Sponsored Links
Advertisement

Financial Support

  • 99
    Shares

 

“ATTY., AYAW PO AKO AT ANAK NAMIN NA BIGYAN NG SUPORTA NG ASAWA AT KASAMA PA NIYA SA PAGSASABI SA AKIN NA HINDI AKO MAKAKATANGGAP NG SUPORTA ANG KABIT NIYA. PWEDE KO BA ISAMA SA KASO ANG KABIT NIYA?”

Marami sa atin ang napapadamay sa kaso at hindi natin alam kung may basehan ba ang pagdamay natin sa kaso o hindi. Kung kasama ka sa paglabag sa batas o ikaw mismo ay kasama sa paggawa nito, may kaparusahan ka ba? Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., 3 years kami hiwalay ng mister ko at may 2 anak. Dati maayos ang suporta niya ngunit yong kabit niya ngayon ang nagkontrol sa mister ko na huwag na magpadala. Tinanong ko mister sa chat namin at sinabi niya na yon ang kasunduan nila ng kabit nila. Pwede ko ba isama sa kaso na economic abuse ang kabit atty sa?”

“Hello atty., ang nanay ng mister ko ang nagsulsol na huwag na ako at anak namin ay padalhan ng suporta. May maikakaso ba ako sa nanay ng mister ko?”

Ang isang tao ay nagiging akusado sa isang kriminal na kaso kung siya ay kasama sa paglabag ng batas, either by direct participation, by indispensable cooperation or by inducement o pagsusolsul. May tinatawag sa criminal na law na “conspiracy” o pakikipagsabwatan o pakikipagsapakatan.

Ayon sa Article 8 of the Revised Penal Code, it defines conspiracy, as follows:

“A conspiracy exists when two or more persons come to an agreement concerning the commission of a felony and decide to commit it.”

Ayon sa Supreme Court [People v. Fegidero, GR No. 113446, August 4, 2000; People v. Francisco, GR Nos. 118573-74, May 31, 2000], “the elements of conspiracy are the following: (1) two or more persons came to an agreement, (2) the agreement concerned the commission of a felony, and (3) the execution of the felony was decided upon. Proof of the conspiracy need not be based on direct evidence, because it may be inferred from the parties’ conduct indicating a common understanding among themselves with respect to the commission of the crime. Neither is it necessary to show that two or more persons met together and entered into an explicit agreement setting out the details of an unlawful scheme or objective to be carried out. The conspiracy may be deduced from the mode or manner in which the crime was perpetrated; it may also be inferred from the acts of the accused evincing a joint or common purpose and design, concerted action and community of interest.”

Ayon sa batas, kung may conspiracy, the act of one and is the act of all. Katulad ng tanong ng reader sa itaas, ang kasong economic abuse o hindi pagsuporta sa anak at asawa ay pwede lamang isampa sa tatay, live-in partner o boyfriend ng babae. Ang naging kabit o ibang babaeng partner ng tatay, live-in partner o boyfriend ay hindi pwedeng isama sa kaso kung wala siyang ginagawa o hindi siya nakikipagsabwatan sa lalaki. Ngunit kung nakipagsabwatan o sapakatan ang kabit o kinakasamang babae ng tatay, live-in partner o boyfriend ng babae, siya ay matatawag na co-conspirator at kasama siya sa pwedeng kasuhan ng anak o asawa.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa conspiracy, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Kung gusto niyo naman ng video-chat consultation, magregister sa www.lexmeet.com.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


  • 99
    Shares

Leave a Reply