Sponsored Links
Advertisement

Bigamous Marriage

  • 491
    Shares

ANG DESISYON NG KORTE SA ANNULMENT NG UNANG KASAL AY WALANG EPEKTO SA BIGAMOUS MARRIAGE O IKALAWANG KASAL AT HINDI ITO NAGIGING LEGAL O NAGKAKABISA DAHIL ITO AY VOID FROM THE VERY BEGINNING. ANG UNA AT IKALAWANG KASAL AY KAILANGAN IPAWALANG BISA SA MAGKAHIWALAY NA PROSESO NG ANNULMENT OF MARRIAGE.

May mga nagtatanong sa E-Lawyers Online kung napawalang bisa ba nila ang unang kasal sa pamamagitan ng annulment of marriage ay automatic daw ba na nagiging legal o may bisa ang ikalawang kasal na pinasukan nila. Meron ding nagtatanong sa E-Lawyers Online kung napawalang bisa na ang unang kasal ng korte, ang ikalawang kasal ba ay automatic na din na nawawala ang bisa? Ganito ang tanong nila:

“Magtanong lang ako sa iyo attorney, kung sakali po ba na ipawalang bisa ko ang unang kasal ko pag nagfile ako ng annulment sa korte, automatic na ba yon na magiging legal ang ikalawang kasal ko?”

Ang desisyon ng korte sa annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay sumasakop lamang sa unang kasal at walang relasyon ito sa ikalawang kasal o sa ibang tao na hindi kasama sa kasal. Ang korte ay walang jurisdiction na ipawalang bisa ang ikalawang kasal sa annulment o marriage ng unang kasal. Ang bawat kasay ay dapat ipawalang bisa sa magkahiwalay na proseso sa korte. Kung kaya ang unang kasal na napawalang bisa sa pamamagitan ng annulment of marriage ay hindi automatic na nagiging legal o may bisa ang ikalawang kasal o bigamous marriage na pinasok ng isa sa kanila. Ang “bigamous marriage” ay ang kasal sa ikalawang beses habang may bisa pa ang unang kasal ng isa sa mga kinasal. Ang bigamy ay isang criminal offense kung saan pinaparusahan ang pagpapakasal ng ikalawang beses na hindi napapawalang bisa ang unang kasal sa isang annulment case. Ito ay nakasaad sa Article 349 ng Revised Penal Code “the penalty of prision mayor (from six (6) years and one day to (12) twelve years) shall be imposed upon any person who shall contract a second or subsequent marriage before the former marriage has been legally dissolved, or before the absent spouse has been declared presumptively dead by means of a judgment rendered in the proper proceedings.”

Marami ang nag-aakala na kung ang asawa nila ay nagpakasal ng pangalawa habang kasal pa sa kanila ay ito ay magagamit na as a ground for annulment of marriage sa korte upang mapawalang bisa ang unang kasal. Mali ang ganitong akala, dahil ang bigamous marriage ay ginagamit lamang bilang ground for annulment of marriage para mapawalang bisa ang ikalawang kasal. Hindi ito magagamit bilang ground for annulment of marriage para mapawalang bisa ang unang kasal. Ang ikalawang kasal ay null and void dahil meron pang bisa ang unang kasal at pinapayagan ng batas na ipawalang bisa ito dahil walang legal capacity ang isa sa nagpakasal dahil siya ay kasal pa sa unang asawa.

Kung ang unang kasal ay napawalang bisa na sa korte, ang ikalawang kasal ay mananatili at hindi ito automatic na nawawala ang bisa o automatic na nagkakaroon ng bisa o nagiging legal. Nasa Article 35 (4) ng Family Code na ang bigamous marriage ay void from the very beginning. Mula sa simula pa lamang ay wala na itong bisa at hindi magkakaroon ng legal na bisa kahit napawalang bisa ang unang kasal. Ang mga void marriages katulad ng kasal ng menor de edad, bigamous marriage, no marriage license, kasal ng magkamag-anak, walang authority ng solemnizing officer, at iba pang void marriages, although ito ay void from the very beginning, ito ay mananatiling valid at hindi pwedeng magpakasal muli hanggat hindi na-annul ito sa korte. Nasa Article 40 ng Family Code, “the absolute nullity of a previous marriage may be invoked FOR PURPOSES OF REMARRIAGE on the basis solely of a FINAL JUDGMENT declaring such previous marriage void.” Ibig sabihin, kailangan muna may final na decision ang korte na void talaga ang marriage bago ka magpakasal muli. Ang void marriages, although ito ay void from the very beginning, ito ay mananatiling valid at hindi pwedeng magpakasal muli hanggat hindi na-annulled ito sa korte. Hindi pinapayagan ng batas na magdecision sa sarili nila ang mag-asawa na void ang marriage nila dahil korte lang ang may power na magdecide na void talaga ang marriage nila. Kung kaya ang unang kasal at ikalawang kasay ay kailangang ipawalang bisa sa magkahiwalay na proseso ng annulment of marriage.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa annulment of marriage o kung may tanong tungkol sa documentation, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated


  • 491
    Shares

Leave a Reply