan ng Pilipinas, dapat alam natin ang ating mga karapatan sa ilalim ng ating 1987 Constitution, lalong lalo na ang mga karapatan natin na pantao katulad ng constitutional guarantee against unreasonable searches and seizures (Section 2, Article III, 1987 Constitution).

“Section 2. The right of the people to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose shall be inviolable, and no search warrant or warrant of arrest shall issue except upon probable cause to be determined personally by the judge after examination under oath or affirmation of the complainant and the witnesses he may produce, and particularly describing the place to be searched and the persons or things to be seized.”

Ang sinumang tao ay may karapatan sa ating 1987 Constitution laban sa hindi makatwirang pagsasaliksik at pagkumpiska sa atin at sa ating mga kagamitan ng mga police at military. As a general rule, ang police at military ay kailangan kumuha muna ng search warrant sa korte bago nila masearch and seizure ang isang tao at kanilang kagamitan o sasakyan. Kung wala silang search warrant, anumang evidence ang nakuha sa tao ay hindi tatanggapin ng korte bilang evidence for being a fruit of poisonous tree.

Isa sa mga exception na hindi na kailangan kumuha muna ng search warrant sa korte bago nila masearch and seizure ang isang tao at kanilang kagamitan o sasakyan ay ang military o police checkpoint. Kung nahuli ang isang tao at may nakumpiska sa kanyang evidence na labag sa batas habang siya ay na-search sa isang checkpoint, ang nasabing pag-aresto o pagkumpiska sa evidence ay pwedeng gamitin laban sa kanya sa korte at ito ay tatangapin ng korte. Ngunit, merong sampung (10) checkpoint rules ayon sa DOJ Advisory Opinion No. 1, Series of March 24, 2011 ang dapat sundin ng military o police para maging legal ang isang checkpoint:

1. Ang checkpoint ang kailangan na well-lighted, properly identified at lahat ng nandito na police o military ay uniformed personnel o naka uniporme.

2. Pag dumaan sa checkpoint, slow down, dim headlights and turn on cabin lights. Never step out of the vehicle o huwag lumabas ng sasakyan.

3. Lock all doors. Only visual search is allowed.

4. Do not submit to a physical or bodily search o huwag magpasaliksik ng katawan o magpakapkap ng katawan.

5. You are not obliged to open glove compartment, trunk or bags. Wala kang obligasyon na magbukas ng mga compartment, likod ng sasakyan at mga dalang bags.

6. Ang military o police ay pwedeng magtanong ng mga ordinaryo o routine questions. Maging magalang sa pagsagot ngunit diretsong sagot.

7. Panindigan ang iyong karapatan sa 1987 Constitusyon, have presence of mind and do not panic.

8. Palagiing dalhin hawak agad ang driver’s license and car registration.

9. Be ready to use your cellphone at anytime. Speed dial emergency number.

10. Report violations immediately. Your actions may save others.

Kung ang mga guidelines/rules na ito ay hindi nasunod sa isang checkpoint, ang anumang evidence na nakumpiska sa tao ay hindi tatanggapin ng korte bilang evidence for being a fruit of poisonous tree at hindi pwedeng gamitin sa anumang proceeding sa korte bilang evidence.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa unreasonable search and seizure, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply