Sponsored Links
Advertisement

Ano Ba Ang Tinatawag Na Hearsay, Pwede Ba Itong Magamit sa Korte?


“ATTY., ANO BA ANG TINATAWAG NA HEARSAY? PWEDE BA MAGAMIT ITO SA KORTE BILANG EBIDENSIYA?”

ANG HEARSAY EVIDENCE O EBIDENSIYA MULA SA SABI-SABI NG ISANG TAO NA WALANG PERSONAL NA KAALAMAN SA PANGYAYARI AY HINDI TINATANGGAP SA KORTE O SA ANUMANG SANGAY NG PAMAHALAAN DAHIL ITO AY WALANG BIGAT NA EBIDENSIYA AT HINDI PWEDENG GAWING SUPORTA SA ANUMANG PARATANG SA ISANG TAO SA KORTE.

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung ano ba ang tinatawag na hearsay. Ano nga ba ang hearsay at gaano ang bigat na ito bilang ebidensiya sa korte? Ganito ang tanong ng reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., lagi ko napapanood sa TV at sa mga kasuhan ang salitang hearsay. Ito rin ang sinabi sa akin ng kalaban ko kasuhan ko siya ng paninirang puri kung saan may nakapagsabi sa akin na sinisiraan niya ako sa maraming tao. HIndi ko po talaga narinig ang paninira niya pero may hinala po ako na totoo yon. Pwede po ba tanggapin sa korte ang paratang ko?”

Ang korte ay tumatanggap lang ng ebidensiya galing sa testimonya ng isang testigo kung ang testimonya niya ay galing sa kaniyang personal na kaalaman o galing sa personal na pandinig, pagkakakita, pagkakaamoy o pagkakaramdam. Dapat ay personal niya na nasaksihan ang pangyayari. Kung kaya, kung ang testimoniya ay galing sa pandinig, pagkakakita, pagkakaamoy o pagkakaramdam ng ibang tao at hindi siya mismo ang nakakita, nakarinig, nakaamoy o nakaramdam, ang tawag dito ay hearsay. Ang hearsay evidence sa madaling salita ay tsismis. Ang rule sa ebidensiya sa mga testimoniya ng tao na isang hearsay ay hindi ito pwedeng tanggapin ng korte. Ito ay naayon sa SEction 36, Rule 128 ng Rules of Court:

PART IV- RULES OF EVIDENCE: RULE 128

Sec. 36.Testimony generally confined to personal knowledge; hearsay excluded. — A witness can testify only to those facts which he knows of his personal knowledge; that is, which are derived from his own perception, except as otherwise provided in these rules. (30a).

Ano ba ang bigat ng ebidensiyang hearsay o sabi-sabi?

Ayonsa Supreme Court, ang hearsay evidence ay walang bigat o hindi binibigyan ng bigat ng korte bilang ebidensiya. In short, ito ay ebidensiyang walang silbi na walang gamit sa korte upang patunayan ang isang paratang o akusasyon.

Hearsay evidence, whether objected to or not, has no probative value as the affiant could not have been cross-examined on the facts stated therein.
Dahil ito ay sabi-sabi lang, ang hearsay evidence ay hindi binibigyan ng bigat dahil hindi mabibigyan ng pagkakataon ang inakusahan o pinaratangan na tao sa korte na tanungin o icross-examine ang tao na talagang nagsabi nito. Dahil dito, ang hearsay evidence violates due process of law.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa rule ng evidence, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply