Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Parusa Sa Pakikiapid?


“ANO ANG PARUSA SA ISANG LALAKING KASAL NA NAKIKIAPID SA IBANG BABAE NA HINDI NIYA ASAWA? ANO ANG PARUSA SA MISTRESS?”

ANG CONCUBINAGE O PAGKAKAROON NG SEKSWAL NA RELASYON NG ISANG KASAL NA LALAKI SA BABAE NA HINDI NIYA ASAWA AT PAGBABAHAY DITO AY ISANG KRIMEN NA MAY PARUSANG KULONG SA LALAKI AT DESTIERRO O PAGBABAWAL SA BABAENG KABIT NA PUMUNTA SA LUGAR NG PAMILYA NG LALAKI.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung pwede ba nila ipakulong ang kabit ng kanilang mister. Ganito ang mga tanong nila:

“Atty., pwede ko ba ipakulong ang kabit ng mister ko na binabahay niya ngayon sa napundar namin na bahay?”

“Ano po Atty. ang pwedeng ikaso sa mistress para makulong siya?”

Ayon sa Article 334 ng Revised Penal Code – Concubinage. – Any husband who shall keep a mistress in the conjugal dwelling, or shall have sexual intercourse, under scandalous circumstances, with a woman who is not his wife, or shall cohabit with her in any other place, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods. The concubine shall suffer the penalty of destierro.

Ang concubinage o pakikiapid ng isang kasal na lalaki sa ibang babae ay isang krimen kung saan ang pinaparusahan ay ang kanyang pagbabahay sa kabit sa mismong bahay ng mag-asawa, o pagkakaroon ng eskandalosong sekswal na relasyon sa kabit o pagbabahay sa ibang lugar kung saan sila ay nagpapakilala na legal husband and wife. Ang mahalagang evidence ng concubinage ay ang picture o video kung saan makikita na ang lalaki at ang kanyang kabit ay magkasama sa isang bahay at mga witnessess na magtetestify tungkol sa kanilang pagsasama.

Ang pagkakaroon ng anak sa ibang babae ay hindi nangangahulugan ng kasong concubinage. Kung kaya ang pagkakaroon ng anak sa ibang babae ay hindi agad matatawag na concubinage dahil hindi ang pagkakaroon ng anak sa kabit pinaparusahan ng batas kundi ang pagbabahay ng kabit. Ganun din, ang concubinage ay hindi ground sa annulment dahil hindi ito nakalagay sa Family Code bilang ground. Ang adultery at concubinage ay private crimes na ibig sabihin na hindi ito maiisampa sa korte kung wala ang kooperasyon ng asawang biktima.

Ang parusa ng lalaki ay prision correcional o pagkakakulong ng 6 months and 1 day to 6 years ngunit ang parusa sa kabit ay destierro o pagpapapaalis o pagbabawal sa kanya na pumunta sa municipality kung saan nandoon ang pamilya ng lalaki o babaeng asawa. Samakatuwid, ang kabit ay hindi makukulong.

Art. 87. Destierro. — Any person sentenced to destierro shall not be permitted to enter the place or places designated in the sentence, nor within the radius therein specified, which shall be not more than 250 and not less than 25 kilometers from the place designated.

Ano ba ang “destierro”? Ito ay parusa sa mistress na hindi siya makukulong ngunit siya ay pinagbabawalan na pumunta sa lugar ng pamilya ng asawang babae o lalaki. Ang tawag dito ay “banishment or only a prohibition from residing within the radius of twenty (25) kilometers from the actual residence of the accused for a specified length of time.”[Uy Chin Hua vs. Dinglasan, G.R. No. L-2907, 30 June 1950] “A penalty in a criminal case wherein the accused is precluded from entering the place or places designated in the sentence, or within the radius therein designated, which shall include a distance of 25 kilometers at least, and 250 kilometers at most, from the place designated.”[Legarda vs. Valdez, G.R. No. 513, 25 February 1902]

Although destierro does not constitute imprisonment (which is a typical example of deprivation of liberty), it is nonetheless a deprivation of liberty.[People vs. Bastasa, G.R. No. L-32792, 2 February 1979]

Kung walang ebidensiya na binabahay ang mistress sa bahay nila o nagkaroon ng sexual intercourse under scandalous circumstances, pwede pa rin na kasuhan ang mister kung paulit-ulit ang pambababae. Alam nyo ba na ang repeated marital infidelity ng isang lalaki o paulit-ulit na pambababae ay maituturing na isang krimen na psychological abuse or psychological violence under R.A. 9262. Ang Republic Act 9262 or the “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004” ay nagdefine sa psychological violence ay anumang gawain ng lalaki na nagdudulot ng mental or emotional suffering sa babae katulad ng intimidation, harassment, stalking, damage to property, public ridicule or humiliation, repeated verbal abuse o pagmumura at MARITAL INFIDELITY o pambababae x x x.

Sa kasong psychological abuse by reason of marital infidelity, pwedeng kasuhan ang mistress at siya ay pwedeng makulong bilang principal by direct participation.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa concubinage o annulment ng marriage at kailangan na dokumento dito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply