Sponsored Links
Advertisement

Ano Ba Ang Tinatawag Na Judicial Declaration Of Presumptive Death?


“ATTY., ANO BA ANG TINATAWAG NA JUDICIAL DECLARATION OF PRESUMPTIVE DEATH? PAANO BA ITO GINAGAWA AT ANO EPEKTO NITO?

ANG JUDICIAL DECLARATION OF PRESUMPTION OF DEATH AY ISANG SUMMARY PROCESS NA GINAGAWA SA KORTE UPANG IDEKLARA ANG ISANG TAO NA NAWAWALA NG APAT NA TAON NA SUNOD-SUNOD PAGKATAPOS NA GUMAWA NG MASUGID NA PAGHAHANAP ANG ASAWA NIYA AT LUMABAS NA HINDI TALAGA SIYA MAHANAP. ANG DESISYON NG KORTE SA JUDICIAL DECLARATION OF PRESUMPTION OF DEATH AY NAGBIBIGAY NG KARAPATAN SA PRESENT SPOUSE NA MAG-ASAWANG MULI NA HINDI SIYA MAKAKASUHAN NG BIGAMY.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ano ba ang proseso na ginagawa sa korte na kung madaming taon na walang komunikasyon sa asawa at hindi na siya mahanap ay pwede nang magpakasal muli at hindi makakasuhan ng bigamy. Ito ang proseso ng judicial declaration of presumptive death. Paano nga ba ito? Ganito ang question ng reader ng E-Lawyers Online:

“Mabuhay po kayo atty at ang FB page nyo. 10 years na po kami hiwalay ng mister ko at hindi na kami nag-uusap dahil nasa Saudi siya ako naman ay Hongkong. Pwede ko na ba ba ipadeklara siya na patay na? Alam ko ay buhay pa siya pero gusto ko makasal muli. Pwede daw proseso ng presumption of death? Ano po ba yon?”

Ang judicial declaration of presumptive death ay isang summary judicial process na ginagawa sa korte kung saan ang isang tao ay idinideklara na patay na dahil siya ay matagal nang nawawala at hindi na makita ng kanyang asawa at kamag-anak pagkatapos ang masugid na paghahanap nila sa nasabing tao. Ang purpose ng prosesong ito ay upang makapag-asawang muli ang asawa na hindi makakasuhan ng bigamy at upang mahati ang naiwan na mga ari-arian ng nawawala at ibigay sa kanyang mga taga-pagmana.

Nasa Article 390 at 391 ng New Civil Code ang tinatawag na “presumption of death”:

Art. 390. After an absence of seven years, it being unknown whether or not the absentee still lives, he shall be presumed dead for all purposes, except for those of succession.

The absentee shall not be presumed dead for the purpose of opening his succession till after an absence of ten years. If he disappeared after the age of seventy-five years, an absence of five years shall be sufficient in order that his succession may be opened. (n)

Art. 391. The following shall be presumed dead for all purposes, including the division of the estate among the heirs:

(1) A person on board a vessel lost during a sea voyage, or an aeroplane which is missing, who has not been heard of for four years since the loss of the vessel or aeroplane;

(2) A person in the armed forces who has taken part in war, and has been missing for four years;

(3) A person who has been in danger of death under other circumstances and his existence has not been known for four years. (n)

Ang nasabing batas na Article 390 ng New Civil Code ay na-amend ng Article 41 ng Family Code kung saan nirequire ng batas na magkaroon muna ng summary judicial process bago magpakasal muli ang naiwan na asawa:

Art. 41. A marriage contracted by any person during subsistence of a previous marriage shall be null and void, unless before the celebration of the subsequent marriage, the prior spouse had been absent for four consecutive years and the spouse present has a well-founded belief that the absent spouse was already dead. In case of disappearance where there is danger of death under the circumstances set forth in the provisions of Article 391 of the Civil Code, an absence of only two years shall be sufficient.

For the purpose of contracting the subsequent marriage under the preceding paragraph the spouse present must institute a summary proceeding as provided in this Code for the declaration of presumptive death of the absentee, without prejudice to the effect of reappearance of the absent spouse.

Ang Article 41 of Family Code ay nagsasaad na ang isang kasal na ginanap habang umiiral ang naunang kasal ay hindi epektibo o null and void. Pero kung ang ikalawang marriage ay ginanap kung saan ang asawa sa unang kasal ay nawawala for four (4) consecutive years at merong matibay na basehan na ang nawawalang asawa ay patay na, ito ay valid subject sa re-appearance ng nawawalang asawa. Ang presumptive death ng nawawalang asawa ay kailangan na i-file sa korte upang mag-issue ito ng judicial declaration of presumptive death. Kung wala ang judicial declaration of presumptive death at nagpakasal kayo, pwede ka makasuhan ng bigamy ng gobyerno.

Ang proseso ng judicial declaration of presumptive death ay nagsisumula sa pagsasampa ng petisyon sa Regional Trial Court kung saan residente ang nagsampa for six months at patutunayan niya sa korte na gumawa siya ng lahat ng effort o pagpapagod upang hanapin o matagpuan ang asawa niya ngunit hindi niya ito matagpuan. Ang mga ebidensiya na kailangan dito ay mga patunay na siya ay nagpublish sa newspaper sa pagkawala ng asawa niya, nanawagan siya sa mga radio at television at nag-imbestiga siya sa mga huling lugar kung saan natagpuan ang asawa niya.

Kailangan niya rin magpresenta ng ibang witnessess kung saan sila ay magbibigay ng testimoniya na malamang na ang nasabing asawa ng nagsampa ay patay na. Kung ang pagkawala ay bunga ng paglubog ng sinasakyang barko o pagbagsak ng eroplano, o bunga ng pagiging isang military na sumabak sa military operation, o siya ay abducted or nakidnap at walang balita sa kanya o iba pang situation kung saan mataas na posibilidad ang pagkamatay, two (2) years ay sapat na to declare the presumption of death ng nawawalang asawa ng korte.

Ayon sa Supreme Court case ni Republic vs. Granada [G. R. No.  187512, June 13, 2012] the following are the elements of judicial declaration of presumptive death:

1.   That the absent spouse has been missing for four consecutive years, or two consecutive years if the disappearance occurred where there is danger of death under the circumstances laid down in Article 391, Civil Code;

2.   That the present spouse wishes to remarry;

3.   That the present spouse has a well-founded belief that the absentee is dead; and

4.   That the present spouse files a summary proceeding for the declaration of presumptive death of the absentee.

Well-founded belief should include the present spouse must exert diligent efforts in locating the absent spouse katulad ng pagpunta sa media at pag-announce ng pagkawala ng nasabing asawa.

Pagkatapos magpresenta ng ebidensiya sa korte ang naiwan na asawa, ang korte ay magdedesisyon at kung ito ay final and executory na ay uutusan ang Local Civil Registrar na mag-issue ng death certificate sa nawawalang asawa at ito ay ipaparehistro sa NSO o Philippine Statistical Authority. Ang desisyon sa kasong ito ay final na agad at hindi pwedeng i-appeal sa Court of Appeals ayon sa Supreme Court case na Republic vs. Cantor [G.R. No. 184621, December 10, 2013]

 “In Summary Judicial Proceedings under the Family Code, there is no reglementary period within which to perfect an appeal, precisely because judgments rendered thereunder, by express provision of [Article] 247, Family Code, supra, are “immediately final and executory.”

Kung narehistro na ang death certificate ng nawawalang asawa, siya ay considered na patay na at hindi na siya pwede kumuha ng passport o magtransact sa anumang sangay ng gobyerno. Maaalis lamang ang status ng nawawalang asawa bilang deceased person kung siya ay mag-sasampa sa local civil registrar ng Affidavit of Re-Appearance.

Ang judicial declaration of presumptive death ay hindi isang uri ng annulment dahil ang epekto ng decision ng isang annulment of marriage ay PERMANENTE sa mag-asawa, sa mga anak at sa mga ari-arian. Ang epekto ng pagkawala ng bisa ng kasal sa judicial declaration of presumptive death ay TEMPORARY dahil kung ang sinumang tao ay nagsumbong o nagsuplong sa otoridad na buhay pa ang nawawalang asawa at nag-submit ng affidavit of reappearance ng nawawalang asawa, ang presumption of death is automatically terminated at ang ikalawang kasal bunga nito ay immediately voided o automatic na mawawala ang bisa nito, at babalik sa dating relationship ang mag-asawa sa unang kasal.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa judicial declaration of presumptive death at ang tamang proseso, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply