Sponsored Links
Advertisement

Ipinagbabawal Ba Ng Batas Na Bilhan Ng Motorcycle Ang Menor De Edad?


“ATTY., MERON BA AKONG LALABAGIN NA BATAS KUNG BILHAN KO NG MOTOR ANG ANAK KO NA 16 YEARS OLD?”

ANG PAGBIBIGAY NG MOTOR VEHICLE O PAGPAPABAYA SA ISANG BATA O MINOR DE EDAD NA MAGMANEHO O GUMAMIT NG MOTOR VEHICLE NA WALANG LISENSYA AY ISANG URI NG CHILD ABUSE AT ISANG KRIMEN AT PINAPARUSAHAN NG KULONG SA ANTI-CHILD ABUSE LAW OTHERWISE KNOWN AS REPUBLIC ACT NO. 7610 IN RELATION TO PRESIDENTIAL DECREE NO. 603.

Marami ngayon na magulang ang binibilhan ang anak nila na minor de edad ng motorsiklo dahil ito ay uso. Kalimitan ay ginagamit nila ito kahit walang lisensya. Ito ba ay pinagbabawal ng batas? Ito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Ako po ay OFW ay mahal ko po anak ko. Sabi ng tatay niya ay ibili namin siya ng motor sa 16th birthday niya kaso natatakot po ako sa aksidente at hindi ko po alam kung legal ba gagawin namin. Guidance naman po atty dahil ayaw ko mapahamak anak ko. Thanks po.”

Ayon sa Article 59 ng Presidential Decree No. 603 o Chil and Youth Welfare Code, isa sa mga acts kung saan pwedeng makulong ang isang magulang ay ang pagpapabaya ng isang magulang na gumamit ang isang minor de edad ng isang sasakyan na wala siyang lisensya. Kung ang sasakyan ay nakarehistro sa magulang, may sapantaha ang batas na binigyan niya ng permiso ang anak niya na gamitin ang sasakyan.

Article 59. Crimes. – Criminal liability shall attach to any parent who:

12. Allows or requires the child to drive without a license or with a license which the parent knows to have been illegally procured. If the motor vehicle driven by the child belongs to the parent, it shall be presumed that he permitted or ordered the child to drive.

“Parents” as here used shall include the guardian and the head of the institution or foster home which has custody of the child.

Kasama sa pinagbabawal ang pagdrive ng isang minor gamit ang driver’s license na illegal na kinuha sa LTO.

Ito ay isang halimbawa ng CHILD ABUSE. Ayon sa Republic Act No. 7610 known as “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” or “Anti-Child Abuse Act”, sa Section 10 nito sinasabi na ang mga ibang gawain ng pagpapabaya, abuso, kalupitan o exploitation at iba pang kundisyon kung saan nakakaapekto ng masama sa paglaki ng isang bata o minor de edad including those covered by Article 59 of Presidential Decree No. 603, as amended, but not covered by the Revised Penal Code, as amended, ay makukulong ng prision mayor in its minimum period (6 years and 1-day to 12 years imprisonment).

Sinasabi rin sa batas na ito na – Section 10. Other Acts of Neglect, Abuse, Cruelty or Exploitation and Other Conditions Prejudicial to the Child’s Development. –

(a) Any person who shall commit any other acts of child abuse, cruelty or exploitation or to be responsible for other conditions prejudicial to the child’s development including those covered by Article 59 of Presidential Decree No. 603, as amended, but not covered by the Revised Penal Code, as amended, shall suffer the penalty of prision mayor in its minimum period.

Under the law, ang isang 17 years old ay pwede nang kumuha ng Student Permit ngunit hindi ito matatawag na lisensiya sa pagmamaneho dahil kailangan na ang minor de edad na may hawak nito ay magmaneho kasama ang isang professional driver.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa Child Abuse o violation ng R.A. 7610, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply