Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Parusa Sa Pambabastos Sa Pagkanta ng Pambansang Awit?


 

“ANO ANG PARUSA SA PAMBABASTOS SA PAGKANTA NG PAMBANSANG AWIT?”

ANG PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS AY DAPAT IGALANG NG BAWAT TAO, FILIPINO MAN O BANYAGA HABANG ITO AY INAAWIT O PINAPATUGTOG SA ISANG PUBLIC GATHERING AT ANG HINDI PAGTAYO O PAMBABASTOS NG SINUMANG TAO HABANG ITO AY INAAWIT O PINAPATUGTOG AY ISA ITONG KRIMEN NA MAY PARUSANG FINE AT KULONG UNDER REPUBLIC ACT NO. 8491.

Marami ang hindi nakakaalam sa atin na may batas na nagbibigay ng alituntunin sa atin tungkol sa panggalang o pagrespeto sa ating bandila at pambansang awit. Ang iba ay hindi ito alam at ang kawalan ng kaalaman dito ay pwedeng magdulot ng kapahamakan. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., tama po ba ginawa sa amin ng guard na sapilitan kaming pinalabas sa sinehan ng hindi kami tumayo ng mag “Bayang Magiliw”? May batas po ba tungkol dito dahil alam namin ay wala po as long as hindi ka maingay?”

Ang pambansang bandila at pambansang awit ng Pilipinas ay isa sa mahalagang simbolo ng ating bansa na dapat irespeto at bigyang galang dahil ito ay parte ng ating pagkabansa. Ang Republic Act No. 8491 otherwise known as the “Flag and Heraldic Code of the Philippines” ay ang batas na nagbibigay sa atin ng mga alituntunin tungkol sa panggalang o pagrespeto sa ating bandila at pambansang awit. Karaniwan na hindi dito nasusunod ay ang paggalang sa pambansang awit na “LUpang Hinirang” kung saan ang ibang tao ay hindi tumatayo habang ito ay inaawit o pinapatugtog. Ang ganitong gawain ay paglabag sa Section 38 ng R.A. 8491 na may parusang kulong at fine.

SECTION 38. When the National Anthem is played at a public gathering, whether by a band or by singing or both, or reproduced by any means, the attending public shall sing the anthem. The singing must be done with fervor.

As a sign of respect, all persons shall stand at attention and face the Philippine flag, if there is one displayed, and if there is none, they shall face the band or the conductor. At the first note, all persons shall execute a salute by placing their right palms over their left chests. Those in military, scouting, citizen’s military training and security guard uniforms shall give the salute prescribed by their regulations. The salute shall be completed upon the last note of the anthem.

The anthem shall not be played and sung for mere recreation, amusement or entertainment purposes except on the following occasions:

a. International competitions where the Philippines is the host or has a representative;

b. Local competitions;

c. During “signing off” and “signing on” of radio broadcasting and television stations;

d. Before the initial and last screening of films or before the opening of theater performances; and

e. Other occasions as may be allowed by the Institute.

Kung ang mga provision ng batas sa R.A. 8491 ay nilabag, ito ay may kaukulang parusa sa Section 50:

SECTION 50. Any person or judicial entity which violates any of the provisions of this Act shall, upon conviction, be punished by a fine of not less than Five thousand pesos (5,000.00) not more than Twenty thousand pesos (P20,000.00), or by imprisonment for not more than one (1) year, or both such fine and imprisonment, at the discretion of the court: Provided, That for any second and additional offenses, both fine and imprisonment shall always be imposed: Provided, That in case the violation is commited by a juridical person, its President or Chief Executive Officer thereof shall be liable.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa batas na ito at kailangan na dokumento dito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply