Sponsored Links
Advertisement

Anong Kaso Ang Pagbabanta Sa Facebook?


“ATTY., MAY NAGBANTA PO SA AKIN SA FACEBOOK NA PAPATAYIN AKO, ANONG KASO PO BA ITO?”

“MERON PO BA PARUSA SA TAONG NAGBABANTA NA SISIRAIN AKO SA MISTER KO AT PALALABASIN NA MAY LALAKI AKO?”

ANG PAGBABANTA NG PANANAKIT SA KATAWAN, KARANGALAN AT ARI-ARIAN NG ISANG TAO AY ISANG KRIMEN NA “GRAVE THREAT” NA MAY PARUSANG KULONG. ANG KRIMEN NA ITO AY PINAPARUSAHAN KAHIT HINDI NIYA TINULOY ANG KANYANG BANTA SA TAO. 

Marami ang nakakaranas at nakakatanggap ng pagbabanta sa Facebook at iba pang social media at ang kalimitan na tanong ay kung may parusa ba ang batas dito kahit hindi naman tinuloy ang banta. Ganito ang question ng reader ng E-lawyers Online:

“Atty., may nakaaway po ako kapitbahay at nagbanta siya na magpapadala ng text at FB message sa seaman ko na mister na ako ay may lalaki. Nag-message po siya sa akin privately. Pwede po kasuhan?”

“Hi po atty., ano po gagawin sa nagbabanta na bubugbogin ako paglumabas ako ng bahay sa post niya sa FB?”

Alam nyo ba na ang post, comment o twit na may pagbabanta ng pananakit sa isang tao sa kanyang katawan, karangalan o ari-arian na ginawa sa Facebook, Twitter o iba pang social networking sites o internet ay isang krimen na kung tawagin ay “grave threat”. Ang nasabing post, comment o twit ay isang electronic evidence na tinatanggap na sa korte bilang ebidensiya ng grave threats at pwede na itong magamit laban sa taong nagpost nito sa internet upang siya ay ipakulong.

Ayon sa Revised Penal Code, Article 282 ang GRAVE THREAT ay isang krimen kung saan pinaparusahan ang isang tao na nagbanta sa isang tao ng pananakit sa kanyang katauhan, honor o ari-arian sa pamamagitan ng paggawa ng anumang gawain na isang krimen. Ang parusa sa grave threat ay mababa ng isang degree depende sa krimen na bantang gagawin ng nagbanta at depende kung ito ay may kundisyon na binigay katulad ng pagbibigay ng pera o paggawa ng ibang bagay o kundisyon at kung ang kanyang dahilan sa pagbabanta ay natupad.

Art. 282. Grave threats. Any person who shall threaten another with the infliction upon the person, honor or property of the latter or of his family of any wrong amounting to a crime, shall suffer:

1. The penalty next lower in degree than that prescribed by law for the crime he threatened to commit, if the offender shall have made the threat demanding money or imposing any other condition, even though not unlawful, and said offender shall have attained his purpose. If the offender shall not have attained his purpose, the penalty lower by two degrees shall be imposed.

If the threat be made in writing or through a middleman, the penalty shall be imposed in its maximum period.

2. The penalty of arresto mayor and a fine not exceeding 500 pesos, if the threat shall not have been made subject to a condition.

Kung ang pagbabanta ay ginawa ng isang tao o middleman para sa isang tao, ang parusa ay ilalagay ng korte sa maximum period.

Paano kung nakatanggap ka ng pagbabanta?

Kailangan mo kaagad na ipa-blotter sa pulis ang pagbabanta at magbigay ng screen shot ng mga messages na natanggap consituting the threat. Ang police blotter na ito ay magiging supporting evidence mo para patunayan na ito ay nangyari at kaagad na ni-report sa police. Ito rin ay magiging proteksyon mo kung ang nasabing mensahe ng pagbabanta ay tinanggal na ng gumawa nito.

Kung ang banta ay pagbabanta na magsasampa ng kaso sa korte, grave threat ba ito?

Hindi. Ang pagbabanta na magsasampa ng kaso sa korte ay isang legla threat o legal na pagbabanta. The adverse result of an action does not per se make the action wrongful and subject the actor to make payment of damages, for the law could not have meant to impose a penalty on the right to litigate (Rubio v. Court of Appeals, et al., G.R. No. 50911, March 12, 1986, 141 SCRA 488). One who exercises his rights does no injury. Qui jure suo utitur nullum damnum facit. If damage results from a person’s exercising his legal rights, it is damnum absque injuria (Auyong Hian v. Court of Tax Appeals, et al., G.R. No. L-28782, September 12, 1974, 59 SCRA 110 cited in the Ilocos Norte Electric Company v. Hon. Court of Appeals, et al., G.R. No. 53401, November 6, 1989).

Kung gusto nyo magtanong ukol sa grave threat register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply