Sponsored Links
Advertisement

Ano Ang Tinatawag Na Underage Marriage?


“ANO ANG TINATAWAG NA “UNDERAGE MARRIAGE” BILANG GROUND PARA MAPAWALANG BISA ANG KASAL? ANO ANG LEGAL NA EDAD PARA MAGING VALID ANG ISANG KASAL.

ANG AGE OF MAJORITY O ANG LEGAL NA EDAD UPANG MAKAPAG KONTRATA O MAGPAKASAL NG MAY BISA AY EIGHTEEN YEARS OLD UNDER REPUBLIC ACT NO. 6809. ANG LEGAL NA EDAD PARA MAGING VALID ANG ISANG KASAL AY DAPAT EKSAKTONG 18 YEARS OLD ANG IKAKASAL. ANG KASAL NG ISANG TAO NA BELOW 18 YEARS OLD KAHIT MAY PARENTAL CONSENT/PAGPAYAG NG MAGULANG O KASAL NG ISANG TAO NA BELOW 18 YEARS OLD NGUNIT NILAGAY SA MARRIAGE CONTRACT NA SIYA AY 18 YEARS OLD NA AY ISANG VOID MARRIAGE NA PWEDENG IPAWALANG BISA SA KORTE.

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung ang kasal daw niya ay may bisa dahil 18 years old siya na kinasal at kung ito ba ang tinatawag na “underage marriage”. Ganito ang tanong niya:

“Attorney, nabuntis po ako habang nasa college at pinaksal ako na pareho kami 18 years old. After 3 years po ay hiniwalayan ko siya at nakakilala ng aking mamahalin. Pwede ko po ba gamitin ground sa annulment of marriage na bata pa ako dahil underage ako ng magpakasal?”

Nasa Republic Act No. 6809, pinababa ng batas ang age of majority sa 18 years of age, mula sa 21 years of age na dati nakalagay sa New Civil Code.

“Art. 234.Emancipation takes place by the attainment of majority. Unless otherwise provided, majority commences at the age of eighteen years.”

Ibig sabihin nito, ang isang Filipino na 18 years old ay pwede nang magpakasal, makipagkontrata, bomoto at gumawa ng mga civil acts with full legal effect. Ngunit ang kasal ng isang tao na below 18 years old kahit sila ay binigyan ng parental consent o pinayagan ng mga magulang na makasal ay isang void marriage at pwedeng ipa-annul sa korte. Gayundin kung ang kasal ng isang tao na below 18 years old kung saan pinalabas niya sa marriage contract niya na siya ay 18 years old or pataas ay isang ring void marriage at pwedeng ipa-annul sa korte.

Ayon sa Article 5 ng Family Code, “any male or female of the age of eighteen years or upwards not under any of the impediments mentioned in Articles 37 and 38, may contract marriage.” Ang age ay batayan ng legal capacity ng mga kinasal at isa ito sa mga essential requirement upang may bisa ang kasal at kung wala sa hustong edad ang mga kinasal, ang kanilang pinasukang kasal ay walang bisa na dapat ipa-annul sa korte. Kahit merong pagpayag ang mga magulang, ang kasal na ganito ay walang bisa dahil hindi pwedeng maremedyuhan ang kawalan ng legal capacity ng pagpayag ng magulang sa kasal.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa tamang pagpapakasal at kailangan na mga dokumento nito o sa tamang proseso ng annulment, register at my website atĀ www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang linkĀ http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply