Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Pwedeng Isampang Kaso Sa Taong Patagong Nagvideo?


“ATTORNEY, ANO PWEDE KO ISAMPANG KASO SA TAONG NAGVIDEO SA AKIN HABANG NABIBIHIS AKO NA EXPOSE ANG PRIVATE PARTS KO?”

ANG PAGKUHA NG PICTURE O VIDEO NG SEXUAL ACT O MAY KAHALONG SEXUAL CONTEXT O PRIVATE AREA NG ISANG TAO AGAINST HIS/HER CONSENT O HINDI NIYA NALALAMAN AY ISANG KRIMEN AT PINAPARUSAHAN NG KULONG NA TATLO (3) HANGGANG PITONG (7) TAON SA BATAS NA TINATAWAG NA “ANTI-PHOTO AND VIDEO VOYEURISM LAW” O REPUBLIC ACT NO. 9995.

“Attorney, isa po akong college student na nakatira sa dorm. May kasama po ako sa room at palihim ako kinunan ng video habang nagbibihis ako at kita ang aking private parts. Tapos po ito pinang-aasar sa akin sa dorm. Hiyang hiya na po ako at ayaw niya idelete ang video. An po ba pwede ko isampang kaso?”

Marami ang may karanasan na magkaroon ng kakilala at kalaunan ay magkarelasyon sa Facebook. Ngunit habang lumalalim ang kanilang relasyon ay nagkakaroon ng pagkakataon na makuha ang tiwala ng karelasyon at kalaunan ay makuha ang mga picture at video niya na nakahubad o mapang-akit. Kung minsan, ito ay ginagamit pang-blackmail, panghihiya o pangganti laban sa may-ari ng picture. Alam nyo ba na ang ganitong gawain ay isang krimen?

Ang pag-kuha ng picture o video nang isang sexual act o act na may sexual context o ang private parts ng isang tao tulad ng puwet, suso o pubic area, kahit may panty o iba pang undergarments, ng walang pahintulot ng nasabing tao na nasa sirkumstansiya kung saan inaakala niya na siya ay nasa pribadong lugar, ay isang krimen na pinaparusahan sa Anti-Photo and Video Voyeurism Law o Republic Act No. 9995. Hindi mahalaga dito kung ang nasabing tao na nasa photo o video ay pumayag na mapicture-an o makuhanan ng video dahil ang pagkuha nito lang ay siyang pinaparusahan ng batas. Bukod dito, ang mere broadcast or publication ng photo o video sa internet, cellphone at iba pa ay pinaparusahan na ng batas. Ang parusa dito ay imprisonment of not less that three (3) years but not more than seven (7) years, or a fine of not less than P100,000 but not more than P500,000, or both.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa Anti-Photo and Video Voyeurism Law o Republic Act No. 9995, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply