Sponsored Links
Advertisement

Kailan Nawawala Ang Karapatan Ng Isang Magulang Sa Kanyang Anak?


“MAY KARAPATAN PA BA ANG ISANG MAGULANG NA NAG-ABROAD PARA KUNIN ANG KANYANG MGA ANAK NA PINAALAGAAN SA MGA KAMAG-ANAK? KAILAN NAWAWALA ANG KARAPATAN NG ISANG MAGULANG SA KANYANG MGA ANAK?”

ANG ISANG MAGULANG AY HINDI BASTA-BASTA NAWAWALA ANG KARAPATAN SA KANYANG MGA ANAK, KAHIT ANG PAG-ABANDONA O HINDI PAGSUPORTA NG NASABING MAGULANG AY HINDI KAAGAD NAKAKAWALA NG KANYANG KARAPATAN. ANG KARAPATAN NG MAGULANG SA ANAK AY HINDI RIN BASTA-BASTA NALILIPAT O KAYA AY NAIWAWAKSI AT DAPAT ITO AY NAAYON SA BATAS.

Meron nagtanong sa E-Lawyers Online na since na-abandona na sila ng asawa niya ay pwede na ba niyang huwag ipakita ang kanyang mga anak dito? Meron din nagtanong kung ang asawa na ang hindi nagsusuporta sa pamilya ay wala nang karapatan na makita o makasama ang kanilang mga anak? Ang ilan naman ay nagtatanong, dahil sa katagalan nila na nasa abroad, kung may karapatan pa rin ba sila sa mga anak nila na naiwan nila sa Pilipinas. isang reader ng E-Lawyers Online ang nagtanong ng ganito:

“Attorney, bata pa po ang mga anak ko ng iwanan ko sila sa pamilya ng mister ko. After po ng 10 years kung trabaho bilang OFW ay gusto ko na silang makapiling. Matagal na po kaming hiwalay ng mister ko at meron na din siya pamilyang iba. Ngayon po ay lolo at lola ang nag-aalaga sa mga anak ko at nagpapadala lang ako ng pera sa suporta. Ngayon po ay gusto ko na sila kunin. Kaso po ay ayaw po sila ibigay sa akin, may karapatan pa po ba ako sa mga anak ko?”

Ang karapatan ng isang magulang sa isang anak ay ang tawag ay “PARENTAL AUTHORITY.” Sa karapatan na ito ay kasama ang karapatan na makasama, makausap at magkaroon ng relasyon bilang magulang at anak. Ayon sa Article 210 ng Family Code ay ang “parental authority and responsibility may not be renounced or transferred except in the cases authorized by law.” Ibig sabihin ay ang karapatan ng magulang ay hindi basta-basta naiwawaksi o naililipat maliban sa mga kaso na pinapayagan ng batas.

Nasa Article 228 ng Family Code na permanenteng nawawala ang karapatan ng magulang sa anak kung namatay na ang magulang o ang anak, o naging emancipated na ang anak. Ang emancipation ng anak ay nagaganap kung siya ay umabot na sa edad na 21 years old kung saan ay may karapatan na siyang mabuhay ng independent sa kanyang magulang.

Ang karapatan ng magulang sa anak naman ay nawawala rin ayon sa Article 229 ng family Code, (1) Upon adoption of the child; (2) Upon appointment of a general guardian; (3) Upon judicial declaration of abandonment of the child in a case filed for the purpose; (4) Upon final judgment of a competent court divesting the party concerned of parental authority; or (5) Upon judicial declaration of absence or incapacity of the person exercising parental authority. Also, Article provides na “If the person exercising parental authority has subjected the child or allowed him to be subjected to sexual abuse, such person shall be permanently deprived by the court of such authority.”

Wala ang “abandonment” or “failure to support” bilang ground para mawalan ng karapatan ang magulang sa kanyang mga anak. Sa isang Supreme Court case (Briones vs. Miguel, GR 156343, Oct. 18, 2004), ibinigay ang custody at parental authority ng bata na pinanganak ng mga magulang na hindi kasal sa nanay habang ito ay nagtratrabaho bilang OFW sa Japan at kalaunan ay dinala niya ito sa nasabing bansa. Sinabi sa decision na ang pagtratrabaho sa ibang bansa at pagiiwan sa anak na illegitimate sa mga lolo at lola nito sa mother side bilang substitute parental authority ay hindi isang mabigat na dahilan na kunin ng tatay ang custody sa nanay. Hindi ito matatawag at makunsidera na abandonment o pagpapabaya ng nanay.

Ngunit kung talagang may abandonment ang nanay/tatay, pwede silang mawalan ng karapatan o parental authority sa kanilang mga anak. Ayon sa Article 229 (3) of the Family Code, parental authority terminates upon judicial declaration of abandonment of the child in a case filed for the purpose. Ibig sabihin nito ay pwedeng hilingin sa korte na ideklara na ang isang magulang ay nag-abandona sa kanyang anak at tanggalan siya ng karapatan bilang magulang. Hanggat walang desisyon ang korte na abandoned ang isang bata, ang karapatan ng magulang ay mananatili.

Ang Republic Act No. 8369 otherwise known as “Family Courts Act of 1997” ay nagbibigay ng jurisdiction sa Family Court upang i-process ang judicial declaration of abandonment of child o Petitions for declaration of status of children as abandoned, dependent o neglected children, petitions for voluntary or involuntary commitment of children; the suspension, termination, or restoration of parental authority and other cases cognizable under Presidential Decree No. 603, Executive Order No. 56, (Series of 1986), and other related laws.

Ang proseso na ito ay mahalaga upang patunayan na ang nasabing bata ay inabandona na nang isa o parehong magulang kung kaya ay tinatanggalan na ng karapatan ang nasabing magulang na nag-abandona sa bata at binibigay ang custody nito sa magulang o taong nagfile ng petition. Ang proseso na ito ay ginagawa o kinukuha nang natitirang magulang kung siya ay magmimigrate sa ibang bansa, o dadalhin ang bata sa abroad o i-aadopt para hindi na kailanganin ang written consent ng magulang na nag-abandona.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa Petitions for declaration of status of children as abandoned, dependent o neglected children o kailangan nyo ng tulong sa pag-prepare ng documents, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply